Chapter 3

12.4K 413 1
                                    

Third Person's POV

Idinala ng mga maskuladong lalaki ang binatang si Axel sa loob ng isang silid. Tulog pa ito at walang kamalay-malay na ibinyahe na nila siya.

Nang mailagay na ito sa isang tulugan ay iniwan na nila ito para makapagpahinga, pagkat mamaya ay may gagawin sila sa kanya.

...

Nagising ang binata mula sa pagkakatulog niya at kaagad na nakita niya ay ang medyo madilim na paligid. Bigla siyang napabangon mula sa pagkaka-higa niya, ngunit bigla itong dumaing dahil sa pagka-hilo

"Ngh!" Daing niya habang hawak-hawak ang kanyang sentido "nasaan ako?" Nalilito niyang tanong sa sarili. Nagpalinga-linga siya at tinignan ang paligid.

Madilim iyon at tanging liwanag ng buwan lang mula sa bintana ang dahilan para makakita siya kahit konti lang. Sinubukan niyang tumayo kahit na medyo hilo pa siya, sinubukan niyang hanapin ang switch ng ilaw, at kung suswertihin nga naman, may nakita siya.

CLICK

Napapikit siya ng konti dahil sa pagkasilaw niya... nang imulat niya muli ang kanyang mga mata, tinignan niya kaagad ang kabuuan ng lugar kung nasaan siya.

Isa lang itong simpleng silid, may isang silid pa doon na kung hindi siya nagkakamali ay ang banyo. May aparador at vases, pati na din ang kamang hinigaan niya, may dalawang bintana din ang silid, isa dito ay ang bintanang pinaggagalingan ng liwanag ng buwan, yung isa naman ay malapit sa pintuang gawa sa bakal.

Kaagad na tumakbo patungo sa pintuan si Axel at sinubukang buksan iyon... ngunit nabigo siya dahil naka-lock ito. Sinubukan niya ding buksan ang dalawang bintana ngunit bigo pa rin siya.

Bigla siyang napa-upo mula sa kinatatayuan niya at napasabunot kasabay ng pagbuntong-hininga niya...

Bakit siya nandito? Bakit siya kinuha ng mga tao doon sa bar? Anong kailangan nila sa kanya? At ang huli, bakit siya pa na mahirap, gayong lahat naman ng kasama niya ay mayayaman!? Ilan lamang ang mga tanong na yan sa kanyang isipan. Bigla na lamang naglandas ang mga luha sa kanyang mga mata.

Bigla niyang pinunasan ang mga luhang iyon at tumayo. Humanap siya ng pwedeng gamiting pambukas. Sinuyod niya ang ilalim ng higaan, mga lumang aparador na nandoon maging ang munting banyo, pero bigo parin siya.

Tigmak ang mga luha sa mata niya habang umuupo sa kama, niyakap niya ang kanyang mga tuhod habang patuloy na lumuluha.

Paano kung hanapin siya ng kanyang mga magulang? Paano ang kanyang pag-aaral? Paano na siya makakabawi sa mga ito? Mas lalo siyang naiyak sa mga tanong niya sa kanyang sarili.

Pagsisisi... yun na lamang ang tanging nararamdaman niya ngayon. Sinisisi niya si Carl, dahil kung hindi sa kanya ay wala siya dito ngayon, pero sinisisi niya ng lubos ang kanyang sarili kung bakit sumama pa siya sa kanila.

Pero ang tunay na may kasalanan para sa kanya ay si Carl, dahil kung hindi siya inalok nito ay hindi naman siya mag-iisip at sasama sa kanila, pero wala na siyang magagawa pa.

Huli na ang pagsisi dahil nandito na siya at wala na siyang magagawa pa sa kanyang sinapit. Unti-unti siyang napahiga sa kama...

Iniisip ang kanyang mga magulang, masayang pamumuhay, ang kanyang school, mga kaklase, trabaho at lahat-lahat.

Unti-unti siyang dinalaw ng antok.

...

Nagising si Axel dahil sa ingay na nanggagaling sa pintuan. Siguro ay bubuksan na nila ito. Siguro ay patatakasin na nila siya, he smiled at the thought. Bigla siyang napaupo mula sa pagkakahiga niya.

Ilang sandali pa ay iniluwa ng pinto ang dalawang lalaki, ang isa ay naka-casual na damit at may nakasabit na latigo sa baywang nito habang ang isa ay naka puti na pang itaas at kupas na pantalon. Parehong... ewan. Pareho silang... hmmm, pangit.

"Hmmm, pwede na ba akong umuwi sa amin?" Biglang tanong ng binata sa kanila. Pero hindi sila sumagot. "Hmmm, sigurado kasi ako na hinahanap na ako ng mga pare ---" hindi na naituloy ni Axel ang dapat na sasabihin niya nang biglang may inihagis na damit ang isa sa kanya.

"Maligo ka doon at isuot mo ang mga yan" sabi naman ng isa habang inginunguso pa ang direksyon ng banyo, tila nalito naman ang binata pinapagawa sa kanya kaya nagtanong siya "ano ba 'to? Ano bang gagawin niyo sa akin? Kailan niyo ba ako pauuwiin?" Sunudsunod na tanong niya sa dalawa.

"Wag ka ng madaming sinasabi, basta gawin mo na lang ang inuutos namin sayo!" Bulyaw sa kanya nung isang may dalang latigo na parang naiinis na, "ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo sa akin? Huh? Don't you know, pwede ko kayong idemanda?" Galit na tanong ng binata sa dalawa "manahimik ka at wag mo kaming maingles-ingles... tyaka, demanda? Haha, patawa ka" bored na sagot naman ng isa sa kanya "basta, maligo ka na at isuot mo yang mga yan, hala! Madali ka!" Utos sa kanya nung may latigo.

Tila nainis naman si Axel sa dalawa kaya't imbes na sumunod ay kumuha ito ng bwelo at bigla tumakbo, hindi na niya ininda ang sakit ng pagkakabunggo niya dun sa isang lalaki. Basta ang nasa isip na lamang niya ay ang maka-alis sa lugar na iyon.

Malapit na sana siya sa pintuan nang may maramdaman siyang hapdi sa mga binti niya. Bigla siyang natumba habang hawak ang binti niya. "Urgh!" Daing niya dahil sa sakit na nararamdaman niya.

"At saan mo balak pumunta, huh?" Tanong sa kanya ng lalaking naka-casual habang hawak-hawak ang latigo na malamang ay ipinampalo sa kanya. "Pakawalan niyo na ako dito. Wala kayong mapapala sa akin" sagot ni Axel dito. Pinilit niyang makatayo at lalabas na sana ulit ng biglang hampasin na naman ang kabilang binti niya. "Araaaaay!" Sigaw ni Axel nang tamaan ang hita niya ng latigo.

Naglandas ang mga luha niya habang hawak-hawak ang kanyang mga binti. Hindi magkanda-umayaw si Axel sa sakit, hapdi at kirot na nararamdaman niya. "Wag mo ng piliting umalis, hindi ka namin papayagan" sabi sa kanya ng isang lalaki habang naka ngisi. "A..ano bang binabalak niyo? Aww!" Tanong ni Axel sa kanila.

Pinilit ulit ni Axel na ibalanse ang kanyang sarili upang makatayo at nagtangkang lalabas ulit ng may hapdi na naman siyang naramdaman. Bigla siyang natumba, pero hindi pa din siya sumuko, gumapang siya hanggang mahawakan na niya ang pinto, pero bigla siyang hinila ng mga ito.

Maagap siyang nakahawak ng mahigpit doon "bitiwan niyo ako! Ano ba!?" Galit niyang sabi sa mga lalaki. "Bitiw sabi!" Sabi niya ulit habang pilit na iniaalis ang mga paa sa pagkakahawak ng mga lalake.

"Sa lahat ng ayaw ko ay yung mga pasaway!" Sigaw sa kanya ng lalaking maka puti at biglang pinisil ang mga binti ng kawawang binata "ahhhhh! Araaaaay!" Napabitaw na ang isang kamay ni Axel, pero patuloy pa din sa paghawak ang isa niyang kamay. Tigmak ang mga luha na lumalabas sa mga mata ng binata dahil sa ginagawa sa kanya.

Bumitaw sa pagkakahawak ang naka casual na lalaki sa kanyang paa pero hindi inaasahan ni Axel ang sunod niyang ginawa, bigla itong pumunta sa may tiyan niya at bigla siya nitong sinipa "Ngh!" Nabitawan na ni Axel ang pinto at bigla siyang namaluktot sa sakit "yan ang mga napapala ng makukulit" sabi sa kanya nito.

Bigla naman siyang ipinangko ng lalaking naka puti, kaya kahit na nanghihina siya ay nagpumiglas pa din siya, pero wala na siyang nagawa pa, "sa..saan niyo... a..ako da...dadalhin? Ngh!" Hirap na tanong niya sa mga ito.

"Wag kang mag-alala, paliliguan at bibihisan ka lang namin" sabi sa kanya ng lalaking bumubuhat sa kanya, nagpupumiglas pa siya pero di nagtagal ay sumuko din siya dahil sa panghihina dala ng pagsipa sa kanya.

"Bi...bitiwan n..niyo a..ako." sabi niya sa kanila pero patuloy lang sila sa paglalakad papunta sa banyo, "pa....pakawa..lan ni...niyo a..ako." pagmamaka-awa niya pa sa mga ito.

Biglang nanlabo ang kanyang paningin, umikot ang lahat ng nakikita niya at unti-unting nagdidilim ang lahat... kasabay ng pang-sara ng kanyang mga mata ang pagbuka ng bibig ng mga lalaki...

"Magpahinga ka na... dahil kailangan mo ng lakas para sa auction mamaya." Sabi nito sa kanya, "Pare, mukhang tiba-tiba na naman tayo mamaya huh?" Habol pa ng lalaking may latigo habang naka ngisi.

Itutuloy...

HIS Master; HIS SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon