Chapter 22 I Won't Stop Until You Told Me...

6.2K 120 63
                                    

❗⚠️ WARNING❗⚠️

This chapter may include content not suitable for young audiences or readers. Strong parental guidance is advised. Read at your own risk.

*****************************************

[-SOPHIE'S POINT OF VIEW-]

[MIRANO RESIDENCE] [SOPHIE'S ROOM]

(Habang kausap ko si Shayne sa phone, narinig ko na biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko kaya napalingon ako. Pagtingin ko, pumasok pala si Travis. Masyadong mabilis yung paglapit niya sakin kaya nakita ko na lang na nasa harapan ko na sya at napakalungkot ng mukha niya.)

____________________________________

[PHONE CALL] [SOPHIE'S PHONE]

SOPHIE: S-shayne, wait lang a-

SHAYNE: ...

____________________________________

[Biglang hinablot ni Travis yung cp na hawak ni Sophie tapos siya na mismo yung pumindot ng END CALL.

Nung ma-endcall na ni Travis yung tawag, nilapag niya agad yung cp ni Sophie sa study table tapos bigla niyang hinalikan si Sophie sa labi nito nang sapilitan habang nakaupo ito sa upuan.]

[KISS]

...

(Habang hinahalikan niya ako, pilit ko namang ipinapaling yung mukha ko sa ibang direksyon. Dahil doon, hinawakan na niya ako sa leeg ko sa may gilid ng mukha ko. Hindi ko na tuloy maipaling yung mukha ko pagilid. Nung mga oras na yun, wala na akong magawa para makaiwas.

Nararamdaman naman niyang tinutulak ko na siya palayo . Kaya hinawakan na niya yung kaliwang kamay ko gamit yung kanang kamay niya.

Bale yung kanang kamay ko na lang yung napangtutulak ko sa kanya. Pero kahit ganun, kahit na tinutulak ko na siya palayo sakin, tuluy-tuloy lang siya sa paghalik sakin na parang ayaw talaga niyang magpapigil.

[KISS]

(SHOCKS... grabe siya humalik. Halos mapapikit ako sa sobrang intense na ng halik niya. Halos mawala na rin ako sa sarili ko. Masyado siyang malakas kaya kahit magpumiglas ako at itulak ko siya, parang wala lang sa kanya. Masyado na ring mahigpit yung pagkakahawak niya sa kamay ko kaya nasasaktan na ako.

Pero unti-unti na rin akong nadadala sa halik niya. Kahit ayoko, napipilitan na rin akong humalik dahil sa way niya ng paghalik sakin. Na carried away na rin ako kaya napapikit na lang ako at sinabayan ko na siya.

[KISS]

Pero habang nakapikit ako, bigla namang nag-flash yung mukha ni Shayne sa isipan ko.

...

Shayne, I'm... I'm sorry. Sinubukan ko namang kumawala sa kanya pero... ayaw niya talaga akong pakawalan.... I'm sorry, sana patawarin mo ako... Mahal na mahal kita, Shayne.....

...

[Habang sapilitang hinahalikan ni Travis si Sophie, biglang may bumagsak na mga luha sa mga mata ni Sophie. Naramdaman ni Travis na may tumutulo sa kamay niya habang nakahawak sa gilid ng mukha ni Sophie kaya napatigil siya. Nakita niyang umiiyak ito kaya bigla siyang nakonsensya.]

...

(Maya-maya, naramdaman ko na tumigil na siya sa paghalik sakin kaya unti-unti na rin akong napadilat. Kasalukuyan naman siyang nakatingin sa akin na parang nakokonsensya siya sa ginawa niya.

Naramdaman ko na hindi na mahigpit yung pagkakahawak niya sa gilid ng leeg ko at sa isang kamay ko. Kaya yun, kumawala na ako at pinilit ko na talaga siyang itulak nang malakas palayo sakin.

DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon