Chapter 12

18 1 1
                                    

BOYS FIGHT



—Sapphire's Pov

Naging masaya yung game. Kakaibang saya ang naramdaman ko matapos akong makalabas sa comfort zone ko. Being able to participate in this kind of activity, is really not bad at all. Lalo na when I'm with my bestfriend Kyla.

"Jaguars! Jaguars! Jaguars!" Paulit ulit kami kakasigaw niyan hanggang sa makalabas sa school gym.

Kasabay namin lahat ng kateam ni Caleb at lumapit ito agad samin. I gave him a bottled water and his face towel.

"Akala ko hindi mo ako ic-cheer eh.." he said and smiled at me. Binuksan nito ang tubig niya at uminom.

I looked away.

Suddenly, some random guy approached Caleb. Kakampi niya ito base sa jersey niya.

"Hey guys! Celebrate tayo, sama kayo samin." Pag yaya nito samin habang naka akbay siya kay Caleb.

Nag katinginan naman kami ni Kyla. Alam ni Kyla na hindi ako mahilig sumama sa mga ganito but seeing her eyes begging me pumayag na lamang ako. Minsan lang naman 'to.

"Sige!" Masayang sabi ni Kyla kaya naman sabay-sabay kami tumungo sa cafeteria ng school.

Kami lang naman talagang tatlo at kasama itong si Kiko na friend daw ni Caleb sa pag b-basketball. He's funny and loud pero hindi ako sanay makipag close agad sa kakakilala palang.

"Sapphire, hindi ka na naman umiimik diyan!" Natatawang sabi ni Kiko na ikinagulat ko.

"H-huh?"

How come he knows my name? Or he really knows me I guess?

"Ang sabi ko ang tahimik mo." Nakangiting sabi niya at patuloy sa pag kain.

"A-ah.. kilala mo ako?" Tanong ko rito dahilan para mapatigil siya at tinignan ako.

"Oo, kilala kita since first year highschool. Nakalimutan mo na agad ako? HAHAHA ako nga yung laging nang aasar sayo eh." Natatawang sabi nito.

With that, flashbacks starts to appear in my mind. Remembering my h*ll year was first year highschool because I was being bullied. At kasama doon si Kiko..

"A-ah.. aalis na kami ni Kyla, pasensya na may pupunta pa kasi kami, diba Ky?" Tanong ko dito at tumayo na ngunit hindi siya sumunod dahil naguguluhan ito sa ibig kong sabihin.

"Bakit ka aalis? Hindi na kita tatawaging lampa HAHAHA noon 'yon!" Kiko laughed as if it doesn't offend me until now.

Napayuko na lamang ako saka tinignan si Kyla na aalis na kami. Agad naman siyang tumayo at nag lakad na kami paalis sa pwesto nila Kiko at Caleb.

"Teka lang, Sapphire!" Sigaw ni Caleb ngunit hindi ko ito pinansin at mas binilisan ang pag lalakad namin.

Naabutan din naman niya agad kung nasaan kami pero mabuti at hindi siya nag tanong kung ano meron.

Napadpad kami sa isang booth na puno ng bracelets. Bumili kami ng friendship bracelet ni Kyla, may design itong purple hearts at saakin naman ay pink.

"Ang cute!" Natutuwang sabi ni Kyla at agad kinuha ang cellphone niya upang picturan ito.

Nanuod naman kami ng magic show sa nadaanan naming booth, kasama pa rin namin syempre si Caleb. Tuwang tuwa kami pareho ni Kyla at paunti-unti kong nakalimutan ang tungkol sa kaninang pangyayari.

Matapos kami mag libot libot, napagod kami at tumambay muna. Binilhan kami ni Caleb ng fries at ice cream, kaya naman mas lalo akong natuwa. Nakaupo kami sa bench at nasa gitna ako nila Kyla at Caleb.

"You guys enjoyed, huh.." nakangiting sabi ni Caleb.

"Oo naman! Tsaka the best ang school fair ngayon kasi kasama ko si Sapphire!" Natutuwang sabi ni Kyla at niyakap ako.

Napangiti ako dahil doon. Tumingin ako kay Caleb na naka tingin sakin kanina pa. He's being weird but I didn't bother to ask. Suddenly, i think of one day if he got his necklace back, I won't able to see him again. Ewan ko lang sakanya kung babalik siya at gugustuhin pa rin akong makita.

Seeing his eyes, I don't know what he's thinking about me right now. Those beautiful hazel brown eyes, are much more captivating than the sunlight. I won't able to see that again someday..

"Uy! Nandito pala kayo."

Nawala ang atensyon ko kay Caleb at napalingon kay Kiko na nasa harap na namin.

"Bakit ba kayo umalis kanina?" Tanong niya at tumingin sakin. "Takot na takot ka namang tawagin na lampa HAHAHA bakit? Lampa ka pa rin ba? Pero sabagay ayos lang, maganda ka naman. Nag glow up ka ah? Nice. Pwede ka nang yayain sa wedding booth doon, papakita ko lang sa mga tropa ko HAHAHA" he said while laughing as if he's the same bully i met before.

"Tumigil ka na.." sabi ko dito.

"Hoy Kiko! Ang kapal naman ng mukha mo sabihin 'yan sa bestfriend ko!" Singhal ni Kyla ng bigla na lamang nagalit din si Kiko.

"Sino ka ba para sumabat ha?! Ikaw ba kinakausap ko?!"

That's it.

Tumayo ako kaagad at sinampal si Kiko ng malakas.

"Sino ka para sigawan bestfriend ko?! Akala ko nag bago ka na but you're still the same bully, the same Kiko na nakilala ko!" Galit na sigaw ko sakanya.

Nakahawak ito sa pisngi habang nakatingin sakin at hindi makapaniwala sa nangyari. He was about to touch me when suddenly, Caleb punch him.

"Don't you dare talk to Sapphire and Kyla like that, you immature spoiled sh*t!" Sigaw ni Caleb habang pinag susuntok si Kiko na hindi na makapalag dahil hindi nito tinitigilan.

"Oh my.. Caleb!" Agad akong lumapit at pilit inaawat ito. "Caleb! Tama na!"

Tumulong na din si Kyla sa pag awat hanggang sa tinigilan niya ito sa wakas ngunit, kawawa ang itsura ni Kiko. Mukhang ang pinag yayabang niyang mukha ay itatago niya muna ng isang buwan ngayon ng dahil sa lakas ng mga suntok ni Caleb.

"C-caleb naman!" Sita ko dito.

Inis niya akong tinignan. "What?! Pasalamat nga siya nakakahinga pa siya eh!" Galit na sabi nito.

Pinag titinginan na kami ng ibang estudyante ng biglang hindi na nila kami pinansin. Nang tinignan ko si Caleb namumula ang mata nito pero bigla din nawala. Hindi makapaniwala si Kiko na hindi man lang siya tinulungan ng ibang students.

"Hoy! Isumbong niyo 'to sa teachers! Binugbog ako!" Singhal niya habang nakaupo pa rin siya sa sahig.

Pinag tatawanan siya ng ibang students at hindi naniniwala sakanya.

"Baliw! Walang gumawa niyan sayo!" Natatawang sigaw ng isang estudyante.

Napatampal noo na lamang ako dahil sa ginawa ni Caleb. Nakalusot na naman siya sa issue na ito. Hinawakan niya ang kamay ko at inakay na paalis na lugar na 'yon. Nag mukhang baliw si Kiko sa harap ng maraming tao ngunit pinag tatawanan lang ito. Kami naman ay tahimik na umalis sa lugar.

Hindi na kami muling bumalik sa mga booths at nag pasya si Kyla na mauna nang umuwi. Kaya kami na lang ni Caleb ang mag kasama. Sinasamahan ako nito papuntang bus stop.

"Hindi mo naman kailangang gawin kanina 'yon.." sabi ko sakanya dahilan para lingonin ako nito.

"Anong hindi, he's hurting you emotionally. Kayong dalawa ni Kyla, I should do something about it." Aniya.

Napabuntong hininga na lamang ako at hindi na nakipag away pa. Kung saan-saan pa kasi ito mapupunta at baka mag away pa kaming dalawa dahil doon.

"Thank you" sabi ko dito.

"For what?"

"Kanina, thank you."

He smiled and nod. "Mm.. welcome."













My Handsome Vampire (COMPLETED)Where stories live. Discover now