Lunch
Belle stayed in their home in Tarlac while her husband continued to live in their military base. Kahit kasal na sila at mag-asawa na ay nakatira pa rin silang dalawa sa magkaibang lugar. And Belle had no idea that her marriage life would be like this...
Although she should have already known that a man who works for the military can have a life like this just like her father. Pero maagang nawala ang kaniyang ina at bata pa siya noon kaya naman hindi niya rin gaanong nakita kung paano ang relasyon noon ng kaniyang mga magulang...
Hindi pa masasabi ni Belle na ayos na nga siya na pinakasal siya ng kaniyang ama nang maaga. Pero inisip na rin niyang kaya naman siguro niyang tanggapin na lang din itong nangyari. At siguro ay matatanggap niya rin si Captain Lazaro bilang asawa niya, dahil mukhang maayos lang din naman ang army captain. Pero ang hindi lang siguro tanggap ni Belle na kung paano kapag ganito na lang palagi ang buhay nilang mag-asawa... At ang ibig niyang sabihin ay kung hanggang kailan ba na nakatira pa rin sila sa magkaibang tirahan...
Kaya naman bored at wala rin namang masyadong ginagawa si Belle sa mansyon nila ay nagdesisyon na siyang pupuntahan si Sam sa base nila. Noong magtapos si Belle ng kaniyang pag-aaral ay sumubok din siyang makapagtrabaho noon. Naging Nurse din siya sa isang ospital pero pinatigil din si Belle ni Douglas sa pagtatrabaho dahil sinabi ng ama sa kaniya na mas makakatulong siya kung aasikasuhin na lang niya ang kanilang bahay...
"Tita Margaret!"
"Belle!" Ngumiti rin si Margaret sa pamangkin habang magkausap sila ni Belle sa isang video call.
Ilang taon na ang lumipas pero nanatili pa rin si Margaret sa ibang bansa. Nakatapos na rin siya sa pag-aaral ng medisina at naging doctor na. At isa pa ay may nakilala na rin itong lalaki at naging boyfriend habang nasa ibang bansa.
"Pasensya ka na, hija. Hindi na ako nakauwi sa kasal mo. Nagsabi naman kasi ako kay kuya na kung pwede ay hintayin ako..." Malungkot ang mukha ni Margaret.
Umiling naman si Belle sa kaniyang tiyahin. "Ayos lang po, tita. Uh, kumusta na po kayo d'yan?"
"Maayos lang ako, hija, at salamat. Ikaw? Kumusta ang buhay na ngayon may asawa?" Nakangiti si Margaret kay Belle.
Tipid lang naman na ngumiti na lang din si Belle sa kaniyang tiya. "Ayos lang po..."
Nagbuntonghininga na lang si Margaret. "Si kuya talaga... Pero mabait naman na bata si Captain Sam... Naalala ko na tumira rin siya sa atin noon, hindi ba?"
Tumango naman si Belle sa tiyahin. "Opo, tita,"
Ngumiti naman muli si Margaret. "Magiging maayos din ang lahat, Belle..." Pagkatapos ay nagbuntonghininga rin muli si Margaret sa pagsusubok na ma reassured niya rin ang pamangkin kahit papaano...
At pagkatapos ay nagkwento na rin si Belle kay Margaret. Sinabi niya sa tiyahin na nanatili pa rin siya sa bahay ng ama. At na nasa military base naman nila si Sam.
"Hindi ba't may tirahan din naman doon sa kanilang base ang Captain?" tanong ni Margaret.
"Opo, tita. Iyon nga ang sinabi niya... Pero sabi rin niya sa akin na baka hindi raw ako maging komportable roon, kaya..." Nagkibit-balikat na lang si Belle at napabuntong-hininga rin.
Habang napangiti lang naman si Margaret at nakita iyon ni Belle kaya bahagya rin kumunot ang noo niya sa tiyahin. "Belle, do you perhaps just want to be with your husband now?" nakangiting tanong ni Margaret sa pamangkin.
Bahagya naman nanlaki ang mga mata ni Belle sa tanong ng kaniyang tiya. "A-Ano po?"
Nakangiti pa rin si Margaret.
BINABASA MO ANG
No One Else
RomanceThere are people who don't get to be with the one they love... When Belle de Leon had to marry her father's golden boy, the General Douglas de Leon's priced soldier, Captain Sam Lazaro. She also thought that she might not be able to be with the one...