Chapter 22

9 1 0
                                    

BLACK MEN




—Sapphire's Pov

"Saphhh!!" natutuwang tawag sakin ni Kyla pag kapasok ko sa coffee shop nila.

Agad ako nitong sinalubong ng yakap at natutuwa naman akong niyakap siya pabalik.

"Grabe ah, miss na miss?" pabirong tanong ko.

"Oo naman!" nakangiting sabi nito saka kumalas ng yakap sakin at hinila ako upang maupo sa madalas naming pwesto kapag nandito. "Kumusta yung bakasyon mo doon?" natutuwang tanong nito sakin.

Bigla akong natigilan at napaisip kung anong pwedeng ikwento sakanya. Hindi naman niya alam ang tungkol sa bampira si Caleb, maaaring ibahin ko nalang ang kwento.

Kwinento kong maganda ang naging bakasyon ko doon, isiningit ko yung part na nag away si Ashton at Caleb dahil bigla itong nag selos. Pinakita ko rin yung mga pictures na kinuha ko para ipakita kay Kyla.

"Woahh, grabeee.. Ang ganda naman pala talaga doon, siguro ang yaman ni Caleb noh? Kung ako sayo gora na ako diyan agad!" Sabi ni Kyla habang nakangiti.

Tipid akong tumawa at umiwas ng tingin. Ininom ko na lamang ang tea na binili niya para sakin at naging tahimik. Buti nalang at busy ito sa pag aasikaso ng mga sketches niya kaya hindi niya napapansin ang biglang pananahimik ko.

"Wala ka bang ibang gagawin?" tanong ko dito.

Tumigil ito saglit sa pag d-drawing at tinignan ako.

"Hmm.. wala naman, bakit?"

"Diba, dati pa gusto mo na akong mag overnight sainyo? What if.. gawin natin ngayon?" tanong ko dito na talaga namang ikinalaki ng mata niya sa gulat.

"H-hala, seryoso?! Seryoso, seryoso, seryoso?!!" Natutuwang tanong nito at natawa na rin ako saka tumango. "ACCKKKK! YAAAYYYY!" tuwang-tuwang sigaw nito saka niyakap ako ng mahigpit.

I laughed. I know how happy she is right now and besides I need her badly, tanging si Kyla lang naman kasi nakakapag pasiya at bago ng mood ko.

"Ang saya ko Sapphire!" nakangiting sabi niya pero agad din nawala. "Pero teka, paano yung tita mo? Papayagan ka ba?" tanong nito.

"Akong bahala, hindi sila magagalit sakin promise" nakangiting sabi ko kaya naman napangiti siya at agad akong hinila. "Teka saan tayo pupunta?" takang tanong ko.

"Never mo pa na experience 'to. Kaya susulitin natin, first, bibili tayo ng foods!" nakangiting sabi ni Kyla at tuluyan na ako nitong hinila palabas.

Nag mall kami at guess what. Napaka rami ang kinuha ng babaeng 'to.

"Huy, dalawa lang tayo. Mauubos natin 'yan?" tanong ko dito, nag aalala dahil napaka dami talaga nito.

"Hindi 'yan!" nakangiting sabi niya.

"Teka masyado ka atang excited at masaya, isipin mo hindi natin mauubos ang laman ng isang cart na 'to Kyla."

"Anong hindi, konti lang kaya 'yan!"

Nasapo ko bigla ang noo ko sa stress sa babaeng 'to. "Anong konti? Eh halos mag titinda ka na ata sa lagay mong 'yan." kunot noong sabi ko.

Tumawa siya at hinawakan ako sa mag kabilang balikat.

"Trust me, mauubos natin 'to." nakangiting sabi niya at tuluyan na nga siyang pumunta sa cashier.

Maya maya pa ay habang inaayos namin ang mga pinamili, biglang nag ring ang phone ko. Agad ko itong kinuha at ng tignan ko kung sino ang caller ay si Caleb iyon.

Caleb calling...

"Tss. Hah! Nagawa mo pa talagang tumawag, concern ka? Bahala ka sa buhay mo." inis na sabi ko habang nakatingin sa pangalan nito saka pinatay ang call.

"Uy"

"H-ha?" tanong ko kay Kyla sa gulat.

Kumunot ang noo nito at bahagyang natawa. "Lutang yarn? Okay ka lang?" takang tanong niya.

"Oo naman!" nakangiting sagot ko.

Lihim akong bumuntong hininga. Mabuti nalang at hindi niya narinig mga sinabi ko kanina, for sure she'll ask about it.


—Caleb's Pov

"What the heck?!" hindi makapaniwalang tanong ko at tinignan ang phone ko. "Did she really hang up?" kunot noong tanong ko sa inis.

Napaupo na lamang ako sa kama at inis na nilapag ang cellphone sa mesa. Nasapo ko ang ulo at napahiga sa kama.

I'm sorry, Sapphy..



—Sapphire's Pov

Nandito na kami sa bahay kila Kyla at grabe, napaka bait ng Mommy niya. Pinag bake pa kami nito ng cupcakes dahil natutuwa siyang makita ako at pumunta ako sa bahay nila.

"You two are so close, huh. Alam mo minsan kapag umuuwi 'yan si Kyla ikaw kaagad ang bukambibig ng batang 'yan." nakangiting sabi ni Tita Daisy habang busy sa pag bake.

"Naku, napaka kulit niyan ni Kyla. Pero po active 'yan sa klase at friendly, halos lahat ata kaibigan niya kasi mabait siya." nakangiting sabi ko.

"Talaga? I totally agree sa makulit" natatawang sabi nito dahilan para mapanguso si Kyla.

"Grabe kayo ah" sabi ni Kyla na ikinatawa namin.



—Caleb's Pov

I'm here outside of Auntie Melissa's house. I've been watching here since 6 PM but I cannot see Sapphire. I'm not even sure if she's home.

Hindi na ako makapag hintay, it's already 9:45 in the evening. I really need to check on her. I walk towards the door and knock. A few seconds later, Alexa opened the door and smile.

"Hi Caleb!" nakangiting bati nito. "Pasok ka, ginabi ka na ah.."

"Y-yeah.."

Umupo ako sa sala at nakita ko si Auntie Melissa na papalapit saamin.

"Naku, Caleb gabing gabi na ah. Nasaan si Sapphire?" tanong nito.

what the heck? so wala talaga dito si Saph?

I quickly think of something na pang lusot dahil sigurado akong mag aalala sila.

"Uh, I'm here for.. for her bag in school? May kukunin raw siya doon, don't worry she's at my place." Sabi ko dito at mukha namang naniwala sila.

Ibinigay sakin ni Alexa ang bag ni Sapphire saka ako nag paalam ng umalis. Pag kalabas ko ng bahay ay hindi pa rin maalis sa isip ko na wala si Sapphire sa bahay nila. Nag aalala ako at baka kung ano nang nangyari sakanya. I feel so much guilty about what I did. But I have no other choice, for now, I need to find her.

I look at her bag and snap my fingers and just like that, her bag is gone. Binalik ko ito sa kwarto niya kung saan ito kinuha ni Alexa saka nag lakad na palabas ng gate nila.

But to my reflection I saw a man standing from the corner of the street on my left side. Lihim kong nilingon iyon na hindi nag papahalatang nakita ko sila.

In the buildings, streets, houses. Madaming naka bantay. Pumasok muna ako ulit sa gate ng bahay nila Sapphire and then, I turned myself into a bat and I fly up high, as fast as I can. Good thing they are not vampires.







My Handsome Vampire (COMPLETED)Where stories live. Discover now