KRIZZA'S POV"Don't leave me again dahil baka ikimatay ko na 'pag iniwan mo pa ako ulit. Ikaw at ikaw lang ang babaeng minahal ko at mamahalin ko. You're my life, my everything. So please, stay with me at ayusin natin 'to. Hindi ko kaya na wala ka, kayo ng anak natin. Te amo más que a mi vida..."
Ilang oras ko ring pinag-isipan ng mabuti ang mga sinabi kanina ni Jackson.
Sa totoo lang ay naguguluhan parin ako. Para kasing ambilis lang ng mga pangyayari. Parang nung kailan lang ay nasa probinsya pa lang kami ni Jacob. Masaya at tahimik na namumuhay– not until biglang pumasok sa eksena ang kambal ni Jackson na si Jacques. Ito mismo ang gumawa ng hakbang upang muli kaming magkaharap ni Jackson.
Alam ko, na hindi pa talaga namin totally nalinaw lahat nang mga dapat linawin. Kumbaga ay kulang pa siya sa mga paliwanag niya, at ganoon rin ako.
Ano ba talagang dapat gawin kong gawin? Should I give him another chance? Handa na ba akong mag take muli ng risks?
Andami ko na namang mga katanungan na hindi ko naman mailabas-ilabas at hanggang sa isipan ko lang. Tuloy ay para na akong mababaliw.
Mariin na lamang akong napapikit at saka humugot ng malalim na paghinga. I took a glance at the wall clock at nakitang alas-onse na rin pala ng gabi. Mahimbing nang natutulog sa tabi ko si Jacob kaya naman tumayo muna ako atsaka diretsong lumabas ng silid. Bigla nalang kasi akong nakaramdam ng uhaw kaya balak kong kumuha ng tubig sa ref.
Hindi na gaanong madilim sa may salas, hindi tulad nung nakaraan. Iisang ilaw lang ang nakabukas ay yun ay malapit sa may veranda. Sakop naman kahit papaano ng ilaw ang kalahati ng salas kaya goods na din. Confident na akong maglakad nang walang naiistorbong tao na pakalat-kalat sa sahig.
I'm on my way na sa kitchen area– nang biglang mahagip ng mga mata ko si Jackson na mahimbing na natutulog duon sa mahabang sofa na kaharap lang ng kuwartong inakupa namin ng anak ko. Basi sa posisyon niya, ay parang hindi siya komportable sa hinihigaan niya. Paano kasi'y ke-laki niyang tao, mas malaki pa siya dun sa sofa kaya kulang nalang ay bumaluktot na siya.
Ni wala man lang siyang gamit na kumot- paano kung lamukin siya o biglang ginawin? Pero teyka... Bakit ba dito siya lagi sa may salas natutulog? E may sariling kuwarto siya? For sure duon ay komportable siya kaya bakit mas pinili niya rito?
Tch. Ang hirap talagang intindihin ng trip ng lalaking 'to.
Muli akong bumalik sa kuwarto namin ni Jacob para kumuha ng extra blanket. Nang makakuha ay muli akong lumabas atsaka lumapit sa natutulog na si Jackson. Dahan-dahan ko itong kinumotan at akmang tatalikod na– nang biglang mahagpin ng mga mata ko ang cell phone na nakapatong sa may centre table. Phone 'to ni Jackson.
Wala akong balak na pakialaman yun– pero kusa namang gumalaw ang aking kamay at namalayan ko nalang na hawak ko na pala ang cell phone. The h-ck?
Mariin akong napapikit. Masamang mangealam ng gamit na hindi naman iyo– pero hindi niya naman siguro malalaman kung sakaling buksan ko 'to, 'di ba? I hope so because right now, the curiosity's killing me. Parang may gustong patunayan ang isip ko sa pamamagitan ng pagbukas ng phone na 'to.
Lakas-loob na binuksan ko ang cell phone na hawak ko at tumambad sa akin ang litrato naming dalawa ng anak ko. Nasa may kitchen area kami nito, dito sa condo ni Jackson. Nung time na 'to ay sinusubuan ko si Jacob ng pancake at hindi ko alam na kinuhanan pala kami ni Jackcon ng larawan at ginawa niya pa talagang lockscreen.
Hindi ko alam pero napangiti ako.
Walang password 'tong phone niya kaya mabilis ko ring nabuksan at duon ay nakita ko sa isang site ang mga recent searches ni Jackson.
YOU ARE READING
The Governor's Obsession
General Fiction"He was in the grip of an obsession he was powerless to resist"