First time

1K 14 6
                                    

Grabe parang hanggang ngayon naririnig ko pa rin ang boses ni Raz na kumakanta. Hindi rin ako makatulog ng maayos kagabi kahit pa nakainom na ako

Nagbuhos ako ng isang tabong tubig sa ulo nandito ako sa bukal at naliligo
tamang-tama ang lamig ng tubig para magising ang diwa ko parang nandon pa rin kase ako sa sitwasyon kahapon hindi ko pa rin makalimutan yung pakiramdam na kumakanta si Raz sa harapan ko

Naalala ko pa ang matinding pang-aasar nila kagabi sa amin ni Raz

"Ohh baka magkatunawan kayo grabe kayo mag titigan" Kumurap ako at tumingin kay Jewel na mukhang nang-aasar

"Mukhang may namumuong pag-ibig dito" dagdag pa ni Mang Nestor

"Parehas naman kayong mga single ay grabe bagay din kayo" asar pa ni Jewel

"Mukhang kinilig ata si Sierra sa pag-awit mo Raz" sabi ni Aling Jin

"Ay tama na ang pang-aasar sa dalawa at namumula na ang mukha netong si Sierra hayaan na natin yang dalawa" Nag katawanan sila

Samantalang naramdaman ko nga ang init ng mukha ko

Ngayon ko lang lahat nararamdaman yun, ung abnormal na pagtibok ng puso ko, ung para bang malulusaw ako sa tingin lang nya na minsan pa ay nahihirapan pa akong huminga kapag may ginawa syang kakaiba!

AAAHHHHH!!!

Napahawak ako sa buhok ko

"Para na akong nababaliw dito" pagkausap ko sa sarili ko

Nang matapos na akong maligo ay umuwi na agad ako sa kubo at nagbihis

Nang makalabas na ako ay naroon si Ethan na nakaupo sa pinag tatambayan namin lumakad ako at pinuntahan siya mukhang hinihintay nya talaga ako

"Ano na namang ginagawa mo dito? wala ka bang ginagawa sa resort ninyo?" tanong ko sa kanya

"Pahinga muna ngayon nakakapagod ding puro trabaho" simple nyang sagot tumabi naman ako sa kanya

Tumahimik ang paligid walang isang nagsasalita sa amin ni Ethan na nakatingin sa dagat

"Sierra" Tawag nya sa akin

"Bakit ba? anong problema mo?" Ano kayang dinaramdam neto

"Tingin mo? hanggang pagkakaibigan lang ba talaga tayo?" malungkot nyang tanong

"Ethan...." Hindi ko sya masagot

"Hindi wag mo nang pansinin ung tinanong ko"

"Hanggang doon lang ang tingin ko sayo, Ayaw ko naman pilitin ang sarili kong Mahalin o gustuhin ka kase malaki ang posibilidad na mas masaktan pa kita kung magiging tayo at di naman kita Mahal. Ayokong maging unfair sayo" tumingin ako sa kanya

Napatingin din siya sa akin at bumuntong hininga

"Pero Mahal mo ako?" tanong nya

"Bilang kaibigan. Oo" sabay kaming ngumiti sa isa't-isa

"Sabihin mo sa akin kapag may manliligaw kana ahh ako ang bantay mo" hinawi nya ang buhok kong napunta sa mukha ko

"Bakit mo ako babantayan? Bakit aso ba kita?" biro ko

Nagtawanan kaming dalawa

Sana hindi sumama ang loob ni Ethan sa sinabi ko sa kanya. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin na matagal na din isa sya sa importanteng tao sa buhay ko ngayon

Sa isang banda ay parang naramdaman kong may nakatingin sa amin pero ipinagkibit balikat ko nalang iyon.

Nagkwentuhan pa kami ni Ethan ng matagal-tagal ngayon ko nalang ulit sya nakausap ng ganto lagi kase syang busy sa resort nila at kung minsan naman ay para syang kabuteng sumusulpot dito sa kubo ko

Sierra's Paradise [COMPLETED] Where stories live. Discover now