Party

1K 9 0
                                    

Naririnig ko na ang tugtugan mula sa resort ni Tobias mukhang nag-aayos na ang resort sa party mamaya. Magdidilim na din at baka nga mag-umpisa na iyon

Nandito ako sa bahay at kumakain ng pinaksiw kong galunggong napakasarap talagang kumain kapag ito ang alam

Biglang bumakas ang pinto ng bahay ko at niluwa si Jewel na nakasuot ng Floral ruffle skirt na katerno ng Bikini top nya nakaayos na din sya

"Ano ba yang itsura mo Sierra?! akala ko pa naman nakaayos kana?!" Nilapag nya ang hawak nyang bag sa lamesa ko habang ako naman ay sumusubo pa ng kanin

"Ano kaseng gagawin ko doon?" Kumagat pa ako ng isda

"Syempre ibabalandra yang ganda mo!! Invited ka naman, invited lahat ng kapitbahay natin kaso ayaw nila magsipunta kase pagod sila sa pangingisda kanina kaya pakiramdam ko karamihan lang ng makikiparty doon ay kasing edad natin at kabataan lang din"

"Dito nalang din ako masarap ung niluto kong paksiw" Napakamot ng ulo si Jewel

"Sumama kana minsan lang naman ehh sige na Sierra ipagyayabang ko lang yang ganda mo" Nagpuppy eyes pa sya

Sabagay halos minsan lang naman magkaroon ng kasiyahan dito sa isla, at tsaka si Tobias naman ang nag-imbita sa akin bawi ko nalang sa kanya sa ginawa ko sa kanya dati.

"Sige na nga intayin mo ako at maliligo ako" tumayo na ako at pumasok sa cr

"Yehey!!!bilisan mong maligo baka maubusan ako ng foreigner doon" naririnig kong pumapalak pa nga si Jewel

Natapos na akong maligo at nagsuot lang ako ng denim high-waisted short na tinernohan ko ng plain shirt at tinuck in ko lang sa short ko. Tinutuyo ko ng tuwalya ang buhok ko habang lumalabas sa kwarto

"Sierra ayan talaga susuotin mo? mukha kang tatambay lang doon" may pagkairita sa mukha at boses ni Jewel

"Bakit? dapat ba naka gown?" biro ko sa kanya lagi kong sinasabi sa kanilang mag lola yun kapag sinisita nila yung suot ko

"Sierra syempre ilugar mo naman ung isusuot mo sa party napupuntahan mo mukha kang...." Tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa tsaka nagsalita ulit

"Mukha kang tatambay eh" nagpapa tuloy nya

"Eh tatambay lang naman talaga ako doon" pang aasar ko

"Buti nalang alam kong ganyan isusuot mo" Diko napansin na may dala syang paper bag at iniabot sa akin kinuha ko naman agad

"Nabili ko yan nakaraan sa bayan, hindi ka sya sa akin tingin ko ay babagay sayo iyan" Nilabas ko ung mga nasa paper bag

Isang terno ng black strappy bikini, may kasamang mabahang skirt na may slit na pwede mong ipartner sa bikini na ito.

"Bagay ba sa akin ito? kita mong morena ako pasusuotin mo pa ako ng itim"

"Bagay sayo yan isukat mo na dali!!!" tinulak nya ako papasok ulit sa kwarto ko

Nagsusuot naman ako dati ng bikini kaya lang lagi akong naliligo dito sa dagat tinatamad na ako minsan magbihis kaya kung anong suot ko minsan ay ayun nalang din ang sinusuot ko sa pagligo sa dagat, parang ang weird lang din na mamamana ako ng pusit at isda ay naka bikini pa ako.

Sinukat ko na ang ibinigay ni Jewel, sinuot ka nalang din ang skirt na kasama neto para naman hindi ako masyadong nakikitaan ng balat, itinali ko ng maayos sa katawan ko ang mga extrang strap ng top ko para maganda tingnan kinuha ko ang nakatabi kong beach sandals tsaka ako lumabas ng kwarto.

"Ayan!! Jusko napaka ganda talaga ng katawan mo! Bakit ba kase nandito ka dapat nag momodel o artista ka sa Manila!" Lagi nya din talagang namemention sa akin na dapat sa Manila ko pinalalandakan ung itsura ko

Sierra's Paradise [COMPLETED] Where stories live. Discover now