Prologue

2.3K 27 1
                                    


KRIZZA'S POV

Walang hanggan ako ngayong tumatakbo dito sa malawak na kagubatan. Luhaan at hindi alam kung saan pupunta.

Puro sugat na ang aking mga paa pero hindi ko yun ininda dahil ang mahalaga sa akin ay makalayo mula sa impyernong lugar na 'to.

"Ayun siya!"

Kaagad akong naalarma matapos mamataan ang ilan sa mga tauhan ni Jackson na ngayon ay pilit akong hinahabol. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo hanggang sa bigla na lamang akong nadapa. Napasigaw ako sa labis na sakit nang may bumaong kahoy sa aking kaliwang hita.

I cried in pain as I try to get hold of myself. Gustuhin ko mang tumakbo, ay hindi ko na kaya pa dahil sa sitwasyon ko ngayon. Damn!

"Ahh!" Mas lalo pang lumakas ang sigaw ko nang sinubukan kong tanggalin ang kahoy na ngayon ay nakabaon sa aking hita.

"We got her, boss."

Bigla akong pinanlamigan matapos marinig ang boses ng isa sa mga tauhan ni Jackson. Dahan-dahan akong tumingin sa paligid at duon ko napagtanto na napapalibutan na pala nila ako.

"May sugat siya, kailangan natin siyang maibalik kay boss." Saad ng isa at saka ako binuhat into a bridal style. Sinubukan kong manlaban at kumawala, pero ano nga ba ang laban ko sa kanila? Madami sila at mag-isa lang ako. Ramdam ko na rin ang panghihina ng katawan ko. Pagod na ako sa lahat ng mga nangyayari ngayon sa akin. Gusto ko nalang mamatay.

"Did you really think na matatakasan mo 'ko, hm, Krizza?" The man said using his deep, cold voice.

Siya, siya ang lalaking labis kong kinasusuklaman. Ang lalaking inakala kong magpo-protekta sa akin, ay siya pa palang magpaparanas sa akin ng mala impyernong buhay. I fucking hate him!

"Time to face your punishment, Cara."

The Governor's Obsession Where stories live. Discover now