Chapter 16

13 1 0
                                    

CALEB'S HOUSE



—Sapphire's Pov

Pag dating namin sa dining table, nandoon na si Caleb nakaupo at nakaharap sa napakaraming pag kain. Tumayo siya saka inakay ako papunta sa lamesa at ipinag hila ako nito ng upuan.

"Let's eat." Nakangiting sabi nito at naupo sa harapan ko.

Ako naman ay hindi alam kung ano uunahin na kainin doon lalo pa't busog pa ako sa dami ng pag kain kaninang almusal. Pilit ngiti ko siyang tinignan na hinihintay pala ako kumuha ng gusto ko.

"Is there any problem?" Tanong nito sakin.

"Ano kasi.. napakarami, tsaka.. busog pa ako." Nahihiyang sabi ko dito.

Nakakahiya tumanggi pero nakakahiya din kumain dahil masyado niya akong iniispoil. Handa na sana akong lumuwag ng pag kain ng biglang tumayo siya at lumapit sakin. Inilahad niya ang kamay sa harap ko at ako naman ay hindi alam kung bakit.

"B-bakit? Akala ko kakain tayo?" Tanong ko sakanya.

"You said you're not hungry, so let's go to my room?" Tanong niya pabalik sakin.

"S-sa room mo? A-ano, kain nalang muna tayo mukhang masarap naman lahat to—"

"Pftt, I'm not gonna do anything relax." Natatawang sabi niya na ikinanguso ko sa kahihiyan.

Humawak ako sa kamay niya saka sinama niya ako papunta sa kwarto niya. Ibang kwarto ata yung tinulugan ko noong unang punta ko dito dahil pagka pasok namin sa kwarto ni Caleb ay mas may ilalaki pa pala 'yon kesa sa kwartong natulugan ko dati.

"Whoa.." mahinang bulong ko habang pinag mamasdan ang loob ng kwarto niya.

"I have to try something." Sabi nito kaya naman napunta sakanya ang atensyon ko. "I don't know if this will work but, let's try it."

Tahimik lang akong naupo sa kama niya habang tinitignan siyang may hinahalungkat sa may drawer. Nang nakuha niya na ito, lumapit siya sakin. Isa itong itim na maliit na bote. Napakaliit lang niya, siguro mga 5 inches lang ang laki. At kahit itim ang loob nito, nang binuksan iyon ni Caleb ay kumikinang ang loob nito na parang may glitters na kasama.

"Come closer.." sabi nito kaya sinununod ko naman siya.

"Para saan 'yan?" Tanong ko.

"It's an antidote. I can wish here anything if I poured this into the thing that I wanted to possessed. I was hoping.. this will work." Sabi nito kaya naman naintriga ako sa antidote na 'yon. Ang astig naman kasi na pwede siya mag wish doon.

Pinatakan niya ng kaunti ang kwintas na suot ko. Pumikit ito at ng pag mulat niya ay muli kong nakita ang mapupula niyang mata. He murmured something in latin that I couldn't understand. Hinintay ko na lamang siyang matapos. Pumikit ulit siya at inihipan ang kwintas, pag mulat ni Caleb ay bumalik sa normal ang mata niya at pinag masdan ang kwintas.

"Now what?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot at bigla na lamang nanlaki ang mata ko ng umilaw ang kwintas. Katamtaman lang ang liwanag nito at gumagalaw na parang gustong kumawala.

Ngumiti si Caleb sa pag kakaakalang malilipat na sakanya ang kwintas ngunit mali siya. Sa hindi malamang dahilan mas nag wala ang kwintas. It was so shaky to the point that I feel uncomfortable. Napaubo ako ng nasasakal na ako nito.

"C-caleb.." pag tawag ko sakanya saka napakapit sa polo niya.

Nakita ko namang nataranta siya sa nangyayari.

My Handsome Vampire (COMPLETED)Where stories live. Discover now