Kabanata 6
Soldier
Sam stayed in the De Leon household until the summer vacation wasn't over. Dahil pagkatapos ng summer ay tutungo na rin siya sa military academy. Upang doon mag-training at maging ganap na isang sundalo rin balang araw.
At may mga pagkakataon din habang nanatili siya sa malaking bahay ng mga De Leon nang bakasyon na iyon na nagkikita at nagkakasalubong din sila minsan ni Belle sa bahay nila. At kahit pa bakasyon ay nanatili lang din sa bahay ang pamilya nila. Minsan lang din lumalabas ng kwarto niya si Belle at doon lang din siya nasisilayan ni Sam kahit sandali. At kahit pa nagkakasama o nagkakasabay rin naman sila sa pagkain lalo na kapag nand'yan si Douglas De Leon ay tahimik lang din si Belle sa hapag kaya halos hindi rin marinig ni Sam ang boses ng dalaga...
He actually wants and try to make even just a small conversation with her. Lalo at nakatira pa sila sa isang bahay ngayon. Ayos lang naman kay Sam kung hindi na siya maalala ngayon ni Belle na dati niyang kalaro sa Hacienda ng mga Luzuriaga noong bata pa siya at dinadala siya ng kaniyang ina para magbakasyon doon sa kaniyang lola. Pero nais din sana ni Sam na kung pupwede ay makipagkilala siya sa ngayon ay hindi na bata at dalaga nang si Belle. Ngunit mailap naman si Belle at hindi rin halos lumalabas ng kaniyang kwarto. Kaya hindi nagkakaroon ng pagkakataon si Sam na muling makipagkaibigan sana...
Sa kabilang banda naman ay napupuna rin naman ni Belle ang binatang si Sam kahit papaano. Dahil nasa iisang bahay lang naman silang dalawa at nakikita rin nila ang isa't isa. Pero ang dahilan ng pagiging mailap niya lalo na sa lalaki ay dahil sa closeness nito sa ama niya na siya mismong anak ay hindi naman siya makakuha ng pareho o kahit konting atensyon na lang sana sa ama niya...
Pero naisip na rin naman ni Belle na hindi ito kasalanan ng binatang si Sam. Hindi naman pinilit ng binata na magustuhan din siya ng ama nito bilang estudyante. At isa pa ay nangangailangan din ng tulong ang binata. And she was just a bit jealous of him...
Nagbuntonghininga si Belle nang muli niyang makasalubong si Sam sa bahay nila. Hindi naman siya galit sa binata. Nagselos lang siya nang konti dahil mas malapit na ito sa kaniyang ama. Pero alam naman din niya sa sarili niya na hindi nito kasalanan iyon. At siguro ngayon at medyo awkward lang din siya rito dahil hindi pa rin naman niya nagagawang makipag-usap sa isang binatang kagaya ni Sam dati.
At hanggang sa isang araw naman ay napili ni Belle na magbinyag ng mga halaman at bulaklak sa hardin nila na inaalagaan din ng kaniyang tiyahin. Wala rin kasi ngayon sa bahay si Margaret dahil busy pa ito sa pag-aasikaso rin sa mga kailangan niyang papeles para sa pag-alis ng bansa at mag-aaral na ito ng medicine abroad. At unti-unti ay natatanggap na rin ni Belle na aalis na nga ang kaniyang tita...
At habang nandoon si Belle sa hardin ay hindi niya inaasahang matatagpuan niya rin doon si Sam na natutulog lang naman sa madamong parte ng garden. Nagulat siya at bahagya pang napaatras. Naisip niya kung bakit ito rito natutulog at may kwarto naman ito sa bahay nila?
Nagmulat naman ng mga mata niya si Sam. At ang una niyang nakita ay si Belle na halatang mukhang nagulat sa presensya niya roon na natutulog pa. Agad naman bumangon si Sam at inayos ang sarili niya sa harapan ng dalaga. Nakaramdam din siya ng pagkapahiya...
"Bakit ka rito natutulog?" For the first time Belle talked to him.
And he heard her voice. Umawang pa ang labi niya at hindi agad nakapagsalita. At nang makabawi ay sumagot din siya sa tanong sa kaniya ni Belle. Hindi niya rin halos maalis ang mga mata niya sa maamong mukha ng magandang dalaga. Nahihiya tuloy siya lalo sa sarili niya... "Uh, maganda kasi ang hangin dito... At mabango rin dahil siguro sa mga bulaklak..." sabi ni Sam sa kay Belle.
Bahagya lang naman kumunot ang noo ni Belle sandali sa kaniya pero unti-unti rin itong tumango. At naisip ni Belle na lumaki sa probinsya ang binata at naghahanap lang din siguro ito ng lugar na mas presko...
Tumango lang si Belle sa kaniya at wala na rin itong sinabi pa pagkatapos. At bumalik lang din si Belle sa pag-aalaga sa mga halaman ng Tita Margaret niya. And that's when Sam offered to give her a hand with what she's doing.
"Kailangan mo ba ng tulong..." Sam carefully asked Belle.
Bumaling naman sa kaniya ang dalaga. "Gusto mong tumulong?" she asked him.
And Sam promptly nodded his head like an obedient child...
Tumango na rin si Belle sa kaniya pagkatapos. "Okay. Kunin mo ang hose doon at magsimula ka rito at ako naman doon sa dulo..." she instructed Sam.
Agad naman muli na tumango si Sam at sumunod na rin agad.
And they made a great time together watering the plants in the garden...
At isa itong magandang alaala na nais ni Sam manatili sa kaniyang isipan sa matagal na panahon at habang nasa academy na siya. He will bring this precious memories with him there. Dahil bukod sa pag-aasikaso sa mga halaman sa hardin ay kinausap pa siya muli ni Belle habang nandoon pa silang dalawa lang.
"Gusto mo rin maging sundalo?" Belle curiously asked him as they watered the garden plants.
Bumaling naman si Sam sa dalaga. At napansin din niya na nakasimple lang na pambahay si Belle. Nakasuot ito ng mahabang dress at mukha na itong diwata lalo pa sa kulay ng bestida nito na puti. At ang mahabang buhok naman nito na may kaonting waves din sa dulo ay nakababa lang din. Wala rin itong nilalagay na kahit anong kolorete sa mukha. At maputi rin si Belle na parang si Snow White.
Habang medyo naging moreno naman si Sam dahil lumaking babad din sa araw sa probinsya dahil sa pagtatrabaho rin niya noon na pagtulong din sa pagtatabas ng mga tubo sa asukarera ng mga Luzuriaga. Pero mestiso rin ang binata dahil sa namana rin sa kaniyang ama...
"Dahil ba kay Papa..." tinanong siyang muli ni Belle.
Unti-unti naman umiling si Sam sa dalaga. Pero ang totoo niyan nang magsabi sa kaniya noon si Donya Isabella ng tungkol sa ama ni Belle na si Douglas na nagseserbisyo rin sa military ay parang ginusto na rin ni Sam na maging sundalo... Dahil... naisip niyang mas mapapalapit siya sa ama ni Belle at sa pamilya nila...
Wala naman siyang masamang intensyon. At hindi niya rin pipilitin ang dalaga...
Siguro ay gusto niya lang din na makipaglapit muli kay Belle kagaya noong mga bata pa lang sila sa Hacienda ng mga Luzuriaga noon. Dahil hindi niya ito nakalimutan kahit sandali simula noon...
Habang naisip naman ni Belle kung bakit kaya may mga tao talaga na gusto pa rin maging sundalo? Because she heard that soldiers died in the battlefield...
Nilingon at tiningnan niya muli si Sam. Matangkad naman ito at parang mas malaki rin nga siya para sa kaniyang edad. And Belle silently wished him good luck on the path he wants to take...
Because despite the danger, Sam still want to become a soldier.
Iyon na nga lang halos ang naging interaksyon din nilang dalawa sa mahabahaba rin sana na bakasyon. Dahil ang sumunod, Sam was already bound to leave for Baguio to enter the Philippine Military Academy there...
And Margaret already left for abroad to also study medicine and become a doctor...
(Read Kabanata 12 on Patreon and Facebook VIP Group now! To join VIP, kindly send a message of inquiry directly to Facebook account Rej Martinez or Facebook page Rej Martinez's Stories. Thank you so much for your support!)
BINABASA MO ANG
No One Else
RomanceThere are people who don't get to be with the one they love... When Belle de Leon had to marry her father's golden boy, the General Douglas de Leon's priced soldier, Captain Sam Lazaro. She also thought that she might not be able to be with the one...