After mayroong mangyari sa amin ni Raz ay lagi na siyang narito sa kubo ko
Minsan ay sya ang nagpapakain sa mga aso't manok ko hindi ko naman inuutos sa kanya
Sumama din sya isang beses sa amin ni Mang Dan manghuli ng isda nakakatawa nga at manghang mangha syang manood sa amin habang nanghuhuli
Tinatanong na nga ako ng mga mangingisda non kung anong meron sa amin ni Raziel
"Ohh? bakit nandito ka na naman?" eto na naman sya at papalakad papunta sa bakuran ko
"Binabantayan ka nga" sagot nya
Dumiretso sya sa upuang kawayan at humiga roon
"Bat di ka nalang tumambay doon sa resort ni Tobias at nag higa-higa" lumapit ako sa kanya
"Boring don" maikli nyang sagot
"Maraming magagandang babae dun" biniro ko lang naman sya
"I'm yours" sagot nya nakapikit lang sya
Ibig nya bang sabihin hindi sa nageentertain ng ibang babae maliban sa akin?
Napakamot ako sa lalamunan ko hindi ko naman alam kung anong meron sa aming dalawa maliban sa nagsex kami ng walang label
"Gusto mo bang ligawan kita?" nagulat ako sa tinanong nya sa akin
"Huy wala akong sinasabi!" pagrereact ko
"Gusto mo akong ipamigay sa iba ehh" bigla syang tumayo at naglakad paalis sa bakuran ko
Sinundan ko sya
"Raziel!" pero hindi nya ako pinapansin sumakay sya sa motor at pinatakbo iyon ng mabilis
Hala?! anong nangyare sa taong yun?
Anong nagawa ko?
Hindi na bumalik si Raziel buong hapon
"Huy ang lalim ata ng iniisip mo?" Dumating si Jewel ngayon nalang ulit sya pumunta dito sa bahay
"Si Raziel kase sinapian" nakasimangot ako
"Omg!!! Jowa mo na ba si sir Raziel!?!!!!" Bumalik na yung pagiging maingay ni Jewel
"Hindi" tipid na sagot ko kase hindi naman talaga
"Bat ganyan itsura mo? mukhang kahit si Micheal Angelo di ka mapipinta" Napabuntong hininga ako
"Nakakabwesit sya bigla na lang tinotopak!" Wala naman akong ginawa sa kanya bigla syang totopakin ng ganun bumibigat tuloy yung pakiramdam ko
"Aheeemmmm Hindi pala magjowa pero laging magkasama at may LQ na" pang aasar nya
"Manahimik ka nga jan wala kaming label" pagkadulas ko naku kukulitin ako neto
"So may namumuo nang pag-ibig sa inyo?!" kinurot-kurot nya ako sa tagiliran
Napabuntong hininga ako
"Hindi ko pa alam, nalilito din ako sa nararamdaman ko at sa kung ano ba ang meron sa aming dalawa" Nung nakaraan ay hanggang sa tinginan lang kami ni Raziel tapos nangyare na nga ang di dapat mangyare
"Maniwala ka sa akin macoconfirm mo yang nararamdaman mo sa kanya kapag nakita mong may kasama syang iba proven and tested" Sabi pa ni Jewel
"Parang hindi naman Jewel iba naman ang sitwasyon mo sa akin. Ikaw kase kapag may nakita kang ibang kasama yung jowa mo hahanap ka din ng iyo" inirapan ko sya
Kapag usapang pag-ibig wag pakinggan si Jewel
"So malaki?" san nya naman nakuha yung tanong na yon?
YOU ARE READING
Sierra's Paradise [COMPLETED]
RomanceSPG | R+18 Si Sierra ay anak sa labas ng isang malaking tao sa mundo ng Pulitika, Pilit syang itinago ng kanyang ng ama sa mundo sapagkat nais nito mapanatili ang magandang reputasyon sa harap ng publiko. Lumaki sya sa isang Isla na punong-puno ng g...