Aalis

1K 19 2
                                    

Isang linggo na ang nakakaraan mula ng makabalik ako mula ospital. Pagaling na ang mga gasgas ko, ang sugat ko naman sa tagiliran ay hindi na sumasakit sabi ng doktor ay mababaw lamang ang mga sugat na iyon at mabuti ay walang natamaang organ sa ng katawan ko

Si Raziel ay isang linggo na ding nandito at inaasikaso ako, pumunta dito sila Kuya Yael at Cael para makipagkwentuhan sa akin magaan kausap ang mga Kuya nya.

Si Jewel at Ethan din ay panaka-nakang pinupuntahan ako patuloy pa rin sa pagbibiro si Ethan na kaya nya na daw talagang makipag suntuka ulit kaya si Jewel ay sinisikmuraan sya ng mahina

"Love tapos ka na kumain?" tanong ni Raziel sa akin nakagagaling lang sa banyo para maligo

Sya ang nag-iibig ng tubig mula sa bukal para may ma pangligo kami at magamit dito sa bahay, sya na rin ang naghuhugas ng mga pinagkainan namin at kung minsan sya pa ang nagsasaing

Hindi ko naisip na ang lalaking sanay sa yaman ay gagawa ng mga gawaing bahay. Alam ko kasing sanay sya na pagsilbihan ng mga katulong nila

"Tapos na" Uminom ako ng tubig

Inasikaso nya naman yung mga gamot ko at tumabi sa akin

"Inom ka na ng gamot Sweetypie" kumunot ang noo ko

"Yung totoo Raziel? ilang endearment ba ang itatawag mo sa akin" biro ko

"I'll use them all" inaabot nya sa akin ang isang tabletas ng gamot ko

Itong lalaking ito sa totoo lang ubos na siguro ang lahat ng alam kong endearment kakatawag nya sa akin.Sobrang clingy nya kapag kaming dalawa lang ang magkasama pakiramdam ko nga minsan ay pinapapak na kami ng langgam.Kapag naman may kaharap syang ibang tao ay bumabalik sa pagiging seryoso ang mukha at boses nya mabilis din syang mag palit ng mood napatunayan kong may saltik talaga sya minsan

Ininom ko ang gamot na iniabot nya yun nalang naman ang ininom ko para mabilis maghilom ang mga sugat ko

"Babe gusto mong magpunta sa resort ni Tobias? to unwind" sinuklay nya ang buhok ko at pinusod iyon

"Hmmm... sige medyo di na rin ako nakakalayo dito sa bahay" naisip kong mag gala na din nababato na din ako

Hapon na din naman at di na ganon kainit

Nagpalit lang kami ng damit at isinara ang bahay. Hawak kaming naglalakad papunta sa kinaroonan ng motor nya ang kanya kase ang nakalabas sa kalsada ang akin ay itinabi nya sa loob ng bakuran ko

Umangkas ako sa likod nya, sya ang naglagay ng mga kamay ko sa kanyang bewang

Habang umaandar ay naamoy ko na naman ang nakakaadik nyang amoy

"Anong pabango mo Raz?" inamoy-amoy ko yung likod nya nakakaadik talaga

"Why??" seryoso na naman ung boses nya

"Nakakaadik ehh" sa leeg nya naman ako umamoy

"Babe, I'm driving don't temp me" reklamo nya

Bakit? inaamoy ko lang naman sya ang bango nya talaga kase. Yumakap nalang ako ng mahigpit sa kanya hindi na sya nagsalita hanggang sa makarating kami sa resort ni Tobias

Habang naglalakad kaming dalawa ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Masyado atang malakas ang presensya naming dalawa

"It's Raziel right?" dalawang babaeng nag-uusap na nakatingin sa aming dalawa

Napansin mukhang kilala nga sya ng isang babae, tumingin ako kay Raziel I saw recognition in his eyes. Mag kakilala sila

Lumapit sa amin yung isang babae mukhang nagbabakasyon sila dito. May nakaka iritang ngiti sa labi nya

Sierra's Paradise [COMPLETED] Where stories live. Discover now