Nagkailangan

1.1K 9 1
                                    

Matagal kaming nakatinginan, mukhang natakot ata sya sa sinabi ko.

"Hoy biro lang" tsaka sya kumurap at parang nakahinga ng maluwag.

"Raziel right? nabanggit mo ung pangalan mo kanina" Ang totoo kilala ko sya sa iisang university lang kami pumapasok noong college. Ngayon ko lang sya natandaan.

Hindi ko napansing sya pala yun nung nagkita kami kahapon, Lalo syang gumwapo at naging maskulado ngayon. Tumangkad din sya.
Nung nasa college pa kami sikat na sya, pati ung mga Kuya nya. Maraming babaeng nagkakandarapa sa magkakapatid na Villamore sa campus namin

Yung dalawa nyang Kuya na Girlfriend na ata lahat ng sikat sa campus non,samantalang itong si Raziel tahimik kang at seryoso sa buhay.Kahit pa naglalaway na sa kanya ang mga babae non sa kanya ay wala siyang pinansin kahit isa

"Pinakaba mo naman ako" napaupo sya sa buhangin, ginaya ko nalang sya at tinabihan pareho kaming nakatingin sa dagat.

"Siguro di mo ako kilala pero kilala kita" napatingin sya sa akin, ako naman nakatingin pa rin sa dagat.

"H-how??" may pagtatakang tanong nya

Mukhang naiilang pa sya sa akin at pinipilit na lang nakausapin ako, Dapat pala di ko nalang sya tinakot kanina.

"Sa iisang university lang tayo grumaduate nasa Business ka, Nasa Nursing ako batch mate tayo"

"Talaga? Hindi kita matandaan ahh" Pilit pa yung ngiti nya sa akin, ano bang problema neto? Hindi mapakali ung mga mata nya habang kinakausap ako na para bang nag iiwas sya ng tingin

Natawa ako talagang di nya ako matatandaan

"Masyado kang busy at isnabero noon, Ano nga palang nangyare sayo at napadpad ka sa malayong isla na ito?" bakit ba ayun ang natanong ko

"Gusto ko lang muna magpahinga at makalayo sa Manila, It just happened na nandito si Tobias" Hindi ko alam kung anong problema nya pero ang naiintindihan ko lang kailangan nya ng space mula sa Manila. Ayaw ko naman nang magtanong pa ng madami

"Hindi kaba naiilang, halos dalawang araw palang tayong nagkikita kung kausapin mo ako para bang matagal na tayong magkakilala" pagtataka nya, ayan na naman ung mata nyang umiiwas sa akin

"Ayaw ko lang na mailang ka, ganto ako sa mga tao dito sa Isla. Kapag may turista na kumakausap sa akin ay pinipilit kong makipag usap sa kanila na para bang matagal na kaming magkakilala, Kahit nga hindi ko close dito pinapakisamahan ko para happy lang walang ilangan" sagot ko sa kanya, siguro kailangan ko syang kausapin ng ganito at baka naiilang sya sa akin.

"Teka?? Nag-aral ka sa university na pinasukan ko dati?! Anong naisip mo at nag stay ka dito sa islang to?" balik na tanong nya sa akin

"Ayaw ko sa Manila, hindi ko mapagpalit tong view nato di ko kayang umalis dito, at tsaka ung mga tao dito napamahal na sa akin" Simpleng sagot ko ayun naman talaga kase ang dahilan ko.

"How'd you live? I mean.. nagtatrabaho ka dito? sa mga resort and hotel?" Masyado namang curious tong si Raz kaya tumingin ako sa kanya na para bang sinusukat ung pagiging curious nya.

Narealize nya siguro na nasosobrahan na sya sa tanong at nag-iwas na naman ng tingin

"Sorry....simula kase ng dumating ako dito wala akong makausap na maayos, Tobias is busy with girls" Yun talagang amo ni Jewel na yun napaka babaero. Karamihan sa nagiging babae non guest sa resort nya. Wala din naman kase talaga akong masabi gwapo din si Tobias at malakas ang dating.

"Kanina ko pa napapansin, bakit parang di ka mapakali jan? umiiwas kapa ng tingin sa akin?" Maayos naman ang itsura ko ngayon.

"H-ha?... It's not what you're thinking..." Nararamdaman ko pa rin talagang di sya komportable.

Sierra's Paradise [COMPLETED] Where stories live. Discover now