Tuyom

953 8 0
                                    

Nandito kame ngayon ni Jewel sa kubo ko at nagkakape mukhang malala hang over nitong kaibigan ko hindi naman ako masyadong nalasing kagabi nakapag maneho pa nga ako ng motor pauwi at sakay ko pa sya ayaw nga sana akong payagan ni Raziel kase delikado daw at wala na hulog itong kasama ko

Speaking of Raziel after ng titigan namin kagabi nagka kwentuha kami saglit nakaganda siguro ang pag-aya ko sa kanyang sumayaw naging komportable kami ng bahagya sa isa't isa hindi ko naman na tinanong sa kanya kung bakit sya nag Thank you sa akin baka dala lang ng alak sa katawan nya

Nalaman kong kinukulit sya laging ipadate sa iba't-ibang babae ng Mama nya kaya naiirita sya at lumayo muna sa Manila pakiramdam ko ay may kulang pa sa sinasabi nya may gusto pa syang sabihin at alam ko nag-aalangan pa sya.

Si Ethan naman hindi ko na nakita buong gabi pagkatapos nyang magpaalam na kumuha ng makakain

"Grabe sumakit ulo ko don" reklamo ni Jewel

"Bilisan mong magkape jan at umuwi kana may pasok kapa diba? kayo maglilinis ng kalat dun sa Resort kagabi hahaha" Alas-singko palang ng madaling araw sanay talaga akong magising ng maaga.

"Ayyy shiitt oo nga pala sige na uuwi na ako baka malate pa ako!" Tumayo sya at lumabas ng pinto hindi nya pa naubos ang kape nya

"Ito talagang babaeng ito ang hilig magsayang"

Nagligpit na ako ng kalat sa lamesa, nilinis ko ang buong kubo at magwalis sa labas, pinakain ko na din ang mga aso't manok ko hindi ko na namalayan ang oras.

Dumating na din sila Mang Dan

"Kamusta Mang Dan marami bang huli?" lumapit ako sa kanila

"Kaunti lang Sierra, ganun talaga ang buhay minsan kikita ng malaki minsan naman ay maliit tama lang ang kikitain ng bawat isa sa amin ngayon sakto lang makabili ng bigas mag-uulam nalang siguro ng isda ulit wala ehh" Malungkot ang itsura ng mga mangingisda ngayon

Gusto ko nang magtayo ng isang negosyo dito na alam kong kikita ng regular ang mga tao dito, yung negosyong magkakaroon ng kita mapalalaki at babae para ang mga mag-asawa dito ay mayroong pagkakakitaan parehas at kahit papano ay maging sapat ang budget nila sa isang araw.Pero hindi ko alam kung paano uumpisahan iyon

"Di ko na muna kukunin ang parte ko Mang Dan" May pera pa naman ako halos hindi ko na nga nagagalaw

"Naku Sierra kahapon ay hindi mo din kinuha ang parte mo, nakakahiya iha mababa na nga lang ang pursyento mo dito"

"Hindi Mang Dan, nag-abot sa akin yung mga nangongopra sa Niyugan ko kahapon at may naitabi pa ako" Maliban sa bangka ay napagkakitaan ko din ang mga niyog na nakatanim sa lupa namin napakarami naming puno ng Niyog

Ang ibang residente dito ay napaalam sa akin na mangongopra sila sa lupain namin

Hinayaan ko nalang at hanap-buhay naman iyon, masaya akong makatulong sa mga tao dito. Binibigyan nila ako ng bahagi ng kita nila kahit na hindi naman ako humihingi sa kanila.

"Pasensya na Sierra ahh" Paghingi ng tawad ni Mang Dan sa akin

"Naku Mang Dan parang bago naman kayo sa akin, sige na po asikasuhin nyo na ang mga huli nyo at maibenta nyo na" nginitian ko sya at hinayaan na silang mag-asikaso

Naisipan kong pumunta ulit sa puntod ni Mama baka madumi pero kumpyansa naman akong malinis iyon. Minsan kase nililinis iyon ng nakatira malapit doon mga nakakakilala sa kanya kilalang mabait at matulungin si Mama noong buhay pa sya sa kanya sya ang takbuhan ng mga tao dito pinipilit ni Mama na gawan ng paraan ang inilalapit sa kanya madami ngang nagsasabi sa kanya dapat tumakbo sya ng Kapitana noon pero ayaw nya.

Sierra's Paradise [COMPLETED] Where stories live. Discover now