Chapter 21

11 1 0
                                    

COLD




—Sapphire's Pov

This is awkward. Really, awkward.

Nandito ako sa hapag kainan habang kasalo sila Caleb at Ashton mag umagahan. Hindi ko alam kung bakit napaka tahimik nila at kahit si Caleb ay hindi namamansin. Wala akong lakas ng loob para mag salita dahil natatakot ako sa pagiging tahimik nilang dalawa.

But this is not what I really wondered. Caleb's been cold to me. Binati ko siya kaninang good morning pag labas niya sa kwarto pero dedma ito at isa pa buong akala ko ay okay na kami. Ako nga hindi na nag tatampo tapos ganon pa rin siya? Pambihira.

Ashton cleared his throat and suddenly asked me.

"How are you?" tanong nito sakin.

Nilingon ko si Caleb, to see him if he had any violent reaction but I'm glad he ignore it.

"O-okay na pakiramdam ko, masakit lang ng konti yung katawan ko pero okay naman na ako.." sagot ko dito at tumango siya.

"Just get some rest today to regain your strength." sabi ni Ashton at tumango lang ako.

Tumayo si Caleb na ikinagulat ko at agad siyang tinanong.

"S-saan ka pupunta?"

He look at me but didn't answer. He walk away and I left dumbfounded.

"A-ano bang problema niya, Ash?" tanong ko dito.

Napabuntong hininga ito. "I think he's stressed about yesterday. He can't even save you that much because he's being weak."

"Bakit? Dahil ba 'yon sa kwintas niya?"

Umiling ito at muling nag pakawala ng malalim na buntong hininga. "I don't think I have the right to tell you the reason so you better ask him or.. wait for him to say something to you. But for now, please don't blame yourself. Intindihin din muna natin si Caleb sa ngayon.." he sincerely said.

Napabuntong hininga ako saka napag pasyahang bumalik nalang sa kwarto at mag pahinga. Masakit pa rin kasi ang mga katawan ko at pakiramdam ko kulang na kulang ako sa tulog.

Naupo ako sa kama at tinignan ang phone ko. Marami akong miss calls na natanggap mula kay Kyla. Bigla akong kinabahan at agad kong tinawan ito.

(Hello, Sapphire!) bati nito sa kabilang linya.

"Kyla, bakit? Ba't andami mong call?" takang tanong ko.

(Wala naman, nag aalala lang ako sayo, sabi nila Auntie Melissa mo kasama mo si Caleb, hindi naman sa jinu-judge ko siya pero mag ingat ka kapag kasama mo siya ha! And btw bakit wala ka man lang pasabi sakin ah!) mukhang nag tatampo ito base sa tono ng pananalita niya.

"Mahirap ipaliwanag Ky, may mahalagang bagay kaming inaasikaso.." malumanay na sabi ko rito.

Narinig ko ang pag bungong hininga nito. (Sige, tawag kalang kapag may kailangan ka ah, mag iingat kayo diyan)

"Ikaw din, salamat." sabi ko dito saka pinatay ang tawag.

Simula kaninang umaga hanggang sa hapon na ay hindi ako lumabas ng kwarto. Nag padala nalang akong pag kain kapag gusto ko at pakiramdam ko ayaw ko pa ring lumabas hanggang sa matapos na lamang ang araw ng bakasyon namin dito.

I kinda feel sad, that's why. Caleb's seems cold to me, which is unexpected. Nasasaktan ako kasi kagabi pinakita niyang napaka concerned niya sakin at special ako tapos biglang kinaumagahan hindi siya mamamansin. Kahit man lang batiin din akong 'good morning' ay walang nangyari.

My Handsome Vampire (COMPLETED)Where stories live. Discover now