Chapter 11

19 1 0
                                    

SCHOOL FAIR


—Sapphire's Pov

"Sapphire? Sapphire hija.."

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa tumatawag sakin. Agad akong bumaba sa kama ng bigla akong pigilan ni Ate Mila?!

H-huh? B-bakit?...

Oh no..

"Saan ka pupunta at nag mamadali ka?" Takang tanong nito sakin.

"H-hala.. A-ate Mila.. hindi po pala ako nakauwi kagabi!" Nag aalalang sabi ko sakanya ngunit tinawanan niya ako.

"Stop overreacting, hindi ka nila hahanapin." Sabi ng pamilyar na boses sa 'di kalayuan.

It was Caleb, leaning in the door while crossing his arms and looking at me panicking like crazy.

Wait? Hindi ako hahanapin?

"Pinag paalam na kita kagabi na dito na natulog, kaya hindi ka papagalitan pag uwi mo." Paliwanag nito.

Nakahingang maluwag ako dahil sa sinabi nito at napaupo sa kama. Grabe sabog na sabog ako ngayong umaga.

"Mag almusal ka po muna, Miss Sapphire.." sabi ni Ate Mila at inilapag ang pag kain sa maliit na mesa sa loob ng kwarto.

Biglang kumulo ang tyan ko ng nakita ko ang nakahain na masasarap na pag kain. Grabe, ngayon lang ata ako makakapag almusal ng maayos at madami.

Agad akong tumayo at naupo sa harap ng pag kain. Natutuwa akong kumain at biglang napatingin ako kay Caleb na mahinang natatawa sa pinto. Napanguso ako dahil doon.

"Bakit ka naman natatawa diyan?" Tanong ko dito pero umiling lamang siya.

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pag kain. Nakakahiya pero blessing na ito eh. Umalis na si Ate Mila at naiwan kami dito ni Caleb. Hindi ko naman mapigilan ang hindi mag tanong sakanya.

"Anong sinabi mo kila Auntie? Imposibleng hindi 'yon nagalit.." sabi ko dito.

"You must've forgotten about what am I, Saph. I'm a vampire, I have powers you know that.." he said that while smirking at me kaya naman napairap na lamang ako.

"Tapos na." Nakangiting sabi ko ng maubos ko lahat ng pag kain.

"Bilis na, may school fair ngayon 'diba?" Tanong nito na ikinatigil ko.

"Talaga? Huwag na pumasok." Sabi ko sakanya saka naupo sa kama.

"Huh? Anong hindi papasok, may pasok ka."

"Alam ko, pero hindi ako pumapasok kapag wala namang lesson. Nakakatamad, napaka daming tao pa doon." Napakamot ulo siya dahil sa sinabi ko.

"Napaka boring mo naman" inis na sabi niya na ikinabigla ko.

"Hala siya? Edi pumunta ka! Nakakainis ka! Tinatamad nga ako eh, nakalimutan mo bang nilalagnat ako kagabi!" Singhal ko dito.

"Pumasok ka na kase" pangungulit nito sakin.

"At bakit naman? Ano namang gagawin ko doon?" Taas kilay na tanong ko ng biglang pumasok si Ate Mila dala ang isang jersey na damit at pinakita kay Caleb.

"Sir, maayos na po. Saan ko po ito ilalagay?" Tanong niya kay Caleb.

Wait that jersey... Jersey 'yon ng University namin ah!

"Sa bag ko nalang po" sagot ni Caleb dito.

"Teka, sumali ka sa varsity? Gulat na tanonf ko.

My Handsome Vampire (COMPLETED)Where stories live. Discover now