Kasalukuyan akong nagwawalis sa tapat ng kubo,Hanggang dito lang ako nakapag wawalis. Hindi ko naman kase kayang walisan tong buong lupa namin baka kulangin pa ang isang buong magdamag para matapos ako.
Binuksan ko na din ang radyo ko para di naman ako mabagot sa pag wawalis. Ganun kase ako kailangan kong magpatugtog o makinig sa radyo para hindi ako tamarin sa ginagawa ko. Sakto namang maganda ng tugtugin sa nalipatan kong istasyon.
Comparisons are easily done
Once you've had a taste of perfection
Like an apple hanging from a tree
I picked the ripest one
I still got the seedYou said move on, where do I go?
I guess second best is all I will know
'Cause when I'm with him
I am thinking of you (thinking of you, thinking of you)
Thinking of you
What you would do if you were the one
Who was spending the night (spending the night, spending the night)
Oh I wish that I
Was looking into your eyes (eyes)"Looking into your eyes......" Sinasabayan ko ang kantang tumutugtog ngayon.
Ang mga alaga ko namang aso ay nakakalat sa bakuran ko at natutulog sila. Yung mga manok naman ag nagkakahig at tuka naman.
"Aba ang swerte ninyo sa buhay ahh pahiga-higa lang kayo" Pagka-usap ko sa kanila na para bang naiintindihan nila ako tinitingnan lang ako ng mga alaga ko habang naglilinis.
Binuhat ko na din ang isang baldeng isda na binigay kanina sa akin nila Mang Dan. Di ko kayang ubusin ito at baka gawin ko nalang tuyo ang iba. Konti lang naman ang kailangan kong kainin yung nahuli ko ngang pusit kahapon ay konti lang ang nabawas ko binigay ko kela Nanay Greta ang natira.
Bigla kong naalala Birthday pala ng Tatay ko. Napabuntong hininga ako sabagay magcecelebrate naman sila ng pamilya nya doon sa Manila lagi namang magarbo ang pagdiriwang ng tatay ko ng Birthday nya.
Alam ng asawa ng tatay ko na merong ako,Hindi naman sya mukhang galit sa akin. Ang gusto nya lang hindi ako lalapit at magpapakilalang anak ng tatay kong Senador sa publiko, Hindi daw pwedeng malaman ng mga tao iyon dahil isang tuwid na pulitiko ang tatay ko sa mata ng mga tao. Masisira daw ang iniingatan niyang reputasyon.
Kaya di ko na din pinagsasabi sa ibang tao kung sino ang tatay ko, kahit pa alam ko nahihiwagaan ang mga taga dito sa amin ni Mama. Kung paano napasa amin ang kalahati ng Isla.
Dati na-iinggit ako sa mga batang kumpleto ang pamilya, lagi kong natatanong ang Mama ko tungkol sa sitwasyon ko hanggang sa naipaliwanag nya sa akin at mas naintindihan ko ang nangyayare sa akin. Sa tuwing natatanong ko sya noon kung bakit hindi sila nagkatuluyan nakikita ko ang matinding Kirot sa mata nya kaya tinigilan ko nang itanong pa ulit sa kanya iyon siguro hindi nya maikwento sa akin ang kwento nilang dalawa dahil matinding sakit ang naramdaman ni Mama.
Noong mawala si Mama, Hindi ko man lang nakita sa burol ang tatay ko inisip ko na din bakit nya nga ba kami pupuntahan. Sino nga naman kami sa buhay nya.
May tumulong luha sa mga mata ko, kapag naalala ko si Mama.Mamaya ay dadaan ako sa puntod nya at dadalhan sya ng bulaklak. Dito sya nakalibing sa isang parte ng aming lupa, pinagawan ko sya ng puntod tinulungan ako ng mga tao dito sa islang tapusin iyon.
"Pssttt" biglang nagtahulan ang mga aso ko bumaling ako sa likod ko at nakita si Ethan na nakapamulsa pa.
"Ethan!! kamusta ang Manila?! ka babalik mo lang? halika dito pasok" aya ko sa kanya mahigit isang buwan din syang nawala.
"Namiss ko dito, grabe sa Manila masyado nang polluted" naglakad sya papunta sa Tambayan na ginawa nila Mang Nestor malapit sa dalampasigan sinundan ko din sya agad.
YOU ARE READING
Sierra's Paradise [COMPLETED]
RomanceSPG | R+18 Si Sierra ay anak sa labas ng isang malaking tao sa mundo ng Pulitika, Pilit syang itinago ng kanyang ng ama sa mundo sapagkat nais nito mapanatili ang magandang reputasyon sa harap ng publiko. Lumaki sya sa isang Isla na punong-puno ng g...