Chapter 2

36 5 9
                                    

—BAR—


Sapphire's Pov—

Pauwi na kami ni Kyla. May sundo siya samantalang ako ay mag b-bus pa. Hanggang sa gate lang naman kami nag sasama at pagkatapos non dederetso na akong bus stop.

Nakakahiya naman kasi makisabay kahit ilang beses na akong niyaya ni Kyla sumabay sa kotse nila. Tsaka hindi ako magaling sa pakikipag usap sa ibang tao, nakakahiya.

Binuksan ko ang cp at isinuot ang headset. Nag play ako ng songs ni Taylor Swift habang nakaupo dito sa bus stop, nag hihintay ng bus.

Music really calms me down.

Habang nakaupo at nag hihintay naagaw ang pansin ko ng mga estudyanteng mag kakasamang nag kukulitan sa kabilang kalye. They are all laughing and having fun.

I wonder how's it feels to have some circle of friends...

Napayuko ako. Ngunit bahagya rin natawa.

You stvpid. Meron ka kayang bestfriend na laging nandiyan.

Napabuntong hininga na lamang ako saka tumayo ng nakita ang bus sa 'di kalayuan. Agad akong sumakay ng tumigil ito at baka kasi maunahan pa ako sa likod.

Sa pinaka likod ako sumasakay bihira kasi doon upuan ng mga tao. Mas gusto ko doon, luklok at tahimik, dibale nahihirapan ako mag lakad pag bababa na.

Nang makauwi na ako, nakita ko si Auntie Melissa sa harap ng bahay. May kausap ito sa cellphone niya, ngunit pinansin ko pa rin siya at nag mano.

Hindi ako nito pinansin. Hinayaan lang akong mag mano at patuloy lang sa pakikipag usap.

Pag pasok ko ay agad kong hinanap si Lily. Yung pusa ko.

"Lily? Lily!" Pag tawag ko dito.

Where did she go?

"Wala siya rito! Nandoon sa kwarto mo, kinulong namin dahil kumuha siya ng ulam kanina!" Inis na sabi sakin ni Alexa, anak ni Auntie Melissa.

Napabuntong hininga ako saka dumeretso sa bodega. Oo, doon ang kwarto ko. I really don't wanna call this my room 'cause this isn't really a room. But to make myself comfortable inayusan ko na lamang dito kahit punong-puno ng gamit at masikip.

When I opened the door, Lily immediately run towards me and I pick her up.

"You must be hungry.." nakangusong sabi ko saka kinuha ang pag kain nito.

"Sapphire!!"

Nanlaki ang mata ko sa sigaw. Agad akong lumabas at tinignan kung anong nangyayari sa labas ngunit si Auntie Melissa lang pala. May iuutos lang.

"Mag saing ka na nga! Mag luto ka na diyan, anong oras ka na naman umuwi!" Galit na sabi nito.

"O-opo.."

I didn't managed to change my uniform 'cause if I do Auntie Melissa will get mad at me. Mapapagalitan akong inuuna ko ang sarili ko kesa sa gawain dito sa bahay. Besides, I don't wanna hear those painful words she used to call me.

Makatapos na mag luto ay agad kong inihanda ito sa mesa. Tinawag ko na sila upang kumain ngunit ng tinikman ni Auntie yung niluto ko ay mukhang hindi siya nasiyahan at binato sakin ang malaking kutsara.

"Leche! Anong lasa 'yan?! Kinulang ka na naman sa lasa, Sapphire! Ayusin mo naman trabaho mo! 'Yan na nga lang naitutulong mo sakin dito tapos ganyan pa!" Inis na sabi nito at padabog na umalis sa hapagkainan.

Tinignan akong masama ni Alexa at tumayo. Lumapit siya sakin at hinawakan ang mukha ko. She's mad.

Always naman ata? Mainit naman talaga dugo niya sakin.

My Handsome Vampire (COMPLETED)Where stories live. Discover now