Ang Mapalad na Ibon
Kanyang pakpak na pumagapagaspas,
Umiikot sa kabuuan ng kalawakan.
Siya ay malaya,
Titig sa abot-tanaw.
Kung saan man patungo,
Siya ay patuloy sa paging masugid.
Buo ang pananalig,
Masikhay na sumusulong.
Ang mapalad na ibon,
Kasawia’y kanyang ibabaon.
Magpapatuloy sa karera,
Ng kamalayan.
Malayang lumilipad,
Mapalad na ibon.
Sigaw ang kagalakan,
Abot ang kalayaan.
Dahil siya ay malaya.
Ang ibon sa gitna ng kalawakan,
Patungo sa paroroonan,
Kung saan ang lahat ay tiyak.
