Villamore

1K 12 8
                                    

Hindi ako halos nakatulog ng maayos kagabi tumatatak sa utak ko lahat ng sinabi ni Raziel sa tuwing ipinipikit ako ang mga mata ako ay nakikita ko yung ang mukha nyang punong-puno ng emosyon

"Sierra ! ngayon ka nalang napadalaw dito" bati sa akin ni Ate Joy ng isang taga pakyaw ng mga isda. Narito kami ako sa Isla Merkado lagi rin akong narito noon

Sumama ako kela Mang Dan sa pangingisda kanina at dahil pakiramdam ko ay kailangan ko ng pagkaka abalahan upang kahit papaano ay makalimutan ko saglit ang nangyare sa kagabi ay sumama pa ako sa kanina na ibenta ang mga isda

"Oo nga, masyado akong maraming ginagawa nitong mga nakaraang araw" sagot ko

"Ninang Sierra bakit po ikaw mukhang may sakit, putla po ikaw ayos lang po ikaw?" tanong sa akin ng anak ni ate Joy na inaanak ko rin naalala kong dito sya pinanganak sa Isla kasama ko din sila Mang Dan noon at nagbebenta din dapat ng mga huli. Naabutan namin nagkakagulo dito ayun pala ay nanganganak na siya hindi na makakaabot sa bayan, tinulungan ko siyang malabas ng maayos ang batang ito na ngayon ay malaki na.

"Oo nga Sierra wala ka bang tulog?" tanong sa akin ni Ate Joy

"Medyo ate" walang ganang sagot ko

Hinihintay ko si Mang Dan na kinikilo pa ang mga huli nila

"Ganda ka pa rin Ninang mukha pa rin ikaw Diwata" ngumiti ako sa inaanak ko

"Matagal pa ang pasko inaanak ang aga mo mang bola" Nagkatawanan kami ni Ate Joy

Alas-dose na ng tanghali nang makauwi kami nila Mang Dan naramdaman ko bigla ang bigat at pagod sa katawan ko kaya pagkapasok ko sa kubo ay nakatulog agad ako


"Sierra!" isang mahinang sampal ang naramdamanan ko sa aking pisngi

Minulat ko ang mga mata ko madilim na pala napasarap ang tulog ko. Tumambad sa akin si Jewel na nakasuot ng isang itim na dress at nakaayos

"Ohh.. san ka papunta?" tinatamad na wika ko

Nag-unat pa ako ng katawan bago umupo

"Anong nangyare sayo bakit mukha kang ganyan?" umupo sya sa kama nakaheels pa pala sya

"Eh ikaw? bakit ganyan ang itsura mo? San ka pupunta madilim na" mukhang ayos na ayos sya

Ngumiti sya sa akin at inabot ang isang paper bag

"Bigay ni sir Tobias, inaanyayahan ka nya ngayong gabi sa resort may welcoming party para sa mga kuya ni Raziel grabe ang gagwapo" Kinuha ko ung paperbag at inilabas ang laman noon

Isang iyong Pulang Mini Satin dress may kasama iyong itim na heels na siguro ay nasa three inches

"Ang galing naman ng amo mo? Mukhang alam nya ang sukat ko" Inaangat ko ang dress mukhang hapit na hapit sa akin ito kapag isinuot ko

"Siguro sa dami ng naging babae nya marunong na sya nagcalculate ng katawan" sarkastikong sagot ni Jewel

"Ikaw na nalang ang pumunta, wala akong gana ehh" Pinasok ko ulit sa paper bag damit at muling nahiga. Parang di ko pa kayang makita si Raziel

"Huyy hindi pwede! sabi ni Sir Tobias dalhin kita kung hindi ay mawawalan ako ng trabaho!" Hinala ako paupo muli ni Jewel

"Ayoko nga parang..." nagkamot ako ng ulo

"Bahala ka mas marami pa namang guest ngayon sa resort baka paligiran ng babae si Sir Raziel" pananakot nya sa akin

Medyo uminit ang ulo ko

"Anong pinagsasabi mo? hintayin mo ako at mag-aayos lang ako" tumayo ako sa pagkakahiga ko at kinuha ang paper bag

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jewel

Sierra's Paradise [COMPLETED] Where stories live. Discover now