Chapter 17

11 1 0
                                    

THE EMPEROR

—Sapphire's Pov

Nanunuod kami ng movie ngayon. Mag gagabi na at nandito pa rin kami ako sa bahay ni Caleb. Kung ano-ano lang ginawa namin, kanina lang nga ay ipinag luto niya ako habang pinapanuod siya. Ngayon ay biglang nag aya na manuod kami ng movie pero heto ako pinapapak yung popcorn habang nanunuod.

"Uy Caleb, anong oras mo ako balak iuwi?" Tanong ko sakanya.

He looks at me and gave me a sweet smile. He didn't answer me. Pinaningkitan ko siya ng mata dahil dito.

"Don't tell me dito ako matutulog?" Tanong ko at mas lalong lumawak ang ngiti nito. "Hay nako, Caleb. Sinasabi ko sayo mapapagalitan ako ni Auntie." Sabi ko sakanya pero umiling siya.

"Nah, pinag paalam na kita kaninang umaga pa." Natatawang sabi nito.

Napapikit na lamang ako ng mariin at napakagat labi sa inis. Hindi ko na lamang siya pinansin at hinayaan sa kung anong gusto niya dahil panigurado naman hindi talaga ako papagalitan pag uwi. Basta ba matutulog ako doon sa kabilang kwarto nila.

Natapos namin yung movie. Ang pinanuod nga pala namin ay yung Midnight Sun dahil nabanggit kong paborito ko iyon. Tumayo na ako para mag ayos at lilipat sana ng kwarto ng agad naman siyang nag react dito.

"Wait, where are you going?" Tanong niya.

"To the moon"

"What?"

"Este, sa kabilang kwarto. Baka naman pwedeng doon nalang ako ulit 'no." Sabi ko kay Caleb.

Mukhang hindi ito sang ayon base sa mukhang pinapakita niya. At napabuntong hininga.

Bakit ba? Alangan tabi kami? No way!

"Dito ka nalang sa kwarto ko. Tapos doon ako sa kabila." Sabi niya na ikinagulat ko.

"Ha? Eh kwarto mo 'to. Dapat dito ka matulog, malinis naman doon, komportable, ayos na ako doon.." paliwanag ko sakanya ngunit ayaw niya at nag matigas siya.

"No. You stay here, that's an order Saph.." napabuntong hininga na lamang ako at sinunod siya.

Inayos namin ang mga gamit at napag pasyahan kong matulog na. I was looking outside the window while there's a full moon. I remembered the night the first time I saw Caleb. I already had a crush on him.

I just makes me worried, what if after this, what if after he take his necklace he will forget about me, and everything will be back to normal. I'm afraid to experience once again the cruel life I had.

"Why are you still awake?" napapitlag ako ng bigla siyang mag salita mula sa pinto. Tinignan ko siya at nakasuot ito ng pang tulog na damit. "You can't sleep?" tanong niya at nag simulang lumapit sakin.

Naupo siya sa gilid ng kama at ako naman ay nanatiling nakahiga habang tinitignan siya. With those messy hair and sleepy eyes, he was effortlessly handsome.

"Nah, matutulog na.." sagot ko sakanya at ngumiti naman siya.

He brush my hair up and caresses my face with his hand. He leaned near me to put a kiss on my forehead and smile.

"Good night, Sapphy.." he said.

aw, i like how he calls me.

"Good night, Caleb."


—Caleb's Pov

As i walk out from the room. My expression quickly become blank when I saw Luke standing in front of my door.

"What the heck are you doing here?" Taas kilay na tanong ko sakanya.

"Just checking on you, brother. Don't you miss me?" he grinned. "Well, I bet you don't. You were busy flirting with a woman inside that room, you don't even know what's going on in underworld." He seems pissed.

"First, I have my own business. Second, she's not just a woman to flirt with. Third, you are not allowed to come to my mansion, didn't I tell you that?" inis na sabi ko sakanya pero humagalpak siya ng tawa.

"Ikaw naman.. I am your brother. Of course I can enter your house. Beside, I'm here to take you to the underworld. The Emperor needs to see you.." He said and grin.

Bahagya niyang tinaas ang kanang kamay at kinumpas 'yon sa hangin. A black shadows filled all over the both of us and in just on second, we are already here at the front door of the underworld's big gate.

He look at me and smiled. He seems proud to let me see that he can manage better his skills now. I'm impressed.

Pag pasok namin sa gate, again kaming sinalubong ng tatlong guards. They escort us to the Emperor's meeting room. Pag dating namin doon dumapo agad ang tingin ko kay Daddy na mukhang masama ang timpla sa tabi ng Emperor.

Malawak ang meeting room, sapat na upang mag kasya ang ilang bampira kapag may discussion na nangyayari. Sa trono, nandoon ang Emperor at sa tabi niya nakaupo din sa Dad na siyang kanang kamay nito.

Malaki ang chandelier sa loob at disente lahat ng gamit. Mahilig ang Emperor sa mga mababasaging vase kung kaya't ingat ang lahat kung kumilos kapag nasa loob kami ng underworld.

Tahimik kaming naupo ni Luke sa harapan at hinintay ang sasabihin nila. Agad na ibinaling sakin ng Emperor ang kanyang paningin.

"Kumusta ang misyon mo Caleb? Marahil ay hindi ka na naman nakakapag focus dahil sa.. isang babae?" Tanong ng Emperor na hindi ako naka imik agad.

That was true, tho. But I still can't go on the mission without the magical necklace. I still freaking can't figured out how to get that back.

"I was working on it." tanging sagot ko dito.

Pinaningkitan ako ni Daddy ng mata at alam kong nahahalata niyang may kapalpakan na naman akong nagawa. He can't blame me, i have no idea to the necklace, they didn't even warned me.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka papalpak Caleb. Sa'yo naka salalay ang buhay ng aking asawa. Ang reyna nating lahat, hindi mo pwedeng pabayaan nalang ito ng basta-basta, and even you .. will end up dying from your own mistakes." Seryosong sabi nito habang matiim na nakatitig sakin. "I will trust you, Caleb. Huwag mong sayangin ang kapangyarihan mo."

Yumuko ako at nag bigay galang.

"Yes, Emperor."

———

Pag labas ko sa underworld agad akong sinalubong ni Ashton. My best buddy. I grinned.

"Hey dude! Where have you been?!" natutuwang tanong niya sakin.

I laugh. "I'm kinda busy these past few weeks."

"Busy sa chicks?"

"Baliw." nakangiting sabi ko.

"C'mon, you're obviously are. The rumors already spread that you put your necklace to a girl. And.. pftt, you can't get it back." tawang tawa na sabi nito na agad kong kinutusan.

"Sira, walang nakakatawa doon. Nanganganib tayong lahat dahil sakin. That's why..." I smiled, hinawakan ko siya sa mag kabilang balikat. "You will help me."

Natigilan ito at gulat akong tinignan.

"H-huh? Sira ka ba, busy din ako." reklamo nito.

Inakbayan ko ito at inakay papunta sa labas ng portal ng underworld, napadpad kami sa isang amusement park, gabi na rin naman at walang makakakita.

"Dude, best friend kita. What are friends are for? C'mon, just help me with this." Sabi ko dito, pilit na kinukumbinsi siya.

"Sige, pero akin na yung chicks mo. Siguro naman hindi mo siya gusto, diba, diba?" nakangising sabi niya dahilan para masuntok ko siya sa tyan. "Aw! Dude!" inis na singhal niya.

"Wag mo siyang papakialaman. She's mine, Ashton Grey." mariin na sabi ko dahilan para matawa siya. Napailing na lamang ako sakanya.




My Handsome Vampire (COMPLETED)Where stories live. Discover now