Nagmamadali akong naglalakad habang akay-akay ako nina Ethan at Jewel
Sobrang sakit na ng tiyan ko, kagabi ko pa nararamdaman na para bang humihilab na ang tiyan ko pero hindi ko pinansin yun dahil hindi pa naman ganun ka sakit.
Nakapunta pa nga ako dito sa resort ni Ethan at kasama ko pa si Jewel. Nag-aya pa ako sa kanila na manood ng palabas
Naglalakad kami ngayon sa pasilyo nang maramdaman ko ang labis na pananakit ng tiyan ko. Pupunta sana kami kay Tobias dahil naroon ang helicopter nya sasakyan ko sana
"Sierra!!" narinig ko ang kabang-kabang boses ni Raziel namumutla sya habang nakatingin sa akin
"Hayup na Tobias yun hindi sumasagot! teka at pupuntahan ko don sa kabila para maready nya na ung helicopter" tumakbo si Jewel paalis
Si Ethan at Raziel ang naiwang kasama ko
Hindi ko na talaga kaya pakiramdam ko ay lalabas na sya.
Humarap ako sa pader at lumuhod, hinubad ko ung suot kong pang ibaba susubukan mo sanang i-IE ang sarili ko pero nakapa ko na agad yung ulo ng anak ko
"Sierra anong ga-gawin mo?" nanginginig na tanong ni Raziel ramdam ko ang kaba nya
Pero mahinahon akong kumilos pinaglayo ko pa ng kaunti ang mga hita ko at unti-unting umiri
"ammppp" tahimik akong umiiri samantalang yung dalawa sa likod ko ay di mapakali
"Halika dito Raziel abangan mo yung ulo ng bata baka diko masalo" parang lalo pa syang namutla sa sinabi ko
"Ha?" yun lang ang lumabas sa bibig nya
"Pre gusto mo ba ako na ang gumawa?" tanong ni Ethan
"No... a-ako na" lumapit si Raziel sa akin
Umire ulit ako, ang hirap ilabas ng anak ko parang ang laki nya
Bigla nalang may natumba sa tabi ko. Si Raziel di nya na siguro kinaya yung kaba
Si Ethan naman ginigising sya
"Raziel!!! bwesit ka gumising ka jan!" sigaw ko habang umiire
May lumabas na babae mula sa isang pinto napatingin sya sa amin
Teka Artista to ahh
"Maam pwede bang tulungan mo tong kaibigan ko, mukhang hindi na kase aabot sa ospital lalabas na yung bata hindi ko naman matulungan kase natatakot ako" pakiusap ni Ethan sa kanya
Lumapit sya ng marahan sa akin
"An-anong matutulong ko?" tanong nya mukhang kinakabahan din sya
"Pwede pa abang sa ulo ng baby ko? baka kase mabitawan ko ehh" pakiusap ko sa kanya tumango sya
Nagsimula na akong umiri ulit
Ang hirap.
Kumuha ulit ako ng lakas at muling umire sa pagkakataong ito naramdaman kong lumabas na sya. Isang maliit na iyak ang narinig naming lahat
"Waaahhhhh... Waaahhhhhh" Hawak sya ng babaeng tumulong sa akin
"Bouncing Baby girl" sabi ng babae
Mukhang paiyak sya, napansin ko din ang panginginig ng katawan nya para syang nawawala sa sarili
Ano kayang nangyare sa kanya?
Nagkamalay na din si Raziel nang makita nya ang umiiyak nyang anak ay umiyak din sya
"Lo-Love??" ibinigay sa kanya ng babae ang anak ko hindi pa din tumitigil ang panginginig ng katawan nya
Ano kayang nangyare sa kanya, saktong dumating si Tobias at Jewel
Binuhat ako ni Raziel ang anak naman namin ay buhat ni Jewel
Bago ako umalis ay binalik ko ang tingin sa babaemg tumulong sa akin. Wala na sya
SUPORTAHAN NIYO DIN SANA ANG STORY NI FAFI ETHAN MGA BEBELABS
2ND BOOK: DROWN BY HIS LOVE ETHAN'S STORY
PUMUNTA KAYO SA STORY NI ETHAN UMEEKSENA PA SI SIERRA AT RAZIEL DOON
YOU ARE READING
Sierra's Paradise [COMPLETED]
RomanceSPG | R+18 Si Sierra ay anak sa labas ng isang malaking tao sa mundo ng Pulitika, Pilit syang itinago ng kanyang ng ama sa mundo sapagkat nais nito mapanatili ang magandang reputasyon sa harap ng publiko. Lumaki sya sa isang Isla na punong-puno ng g...