Chapter 13

17 1 0
                                    

THANK YOU HUG




—Sapphire's Pov

Saturday ngayon at wala kaming masyadong gagawin kaya naman free ako sa kung ano man ang mga ipapagawa nila Auntie. Hindi ko alam kung anong oras na pero sa pag kakaalam ko ay tanghali na ako nagising. Pag tingin ko sa wall clock ko dito sa kwarto ay nanlaki ang mata ko at napabalikwas ng bangon dahil alas otso na ng umaga at hindi pa ako nakakapag luto ng almusal.

Dali dali akong lumabas ngunit pag kalabas ko ay may mga nakahanda na sa mesa na pag kain. Napakagat labi ako sa takot na baka si Auntie ang nag luto at baka mapagalitan ako dahil doon.

Pero kailan siya nag luto? Eh, lagi niya akong ginigising para ako mag asikaso sakanila? Teka nananaginip pa ata ako?

Dahil doon bigla kong sinampal ang sarili ko ngunit napangiwi lamang ako sa sakit. Narinig kong may tumawa sa likuran ko.

"Anong ginagawa mo Sapphire? Halika na kumain na tayo." Nakangiting sabi ni Alexa na halos ikalaglag panga ko sa inasta niya.

T-teka.. nasapian ba siya?!

"A-alexa.." pag tawag ko dito. Tumingin naman siya sakin saka umupo na sa harap ng hapag kainan. "May lagnat ka? Okay ka lang?" Tanong ko dito na ikinatigil niya.

"Ha? Baliw ka na? Sabog ka lang Sapphire o gutom 'yan kumain ka na!" Aniya na mas lalo kong ipinag taka.

What the h*ll? Anong nangyayari?—

Suddenly, I remembered the night Caleb summon Alexa. Hindi ko alam na tatagal 'yon. Akala ko noong gabi lang para makapag pahinga ako, pero hindi, binago niya talaga sila Alexa.

Lumabas si Auntie Melissa sa kusina dala ang isang tray ng cupcake. Nagulat ako doon dahil sa ilang taon na huminto si Auntie mag bake, nakaka touch makita na muli siyang sumubok ngayon. Dahil doon napaluha ako.

"Ay, bakit Sapphire? Ayos ka lang ba?" Takang tanong ni Auntie Melissa matapos makita akong umiiyak.

Dahil sa pag tatanong niya ay mas lalo akong umiyak. Ngayon lang nila ako tinanong kung ayos lang ba ako, kung kumusta ako at ngayon lang sila nag alala ng makitang umiiyak ako. Napaka sarap pala sa pakiramdam na malaman na may pakealam sila sayo.

"Ay hala, bakittt? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Alexa at tumayo na nga ito sa kinauupuan at lumapit sakin.

Ganoon din si Auntie Melissa. And for the first time in my life, they both hug me so tight like they do care about me. Mas lalo ako napahagulhol dahil doon, habang hinahaplos naman ni Auntie Melissa ang likuran ko.

"Wala kang sinasabi saamin na nalulungkot ka at baka naman may problema ka sa school niyo ah? Nandito lang naman kami.." sabi ni Auntie na nag pangiti sakin.

"Masaya lang po ako dahil mabait kayo sakin at concerned kayo.." sabi ko dito saka bumitaw sa pag kakayakap upang punasan ang sariling luha.

"Nako, mas lalo ka namin aalagaan ngayon. Kung ano man pinag dadaanan mo matatapos din naman 'yan. Basta patuloy ka lang sa buhay, Sapphire. Nandito lang kami ng pinsan mong si Alexa." Nakangiting sabi ni Auntie kaya naman tumango ako.

"Tara na nga! Kumain na tayo, Sapphire kasi umagang umaga" natatawang sabi ni Alexa na palihim nag punas ng luha niya. Natatawang napailing na lamang ako dahil doon.

It takes many years to wait for this moment and  I finally can feel it right now. There's a part of me na dissapointed kasi sana kusang loob silang mag bago, hindi lang dahil sa spell o kung anong ginawa ni Caleb. But after all, it's still good though. It makes me happy, so much happy.

My Handsome Vampire (COMPLETED)Where stories live. Discover now