Kabanata 9

197 11 0
                                    

Kabanata 9

Visit

After that first night that nothing happened between Sam and Belle, she woke up the next day na wala na rin si Sam sa kwarto niya. Hindi pa sila nakakapag-usap sa mangyayari sa kanila simula ngayon. Does she also have to move out of her father's house now? At saan naman kaya sila titira...

Belle prepared herself to go out of her room. At pagkatapos ay nakita rin niya si Sam na tumutulong pa doon sa kusina kahit pinipigilan na rin ito ng mga kasambahay nila.

"Captain..." she called him.

Bumaling naman sa kaniya si Sam nang marinig siya nito habang naglalagay naman ito ngayon ng mga pagkaing niluto niya sa kanilang dining table. Although it was just the usual breakfast, but Belle appreciated that the young Captain could also cook. Napangiti na siya nang bahagya. And then she looked back at his face again. Nagkatinginan silang dalawa.

"Uh, I already prepared your breakfast..." he told his wife.

And Belle's lips parted a bit. "How about you? Kumain ka na rin ba ng breakfast?" she asked him while she sat on the chair that he even pulled out for her. And Belle can't deny that she somehow felt special by his treatment to her...

"Hindi pa," sagot naman ni Sam.

"Oh." Belle looked at him again. "Then why don't you join me for breakfast..."

Tumango rin naman agad si Sam at naupo na rin doon. Belle couldn't help her gentle smile as she started eating breakfast with the Captain.

"Uh..."

"Yes?" Nag-angat ng tingin si Belle kay Sam dahil mukhang may sasabihin din ito.

"Uh, the way you call me..."

"Yes, Captain? Uh, I mean..."

Nagkatinginan muli silang dalawa. At unti-unti ay napangiti na lang din sa isa't isa sina Belle at Sam...

Mukhang weird nga naman that Belle still addressed him formally by his military rank now that they're already married. "I'm sorry..." she thought she had to apologize.

"No," mabilis naman na umiling sa kaniya si Sam. "It's all right..." He also gave her a small smile to reassure her.

Bahagya na rin ngumiti si Belle kay Sam. And she thought to herself that she'd probably call him by his name now...

"Uh," si Belle naman ngayon ang may nais sabihin kay Sam.

"Yes? What is it?" And Sam was also quick to respond.

"Gusto ko lang sana malaman... kung saan ba tayo titira ngayon?" she asked him.

And Sam's lips parted. Pagkatapos ay tinuon niya ang buong atensyon niya kay Belle. "I have already bought a lot... You can decide on the house..." he carefully told her.

Naging mabilisan kasi ang pagsasabi sa kaniya ni Major General Douglas De Leon na pakasalan niya ang panganay na anak nito. At bukod sa naging abala na rin agad si Sam sa paghahanda para sa kasal nila ni Belle ay nagmadali na rin siya sa pagbili ng lupa na papatayuan ng bahay nila ngayong mag-asawa na sila ni Belle...

And if only he was given enough time ay napatayuan na rin niya sana ng bahay nila ni Belle ang lupa na iyon.

"Where do you stay?" Belle asked him.

"Uh, I stay in the barracks..." Sam answered.

"Oh. Can't I stay there, too..." Belle was already seriously thinking about it...

Nanatili ang tingin nila sa isa't isa.

"You may... But it's not that comfortable there... Although I also have a residence in there..." And then now Sam's also thinking about it, too.

Pero napailing din siya pagkatapos. "It's not as nice as your mansion here..." he told Belle.

Hindi naman agad na sumagot sa kaniya si Belle. Hindi rin kasi siya sigurado kung iyon lang ba ang iniisip ni Sam o baka may iba pang dahilan kung bakit parang ayaw siya nitong isama sa pagtira nito doon sa military base nila...

At hindi pa nakatulong kay Belle ang mga sinabi rin sa kaniya ng kasambahay habang siya naman ngayon ang tumulong sa kusina pagkatapos nilang kumain ni Sam. Sinabihan niya rin itong magpahinga na lang muna at iwan na sa kanila ang trabaho sa kusina. Lumaki rin naman si Belle na may alam sa mga gawain sa bahay. Dahil tinuruan din siya mismo ng kaniyang Tita Margaret na maalam din sa mga household chores kahit pa nga may kaya rin ang kanilang pamilya. It was only Diane who was raised like a princess dahil ayaw din itong pagawin ng kahit anong trabaho ng kanilang amang si Douglas. So she only need to go to school and study.

"Sasama ka ba sa kampo nila, Ma'am?" tanong ng isang mas bata sa kanilang mga kasambahay kay Belle.

Bumaling naman sa kasambahay si Belle habang nagpupunas na sila ngayon ng mga nahugasan kaninang mga pinggan. "Uh... Hindi pa sigurado..." she just said to the maid.

"Naku!" reaksyon naman ng kasambahay at agad din hininaan ang boses niya at pabulong pa na kinausap ang amo. "Ma'am, bukod sa sundalo ay gwapo pa ang napangasawa mo, kaya dapat ay mas babantayan mo pa. Lalo na sa army base nila. Naku, ang alam ko ay may mga babaeng labas pasok din sa camp ng mga sundalo, eh. Alam mo na?" mahinang pagkausap ng kasambahay kay Belle.

Naramdaman naman ni Belle ang pag-iinit ng mukha niya sa sinabi ng kasambahay dahil hindi nga rin naman kahit niya maitatanggi na may hitsura rin at isang magandang lalaki ang napangasawa niya. Pero ano itong sinabi lang sa kaniya ngayon ng kasambahay na tungkol sa mga babaeng labas pasok raw sa base ng militar? "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Belle sa kasambahay.

Nagbuntonghininga naman ito. "Mga babae na... alam mo na... Minsan malungkot din ang mga sundalo kaya naman..." pagkikibit-balikat pa nito.

Belle's eyes widened when she think she suddenly understood the young maid. "Sigurado ka ba na ganoon nga?" Belle asked the maid curiously.

Nagkibit-balikat lang naman ang kasambahay nila kay Belle. Hindi sigurado ni Belle kung saan ng kasambahay narinig o nalaman ang ganitong impormasyon at kung may katotohanan din ba. Pero paano nga kung posible rin ito? She sighed in the end but the information couldn't anymore escape her mind.

At nang puntahan niya si Sam ay nasa phone pa ito nito at may kausap pa. So she waited for a while until he's done talking on the phone at doon na rin bumaling sa banda niya si Sam galing sa pagkakatalikod at may kausap lang kanina sa phone nito. And she couldn't help but to overthink more of who he was probably talking to on the phone now. Pero agad din naman sinagot ni Sam ang katanungan ni Belle sa utak niya.

"It was my superior," he told her.

"You have to go back to your base now?" Belle asked her husband.

Tumango naman sa kaniya si Sam.

"Uh, well, can I visit you there, too..." Nagdalawang-isip pa si Belle sa pagtatanong din nito kay Sam.

But Sam just nodded his head at her bilang pagpayag niya sa gusto ni Belle na pagbisita rin sa army base nila. "Yes, you may..." he answered her question.

Tumango naman na si Belle at napangiti pa ng maliit sa asawa niya.

At iyon na nga ang plano niya ngayon. Pupuntahan niya si Sam doon at titingnan kung ano nga ba ang ginagawa nito roon...

(Read Kabanata 20 on Patreon and Facebook VIP Group now! To join VIP, kindly send a message of inquiry directly to Facebook account Rej Martinez or Facebook page Rej Martinez's Stories. Thank you so much for your support!)

No One Else Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon