Chapter 5

25 6 5
                                    

—TRANSFEREE—





Caleb's Pov—

"Uncle naman eh! Hindi ko nga kasi alam kung bakit!" Inis na sabi ko rito.

"Then I don't know either. Ikaw ang may alam niyan Caleb. Ikaw ang may gawa ng kapalaran mo, you need her and you need to finish your mission. Kung hindi ka sana nahulog sa isang mortal na tao hindi masisira ang plano mo!" Singhal ni Uncle John na ikinatigil ko.

"That's already past Tito! Nangyari na, wala na siya!"

"But the fate will repeat itself, Caleb. You can't get away from your curse.. It's your job to finish your mission and now you're in here to the same mistake, to the same reason again Caleb! It's making you weak! Love is supposed to make you strong!" Seryosong sabi ni Uncle John.

Napabuntong hininga ako at napakamot batok. It's frustrating me knowing I'm on the same fate again. I lost everything from the past, and now I cannot lose this battle.

Kung kaya kong baguhin lahat ngayon gagawin ko, maprotektahan ko lang siya at ang reyna. Makompleto ko lang ang misyon ko magiging maayos na ang lahat.

But first.. I really need that magical necklace..






Sapphire's Pov—

I'm heading to school right now and I'm gonna be late if this traffic won't go away. Nakakainis! Ngayon lang ako mala-late dahil dito. Kung bakit ba kasi hindi ako nagising ng maaga tapos traffic pa!

I wanna cry...

Finally, medyo naka abante na yung bus na sinasakyan ko at hinahanda ko na rin sarili ko dahil mamaya bababa na ako.

I received a message from Kyla. When I opened it my forehead crease immediately.

From: Kyla🤩✨

Saph! May transferee! Guess what? He's so handsome acccckkkk!😍 You better see him, baka mag kacrush ka na pag nakita mo 'to!

Napailing na lamang ako at bahagyang natawa. Biglang pumasok sa isip ko si Caleb. Kung hindi siya ang transferee 'wag nalang at tsaka ano naman gagawin niya dito? Mag hahanap ng makakagat? Psh.

Besides, si Caleb lang naging crush ko ngayon lang ako nag kacrush talaga, promise. Kaya kung hindi si Caleb 'yon edi wala rin.

Pagkarating ko sa kwarto namin ay agad akong nilapitan ni Kyla na tuwang-tuwa. Napailing na lamang ako habang pinipigilan na matawa.

"Need mo talagang makita siya! Baka siya na mag pabago diyan sa pusong bato mo!" Natatawang sabi nito.

"Someone already caught my attention, stop it Ky.." sabi ko dito na ikinagulat niya.

"Ohhhh myyyyy!!! Sinoooo?!!" Sigaw nito dahilan para maagaw niya ang atensyon ng mga kaklase namin. "Halaa ka, Saph!! Sinooo??!! Acckkkkk!!" Kinikilig na tanong nito.

"Secret." Nakangising sabi ko dahilan para mawala ang ngiti sa labi niya.

"Ayy. Sige ganyan na, ha. May secret ka na pala sakin ah!" Nag tatampong sabi nito na ikinatawa ko.

"Sira. Sa susunod kapag nakita ko ulit siya." Sabi ko dito.

"Weh? Gwapo ba? Gwapo 'yan for sure! Pasok sa standard mo eh, taas ng pader mo gurl!" Aniya.

Hindi ko na siya pinansin ng makita ko yung teacher namin na pumasok. Umalis na siya sa harap ko at bumalik sa upuan niya. Napailing na lamang ako.

The class started and it all went to normal. Too many quizzes, reporting, recitation and so on.. Everything went fine.

My Handsome Vampire (COMPLETED)Where stories live. Discover now