Chapter 13: Secret Admirer!?

69 2 0
                                    

Micah's POV

its been 3 months after nung birthday ko, wala naman masyadong nangyari, lalo lang lumalim ang closeness naming apat, kami lagi kasi ang mag kakasama, sa school man o sa galaan, buti nga hindi kami nag sasawa sa pagmumukha ng isat isa lol...

nandito kami ngayon sa cafeteria, break kasi namin, buti nga break na namin eh, dahil ang sakit na ng ulo ko kaka isip, sa lahat ng mga nag aaral jan alam ko naiintindihan nyo ang word na hell week, at yan ang pinag dadaanan namin ngayon, buti nga last day of exam na namin ngayon makakagala na kami mamaya.

"guys saan tayo mamaya"? tanong ko sakanila.
"alam nyo may bagong bukas na cafe na malapit dito sa school why dont we try it" suggestion ni wency.
"sige/sure" sabay na sagot naman ni norwin at kenneth.

habang kumakain kami dito sa cafeteria meron isang lalake na lumapit samin, mukhang ka year level lang namin sya may dala pa nga syang bouquet of red roses eh.
"miss micah pasensya na sa istorbo, may nag papabigay kasi neto sayo, nahihiya daw kasi syang lumapit sayo kaya inutusan nalang nya ako" sabay abot sakin nung bulaklak.
"ah salamat, kilala mo ba kung sino sya?" tanong ko.
"hindi eh, sige aalis nako" paalam nya. nag nod nalang ako kasi wala na akong alam sabihin.
"uy best! may card pabasa nga!" kinuhan ni wency yung card then binasa nya ng malakas.
"roses are red, violets are blue my heart beats fast every time i see you... fr: SA"
"SA means secret admirer, naku best! iba talaga ganda mo may secret admirer kana" sabi ulit ni wency.

"tss, corny na torpe pa bakit hindi ka nya kayang harapin siguro pangit yan!" biglang salita ni norwin.
"oh bakit parang galit ka tol? nagseselos kaba haha?" singit naman ni kenneth.

ano daw? bakit naman magseselos si norwin, minsan weird din itong si kenneth.

Norwin's POV

"oh bakit parang galit ka tol? nagseselos kaba haha?" natatawang sabi ni kenneth.
"g*gu! bakit naman ako magseselos?" akmang babatuhin ko sya ng bottled water ko.
"oh relax lang. masyado kang defensive haha." tss diko nalang siya pinansin.
"oo nga naman ash, bakit naman magseselos si norwin, eh hindi naman sya boyfriend ni micah?" sabi naman ni wency. pinabayaan ko nalang silang mag usap, tinignan ko naman si micah na naka tingin dun sa bulaklak habang naka smile.

bakit ganito yung nararamdaman ko, parang naiinis ako na ewan, haay hayaan na nga.

Tapos na ang exam namin hinihintay nalang namin si micah at wency dito sa parking lot, ng bigla akong tanungin ni kenneth.
"bro mag sabi ka nga ng totoo sakin, may gusto kaba kay micah?" woah i didn't expect that coming, hindi agad ako naka sagot kasi nabigla ako sa tanong nya.
"ano ba yang tanong mo, wala akong gusto kay micah bestfriend ko lang sya" sagot ko sakanya, pero bakit ganun parang ang bigat sa loob nung sagot ko, parang gusto kong sumagot ng oo.
"siguraduhin mo bro, lalo na may umaaligid na sakanya, baka magsisi ka."
"sino magsisisi?" tanong ni micah samib nabigla ako kasi nasa likod na pala namin sila.
"ahh, ehh, wala! k-kanina pa ba kayo jan?" utal na tanong ko.
"no, kadarating lang namin, ano pinag-uusapan nyo, sino magsisisi?" tanong ulit nya.
"ah si norwin kasi sabi nya may nakita daw syang relo, pero di nya binili sabi ko sakanya baka may makabili ng iba dun, baka mag sisi sya" paliwanag naman ni kenneth galing talaga nyang mag palusot.
"ah ganun ba? sayang naman dapat binili mo na.. hmm so lets go, dun sa sinasabing cafe ni wency"

tumango nalang ako, nakahinga na ako ng maluwag nung nag lakad na kami paalis. iniwan na muna namin yung mga car namin kasi malapit lang naman sa school yung cafe.

after an hour, pabalik na kami ngayon sa parking lot ng school. dala kasi namin kanya kanya naming car magkakatabi lang ang mga sasakyan namin kaya di na kami mag hihiwahiwalay pa, katabi ng kotse ko yung kay micah, nung maka lapit na kami napansin namin na may isang pink basket sa kotse ni micah puno yun ng mga chocolate, kinuha ulit ni wency yung card at binasa.
"sweet chocolates for the girl who have sweet smile fr: SA"

Micah's POV

"naku best balak ka yatang patabain ng secret admirer mo andaming chocolates nito" sabi ni best.
"tss, wag mo kainin yan sasakit ngipin mo" sabi naman ni norwin.
"gusto nyo? kuha kayo, ang dami neto eh" sabi ko sakanila. kumuha naman sila ng tig-iisa, ng si kenneth na ang kukuha kinalkal pa nya.
"ano hinahanap mo?" tanong ko sakanya.
"hmm ampalaya flavor sana bibigay ko kay norwin ang bitter nya eh hahaha joke" ayun kumuha din sya ng isa. tapos nag ka yayaan na kaming umuwi, nag paalam na kami sa isat isa.

pag uwi ko sa bahay nadatnan ko si kuya sa sala, panigurado aasarin ako neto kasi may dala akong bulaklak at chocolates umupo ako sa tabi nya at binaba ang bulaklak at basket sa isang upuan.
"woah, first time to ahh." saka mya kinuha yung bulaklak at yung basket binasa din nya yung mga letters.
"naku dalaga na kapatid ko, may secret may admirer kana, kapag na meet mo na sya sabihin mo harapin nya muna ako bago ka nya ligawan." sabi ni kuya.
"opo kuya, pero aaminin ko ang sarap pala sa feeling pag may secret admirer ka, mas lalo akong naeexite na makita sya, pero mukhang malabo pa, sige akyat nako." paalam ko kay kuya, tumango lang sya tapos umalis nako.

(a/n: guys sorry kung ngayon lang ako nakapag update almost a year din na stock itong story ko, pero ngayon itutuloy ko na ulit sya. magiging active na ulit ako sa wattpad, nasira kasi yung laptop ko kaya natigil yung story ko till now sira parin, kaya phone nalang gamit ko... sana ma enjoy nyo yung update ko, sisikapin kong mag update agad ulit!)

My Best Enemy turns to be My Lover (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon