Dream

1K 10 2
                                    

Bumaba ako sa aking Bangka na masaya para kela Mang Dan at iba pang mangingisdang kasama nya.

Minsan talaga sumasama ako sa paglaot nila. Madami na naman silang huli ngayon kaya naman grabe ang mga ngiti nila. Malaki-laki ang kikitain nila ngayon kaysa nung nakaraan.

"Bilisan nateng ilipat sa banyera ang mga isda at madala na  naten sa kabilang isla at mapag bili na ito" utos ni Mang Dan sya ang lider sa grupo ng mga mangingisdang ito.

Isang oras ang ibabyahe mo sa dagat bago marating ang Islang iyon, doon nagdadala ng iba't-ibang kalakal ang mga tao sa magkakalapit na Isla naroon din ang mga bumibili ng mga isda.

Naglakad ako pabalik sa bahay ko nang mapansin na naroon si Nanay Greta.

"Nay?! ano pong atin?" mukhang hinihintay nya talaga akong dumating

"Sumama kana naman sa paglaot? Hindi bagay sayo ang pangingisda Sierra ang ganda-ganda mong babae" Tinitigan ako ni Nanay

Nakasuot ako ngayon ng kulay pulang longs sleeve shirt at jogging pants na hindi gaanong masikip sa mga hita ko. May suot din akong bonet at nakaladlad ang buhok ko

"Nay masaya mangisda, sumama lang naman ako kase gusto ko manghuli ng tuna kaso di pala nila season ngayon" Last time kase na sumama ako nakahuli ako medyo mahirap lang manghuli ng Yellow fin Tuna ng mano-mano kailangan mo ng matinding lakas muntik pa nga ako mahulog sa dagat non.

"Aba ewan ko sayo, Pwede bang ihatid mo ito kay Jewel sa kanyang trabaho? Naiwan nya kase ang baon nya kawawa naman ang apo ko at baka magutom" Napairap ako, di ko masabi sa kanya na meron na namang kalandiang foreigner ung apo nya at di magugutom yun

"Sige na Nay, dadalhin ko na doon sakto at naayos na ang motor ko" Kinuha ko na ang eco bag na inaabot sa akin ni Nanay

Inilabas ko na sa kalsada ang motor ko, nakasunod naman sa akin si Nanay Greta.

"Pupunta ka doon na ganyan ang hitsura mo? " sita nya sa akin

"Saglit lang po ako doon, Kailangan ko po bang mag gown pa Nay?" biro ko sa kanya

"Ay sya umalis kana at baka mapalo pa kita pinipilosopo mo na naman ako. Mag-ingat sa pagmaneho"

"Sige Nay dito na ako" Inistart ko na ang motor ko at umalis.

Malapit lang naman ang Resort ni Tobias nasa kinse minuto lang ang layo mula sa bahay namin.

Kinakawayan ako ng mga taong nakakasalubong ko kilala din kase talaga ako dito, busina naman ng motor ang binabalik kong pagbati sa kanila.

Ang bango talaga ng simoy ng hangin dito sa Isla,maririnig mo pa ang huni ng mga ibon noong nasa Manila ako wala akong naririnig doong mga ibon puro na kase building at bahay halos wala nang puno.

Nakarating na ako sa Hotel& resort na pag mamay-ari ni Tobias. Naglakad ako papunta sa Resort nya hindi lang naman ito ang unang beses na nakapunta ako dito.Mukhang maraming guest dito ngayon medyo matao ehh iba't - ibang uri ng lahi nakikita ko. May blonde, may singkit, may mga black Americans. Itong resort kase ni Tobias ang isa sa pinaka sikat dito sa Isla pareho kela Ethan.

Napansin kong parang nagkakagulo ang mga kababaihan malapit sa beach, kaya lumapit ako.

"Did you see that girl?! He's body is like a demigod!" rinig kong sabi ng isang babaeng blonde sa kasama nya na may halo pang kilig

"He doesn't seem real Omyghod I need to breath"

"I heard that he's a friend with Baby Tobias, girl we can have a chance to hang along with him" naghagik-hikan pa sila.

Sierra's Paradise [COMPLETED] Where stories live. Discover now