Read more chapters in advance in my Patreon creator page Rej Martinez or my Facebook VIP Group! Kindly message me on my Facebook account Rej Martinez to join for as low as 100 pesos monthly and get full access to everything that's available in Patreon and VIP Group. Thank you! You can also send a message to Rej Martinez's Stories Facebook page.
Kabanata 1
Tagapagmana
Rebecca Luzuriaga was the most beautiful woman in their city in the province of Negros Occidental. Her now deceased father was once the leader of their city. The Mayor Luzuriaga who already passed away due to some medical or health complications and also due to old age. But he was loved dearly by the city's people until the day he passed for being a good Mayor.
"Pagkatapos mong kumain ng almusal ay maghanda ka na rin para sa pagbisita rito ng mga Puentevella mamaya." Senyora Isabella Luzuriaga told her only daughter.
"Opo, Mama." sagot naman ng batang Luzuriaga sa ina.
Simula nang mawala ang Senyor ay silang dalawa na lang ang naiwan na namamahala ng kanilang mga ari-arian. Isa ang pamilya Luzuriaga sa mga mayayamang pamilya sa probinsya ng Negros Occidental.
Pero dahil bata pa ay wala rin tiwala ang Senyora sa kaniyang nag-iisang anak na sa tingin niya ay puro kapilyahan pa lang ang nasa isip nito. Rebecca was spoiled by her father when he was still living so no wonder na halos wala rin itong alam gawin sa buhay dahil lumaki lang itong nagbuhay prinsesa.
Kaya naman ang naisip na solusyon ng matandang senyora para na rin masiguro ang future ng anak na babae ay ang ipakasal ito sa kapwa rin nila mayamang pamilya at family friend. Ang mga Puentevella na matagal na rin kaibigan ng kanilang pamilya simula pa man noon.
Edward Puentevella was the most sought after bachelor of his generation. Kahit nasa probinsya halos ang mga ari-arian ng kaniyang pamilya at negosyo ay sa Maynila naman siya pinalaki at nag-aaral. Kaya minsan lang din itong nandito sa Negros. At ngayong pinauwi siya ng kaniyang pamilya para rin kilalanin ang kaniyang mapapangasawa na anak ng mga Luzuriaga...
"Senyorita Becca, tama rin naman ang inyong Mama... Sa tingin ko ay makabubuti rin sa inyo ang mag-asawa na ngayon habang may lakas pa ang inyong Mama..." sinabi ni Ellen sa kaniyang Senyorita.
Si Ellen ay nakasabay nang lumaki ni Rebecca sa kanilang Hacienda. Mga tauhan ng Hacienda ang mga magulang nito at kinuha naman ng Senyora noon ang kanilang anak para magsilbi sa batang Senyorita.
And Becca was always good to Ellen. At tinuturing na rin niya na parang sa isang kapatid si Ellen na lagi lang din naman nakasunod sa kaniya simula noong mga bata pa lang sila. Halos magkaedad lang din ang dalawang dalaga. Ang pinagkaiba lang ay ang mga antas nila sa buhay. While Rebecca was like the princess of the Luzuriagas, Ellen was merely a maid in their mansion.
"Hindi ko pa alam, Ellen. Depende kung magugustuhan ko rin siya. Pero alam mo kasi gusto ko rin naman sana na mahulog lang ang loob ko sa isang lalaki. Like to fall in love with a man naturally. At hindi iyong ganito na ipapakasal na lang ako ng Mama para sa negosyo." Becca told her personal maid and friend.
Umiling naman si Ellen sa kaniyang Senyorita. "Hindi naman siguro iyon ganoon, Senyorita. Alam ko na nag-aalala lang para sa 'yo ang iyong Mama. At iniisip niya lang ang magiging buhay mo sa hinaharap."
Pero umiling pa rin si Becca kay Ellen.
Nakabisita na nga sa mansyon ng mga Luzuriaga ang mga Puentevella nang araw ding iyon. At doon na rin pinakilala sa isa't isa ang dalawang mga tagapagmana ng mga Luzuriaga at Puentevella.
"Nice to meet you." Edward Puentevella politely took Rebecca's hand.
Ngumiti naman si Becca sa lalaki. Hindi niya maitatanggi na gwapo rin naman ito. At talagang may dating bukod pa sa pagiging anak mayaman din nito.
"Nice to meet you, too." She said.
Pero pagkatapos ng una nilang pagkakakilala ay naging magkaibigan lang ang dalawang mga tagapagmana. And instead it was Ellen who fell in love with the young Senyorito Puentevella...
Becca chuckled at her friend. "Ayos lang naman sa akin kung nagkagusto ka na kay Edward, Ellen. Magkaibigan lang naman kaming dalawa at hindi ko talaga siya nakikita na maging boyfriend ko o asawa pa kaya?" Umiling-iling si Becca.
"Pero, Senyorita Becca, siya ang gusto ng iyong Mama na mapangasawa mo." sabi naman ni Ellen sa kaniyang Senyorita.
Umiling lang muli si Becca sa sinabi nito. "Si Edward na ang hahayaan kong kumausap sa mga magulang namin..."
At may lalaking kaibigan din si Edward Puentevella na si Luisito Salgado. Ang lalaki ay kapwa rin nila galing sa may kayang pamilya. But unlike the Luzuriaga and Puentevella who are known to be old money or old wealthy people, ang mga Salgado naman ay maituturing na nouveau riche...
Nakilala ni Edward si Luisito o Lui sa Unibersidad din nila sa Maynila at naging magkaibigan na ang dalawa. At nang minsan itong dalhin ni Edward sa kanilang probinsya ay nahulog agad ang loob ng binatang si Lui sa magandang dalaga ng mga Luzuriaga na si Rebecca. At ganoon na rin ang naramdaman ni Becca para rito.
So in secrets the four would meet and be in like a double date. Dahil nagkagusto na rin ang nag-iisang tagapagmana ng mga Puentevella kay Ellen na isa lamang katulong sa mga Luzuriaga...
Becca was in love with Lui, and so as Edward was in love with the young and pretty maid Ellen.
Pero ang kanilang sekreto ay hindi rin panghambuhay na maitatago. Dahil isang araw ay nahuli sila ni Becca at Ellen ng mismong Senyora Isabella. At parehong nakatanggap ng parusa sa matandang Donya.
Becca was locked up in her bedroom at hindi siya pinapayagan na lumabas. Habang si Ellen naman ay pinauwi rin muna sa pamilya niya matapos din siyang mapagalitan ng Senyora. Nalaman nito ang sekreto nilang pakikipagrelasyon sa dalawang lalaki.
At nang malaman din ni Edward ang nangyari ay umamin siya sa kaniyang mga magulang na isang katulong ang kaniyang nagugustuhan na hindi naman matanggap ng mga magulang niya. At dahil sinubukan pa niyang ipilit ang kagustuhan ay nagkasakit ang kaniyang Mama dahil sa ginagawa niya at naospital din ito. So Edward became busy attending to his sick mother at the hospital. And when he tried to see Ellen, Donya Isabella told him that she wasn't in the Hacienda Luzuriaga anymore. At umalis na ito sa lugar kasama ng mga magulang nito.
When the truth was Ellen was still at the Hacienda. But they also didn't have a proper way of communication back before in the days.
While Lui Salgado was still in Manila at that time at hindi pa muling nakabalik sa probinsya para makita si Becca.
At nang mga panahong iyon, dahil umayaw na rin sa pagpapakasal si Edward kay Rebecca kaya naman agad din nakaisip ng panibagong paraan si Senyora Isabella at dinala sa Luzon ang anak, sa Tarlac City upang ipakilala naman sa mapapangasawa nito.
Douglas de Leon was also the son of a family friend to the Luzuriaga. And the esteemed man came from the honorable family of the de Leons who worked for the country's military.
Ang ina ni Douglas na isang Filipino-American ay naging malapit na kaibigan din noon ni Donya Isabella noong mga kapanahunan pa nila.
And so, without hearing anymore from Lui, Rebecca got married to Major Douglas de Leon at that time in the city of Tarlac...
And on the night of their honeymoon... Becca was crying silently as another man that she doesn't love got to own her body other than her love, Lui...
And then after some months their first daughter Isabelle Luzuriaga de Leon was born.
BINABASA MO ANG
No One Else
RomanceThere are people who don't get to be with the one they love... When Belle de Leon had to marry her father's golden boy, the General Douglas de Leon's priced soldier, Captain Sam Lazaro. She also thought that she might not be able to be with the one...