Chapter 22

5.6K 230 2
                                    

HIS Master; HIS Slave
Chapter 22
THE MEETING

Third Person's POV

"G-Gideon..." nangangatog na sabi ni Axel. Hindi niya alam ang gagawin niya. Tila nagbalik ang mga panahon. Mga panahon na kagaya nito kung saan may mga dumukot din sa kanya.

"Just stay there, Axel. Ako ang bahala sa'yo." Kalmadong sabi ni Gideon na nagbigay ng panandaliang ginhawa kay Axel. "Who the hell are you?" Tanong ni Gideon sa mga lalaking naka-suot ng bonnet.

Tila piping hindi naman sila sumagot sa tanong nito.

...

Dahil sa nasa kabilang parte ng sasakyan si Axel, hindi nakita ni Gideon na may lalake pa pala sa likuran ni Axel. Walang kaabog-abog itong hinawakan sa magka-bilang braso si Axel, sanhi upang matakot at sumigaw ito.

"G-Gideon! Gideon! Tulong!" Sigaw ni Axel. Nataranta naman si Gideon at tumakbo papunta sa pwesto ni Axel ngunit nakaka-ilang hakbang palang siya ay may humarang na sa kanya.

"Get the hell out of my way, you assholes!" Tiim bagang saad ni Gideon at nagpatuloy sa pagtakbo.

Sa isip ni Gideon ay ayaw na niyang mawala pa ulit sa piling niya ang binata. Hindi pa niya nasasabi ang dapat niyang sabihin, kaya hindi pwede. Hindi pa.

Nang makitang ayaw paring umalis sa daan niya ang dalawa ay wala nang nagawa si Gideon kung di ang lumaban.

Tila kagaya ng sa mga pelikula ang nangyari sa kanya. Naunang sumugod isa sa mga lalake at naiwasan niya iyon.

Sunod naman siyang sumuntok doon sa isa na poporma na sana. "Ugh!" Daing ng lalaking nasuntok niya sa mukha.

Susugod na sana ang nasa likuran niya ngunit kaagad niya iyong natunugan kaya mabilisang umiwas siya at inundayan ito ng sipa sa sikmura.

Bumagsak ang lalake sa sahig na namamaluktot sa sakit. "G-Gideon!" Sigaw parin ni Axel.

"Let go of him, you bastards!" Galit na sigaw niya. Nang masigurado niyang tumba na ang dalawa ay kaagad siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Axel.

Pagdating niya doon ay nakita niyang hawak-hawak ng dalawa pang lalake si Axel.

"Get your filthy hands off him, morons!" Nag-iba ang aura niya at naglakad siya patungo kay Axel.

Napapitlag man ang dalawang la lalake pero pinagpatuloy parin nila ang ginagawa. Bumitaw ang isa pagkaka-hawak kay Axel at sumugod kay Gideon.

Nang akma na niya itong susuntukin ay yumuko ng walang kahirap-hirap si Gideon at hinawakan ang braso nito at walang kaano-ano'y pinilipit ito.

"Hayop ka!" Sigaw naman ng isa pa kay Gideon nang makitang bumagsak ang kasamahan sa malamig na sahig at sumugod pero wala ding nagawa, pareho lang silang bumagsak kagaya ng mga nauna sa kanila.

"Huhuhu" narinig ni Gideon na umiiyak si Axel kaya kaagad na lumambot ang ekpresyon niya ay nilapitan ito.

Tila batang umiiyak at yumakap naman sa kanya si Axel. "It's okay now, baby. You're safe, because I will always protect you" sabi ni Gideon.

"Huhu. Huhuhu" patuloy na iyak ni Axel kay Gideon "hush, baby. It's okay now" pag-sigurado ni Axel sa kanya.

...

SAMANTALA, sa hindi kalayuang lugar ay may nakatutok namang baril kay Gideon, tila isa iyong snifer.

"Now" hudyat ng isang baritonong boses sabay ngisi.

Ilang sandali lang iyon at bumagsak sa sahig si Gideon.

Axel's POV

I was crying and then, all of a sudden, Gideon fell in front of me.

Nakita ko itong nawalan ng malay, tinignan ko kung may dugo ngunit wala. "Gideon, hey. Gideon" tawag ko sa kanya pero wala parin.

Bakit siya nawalan ng malay? Hindi naman siya patay, 'di ba? Nag-aalalang tanong ko sa sarili ko.

"Gideon, wake up!" Sigaw ko sa kanya. Patuloy lang ako sa pag-alog sa kanya hanggang sa may yabag akong narinig.

Tila papalapit iyon sa kinaroroonan namin ni Gideon. Kinabahan ako, paano kung isa pa pala iyon samga lalaking ito? Paano kung may gagawin siyang masama?

Unti-unting lumalakas ang mga yabag hanggang sa makakita ako ng paris ng mamahaling mga sapatos.

Kapwa iyong makintab, na alam na alam mong maayos at naaalagaan. Tumigil ang mga paa sa harapan namin ng naka-higa't walang malay na si Gideon.

Unti-unti akong tumingala para makita ang isang lalake. Halos kasing tangkad siya ni Gideon, maayos at halatang mayaman din ito.

"So, you must be Axel, ne?" Tanong niya kasabay ng pag-galaw ng mga panga niyang perpekto ang pagka-kagawa.

"A-ah?" Tanong ko sa kanya. Ngumisi siya at tumingin sa gilid niya, sanhi upang makita ko ang matangos na ilong niya, ngunit sandali lang iyon dahil muli niyang ibinalik ang tingin sa akin.

"I asked, if you're Axel" sabi niya bago inilgay sa bulsa ng itim niyang pantalon ang mga kamay. "Y-yes" sabi ko naman sa kanya.

"I see" sabi niya at ngumising muli. Tila may iba sa mga ngisi niya na naging dahilan upang mangilabot ako. Tila may panganib na dala ang presensya niya na nagsasabing layuan dapat siya.

"Don't worry, Axel. I won't do something bad. Not now." Sabi sabi niya sa akin na may diin sa dalawang huling salita.

"Are you the man behind this?" Kinakabahan man ay nilakasan ko ang loob kong magtanong sa kanya.

"And if I say yes?" Balik na tanong niya sa akin. Tila napipi ako ng sandali ngunit kaagad din akong nagsalita. "If so, why did you do this?"

Tila nag-iba ang aura niya ngunit kaagad niyang ibinalik iyon sa dati. Lumakad siya papunta sa akin at lumuhod.

Hinawakan niya ang baba ko at tinignan niya ako sa mata. "Why are you so dear to him, huh?" Tanong niya. Dahil sa nailang ako ay tumingin ako sa gilid ko.

Hindi ko kayang tignan ang mga nakaka-pasong tinging ipinupukol niya sa akin.

Bigla akong nagulat dahil sa ginawa niya. Lumapit siya at kinagat ang tenga ko na nagbigay ng kilabot sa akin.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina bago sabihin ang sagot sa tanong ko sa kanya kanina.

"I am doing this because..." labis akong nagulat sa mga sinabi niya.

Nanlalaking mata niya akong binitawan at tumayo siya ngunit hindi parin umalis.

"That's the reason, Axel. And mark these words I WILL DO EVERYTHING TO RUIN HIM; HIS LIFE, HIS BUSINESS, AND SPECIALLY THE ONE WHO'S DEAREST TO HIM." Pagkasabi'y tumalikod siya at naglakad.

Ilang hakbang palang ay muli siyang humarap sa akin. "By the way, he is just sleeping. Don't worry, after a few minutes, he'll wake up. Bye, Axel... it was nice meeting and talking to you." Yun lang ang sabi niya at patuloy na siyang naglakad.

Naglakad at iniwan akong tulala at nangangamba.

DIYOS KO, WAG SANANG MANGYARI IYON!

Itutuloy...

HIS Master; HIS SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon