"Huy!!! Sierra!! Asan kana ba ineng?!!" naririnig kong sigaw ni Nanay Greta
Lumabas ako sa aking Kubo at pinuntahan si Nanay Greta na naka dungaw sa aking pintuan.
Napakusot pa ako ng mata ko, napasarap kase ung tulog ko anong oras na din kase kami natapos ni Jewel mag-inom ng tuba kagabi.
"Diosko ko bakit ganyan pa yang itsura mo?!!! Malapit nang mag umpisa ang misa!! Hindi bat Taga awit ka sa simbahan dapat isa ka sa nauunang naroon!" Bulyaw sakin ni Nanay
Napasimangot ako at napakamot ng ulo.
"Nay sisihin mo po ung apo mo, Pinilit nyakong mag inom kagabi napasarap tuloy tulog ko" Malamig kong wika sa kanya sabay irap.
"Aba, wag moko daanin sa kamalditahan mo Sierra at di ka papalag sa akin kahit na hindi mo ako ka dugo ay isa ako sa nag aruga sayo noong sanggol kapa lamang" Sabay hampas nya sakin ng tungkod nya sa bandang hita ko.
"Aray ko Nay!!28 na ako Nay wag mo na ako paluin! " sigaw ako kase masakit ung palo nya.
"Ang sabi sa akin ng nanay mo bago pa sya mawala ay wag ako papayag na pairalin mo yang kamalditahan mo! Binigyan nyako ng permiso na disiplinahin ka!" sabay palo nya sa kabila kong hita.
"Aray Nay masakit na! diba magsisimba pa tayo? baka pwede nakong mag ayos baka lalo tayong malate" Tsaka lang sya tumigil sa pagbubunganga at pagpalo sa akin.
"O sya bilisan mo mag ayos at tayo'y aalis na si Jewel ay nag aayos na din, bilisan nyong dalawa at baka ihampas ko parehas sa inyo tong tungkod ko pumunta ka sa bahay at doon ka nalang namin hihintayin " Tumalikod na si Nanay ay umalis.
Pumunta kaagad ako sa Cr at nagligo buti nalang may naipon akong tubig dito kagabi, Minsan kase sa bukal ako naliligo kasama ni Jewel na apo ni Nanay Greta.
Noong buhay pa si Mama ay si Nanay Greta ang pinaka close nya dito sa Isla. Nung umalis ako dito sa Isla at nag aral ako ng college sa Manila si Nanay Greta ang nagbantay ang nangalaga dito sa bahay namin at sa lupa.
Hindi naman tinago saken ni Mama na anak ako sa labas ng isang Senador, tinago lang kame ng tatay ko sa Isla nato, binili nya ang kalahati ng Isla at pinangalan sa Mama ko hindi din sya nagkulang sa Financial support mula bata pa ako at nakapag aral pa nga ako ng college sa isa sa pinaka malaking university sa Manila.
I'm just 3rd year high school when Mama died, dito sya nakalibing sa islang ito. The residents in this island help me do her place, Malaki ang pag mamay-ari namin sa Islang ito Kalahati nito ang nakapangalan na sa akin. Ganon kayaman yung tatay ko
This Island is my Paradise, Hindi mukha talaga syang paraiso wala na akong mahihiling pa kundi dito na tumira. Madaming nag alok sa akin na bilhin ang ibang parte ng lupa namin pero mariin akong humihindi sa mga alok nila. Dahil maganda ang Isla maraming Turista ang pumupunta dito may mga resort at hotel na nakatayo na sa ibang parte ng isla
Nakita ng mga negosyante na nagboom ang Islang ito sa mga foreign and local tourist kaya gusto nilang mas madevelop pa ito, Isa sa gusto nilang mangyare ay mapuno ng resort tong Isla kaya nga pati Local government ay kinukulit ako tungkol sa lupa namin dahil sa ang parte ng lupa namin na nakaharap sa magandang dagat at perfect daw na gawing beach resort.
Pero di nila ako mapipilit, gusto kong mapanatili tong lupa namin na tahimik at payapa. Mas lumalabas talaga kase ung ganda ng dagat dito kapag hindi masyadong crowded.
Macocompare ko nga sa Amanpulo tong dagat na nakatapat sa lupa namin, ung tipong paglangoy mo may makakasabay kang pawikan at iba't ibang klase ng isda sa paglangoy mo. Ganon ka tahimik sa side namin na hindi na bubulabog ng mga tao yung lugar at mga nakatira sa dagat, Samantalang ung kabilang bahagi ng Islang ito punong-puno na ng resort at Bar. Madaming tao at maingay
YOU ARE READING
Sierra's Paradise [COMPLETED]
RomanceSPG | R+18 Si Sierra ay anak sa labas ng isang malaking tao sa mundo ng Pulitika, Pilit syang itinago ng kanyang ng ama sa mundo sapagkat nais nito mapanatili ang magandang reputasyon sa harap ng publiko. Lumaki sya sa isang Isla na punong-puno ng g...