Napatingala kame ni Jewel habang pinapanood na dumaan sa kalangitan ang isang Helicopter, di naman na bago sa amin ang sasakyang iyon dahil karamihan sa turista dito ay ayun ang sinasakyan papunta dito, Malayo kase mula sa pantalan ng bayan ang islang ito siguro aabutin ka ng tatlong oras na biyahe sa bangka bago ka makarating dito mula sa bayan. Kaya ang mga mapeperang turista ay mas pinipiling bumyahe gamit amg helicopter mas mabilis kase itong makarating sa Isla.
"Aba mukhang may mayaman na namang guest ang dumating naka helicopter ehh" ani ni Jewel may kamahalan kase yang helicopter ride mga mayayamang turista lang talaga ang pang karaniwang sumasakay.
Ala-siete palang ng umaga at nakatambay na agad kami ni Jewel dito sa tambayan namin malapit sa kubo ko.
"Mukhang sa amo mo yung helicopter Jewel, wala kabang pasok?" si Jewel ay isang housekeeper sa isang Hotel & Resort dito.
"Day off ko ngayon, Magpapahinga muna ako grabe kaya ang dami naming nilinis kahapon, buti kapa dito ka lang sa bahay mo kumikita kana sa bangka mo palang" Sabay higop nya sa buko juice na kanina pa namin iniinom.
"Wala naman kase akong ibang binubuhay maliban sa mga aso't manok ko tsaka diba sabi mo ipapa gawa mo din kase yang bahay ninyo kaya kailangan mo ng pera kaya magsipag kang magtrabaho para di ka mapalo ni Nanay Greta hahahaha" sumimangot naman sya lagi kase syang napapalo sa ulo ng lola nya
"Grabe noh 28 nako pero nabubugbog pa rin ako ng Lola ko, Gusto nya maging independent din daw ako gaya mo aba parehas lang naman tayo ahh"
"Wag mo na kase pakinggan ung litanya ng lola, pasok sa kanang tenga labas sa kaliwa dapat alam mo namang matanda na yun"
"Yung tatay mo? tumatawag pa sayo?" tanong nya, May communication pa rin naman ako sa tatay ko. Kahit papano nakakausap ko pa din sya pero hindi na ako humihingi ng suporta nya, Wag nya lang pakikialam ang lupa dito sa Isla at tatahimik lang ako dito. Napag-usapan na namin.
"Alam mo namang on and off ung signal dito, tsaka wala naman kaming pag-uusapan na" biniyak ko naman ang buko na kanina kopa hawak gamit ang itak ko. Sabay kuha ng kutsara at kinutkot ako ang laman sabay kain.
"Sabagay nung buhay pa din naman si Aling Crisanta di naman nya kayo pinapakealaman ngayon pa kayang kaya mo na sarili mo" Kumuha si Jewel ng buko nakinakain ko kaya tinapik ko ang kamay nya.
"Buksan mo yang iyo wag mo pakealaman tong akin" taas kilay kong sabi sa kanya
"Ang damot mo Inday, akin na yang itak" inabot ko sa kanya ang itak at nag umpisa na din syang magbiyak ng buko.
"Oo nga pala, Birthday ng amo namin next Saturday open ung resort namin sa lahat ng turista at residente dito sa isla, Punta ka ahh" Aya nya sa akin
"Ano namang gagawin ko don?" inabutan ko ng buko ang aso akong si Whitey na kanina pa naka tanghod sa akin.
"Sierra magpaparty malamang!"
"Ayoko pumunta don, alam mo namang di ko naman close yung amo mo, buti ba kung sya nag invite saken tsaka diba may hindi nga kame pagkakaintindihan non? " Naaway ko kase ung amo nya dati noong inofferan nya akong bilhin ung lupa namin na halos katapat lang ng resort nya pinipilit nya ako at dinadaan sa kalandian ng pananalita nya pero hindi umobra sa akin.
"Gaga! Sya nga nagsabi na open sa lahat ung party nya, sila Mang Nestor at Mga kapitbahay nga naten pupunta di ka naman maboboring doon, tsaka ipagyayabang kita sa mga katrabaho kong galing sa bayan aba'y akala nila walang magandang dilag ang nakatira dito masyadong mga mayayabang"
"Bakit? Di ba nila napapansin ang ganda mo?"
"Malay ko ba sa kanila, nagyayabang dito sa isla ehh di din naman sila magaganda, di ata nila alam na may Dyosa na nakatira dito" Nagtawanan kami ni Jewel.
![](https://img.wattpad.com/cover/361591820-288-k538457.jpg)
YOU ARE READING
Sierra's Paradise [COMPLETED]
RomantiekSPG | R+18 Si Sierra ay anak sa labas ng isang malaking tao sa mundo ng Pulitika, Pilit syang itinago ng kanyang ng ama sa mundo sapagkat nais nito mapanatili ang magandang reputasyon sa harap ng publiko. Lumaki sya sa isang Isla na punong-puno ng g...