KRIZZA'S POV"20 million kapalit ng pag-alis mo sa buhay ng anak ko." Seryosong usal ng ama ni Sir Jackson na si Sir Mattias.
I was caught off guard. I don't know what to react.
"Hindi kana iba sa amin, iha. Maniwala ka man o sa hindi ay itinuring kana rin naming parang tunay na anak kaya mabigat para sa amin ang desisyon na 'to." Malungkot na lumapit sa akin si Ma'am Veronica at yinakap ako.
"Hindi na namin ma-kontrol pa si Jackson. Habang tumatagal ay mas lalo lamang siyang nababaliw sayo to the point na nakakapanakit na siya ng tao and we know that wasn't right. Hindi lang ang pangalan niya ang sinisira niya kundi pati na rin mismo ang kanyang sarili." Mangiyak-ngiyak na wika ni Ma'am Veronica habang mahigpit na nakahawak sa aking mga kamay na para bang sa akin siya humuhugot ng lakas.
And there, my tears began to flow down my cheek. Ramdam na ramdam ko ang unti-unting pag bigat ng aking dibdib.
Nahihirapan ako..
"Bibigyan kita ng pagkakataon na magsimulang muli. Ikaw pati na ang pamilya mo, dadalhin ko kayo sa lugar kung saan malayo sa anak ko." Ang muling turan ni Sir Mattias habang diretsong nakatingin sa akin, puno ng kaseryosohan ang kanyang mga mata.
"Go and start packing your things."
"P-pero Ma'am-" aangal pa sana ako pero agad na akong inunahan ni Ma'am Veronica.
"Isipin mo lang na kaya namin 'to ginagawa, ay para protektahan ka mula kay Jackson. You don't love him, do you?"
That question made me stilled. Do I love him?
My brain says 'no' I don't love him, pero bakit.. kabaligtaran naman ang sinasabi ng puso ko?
Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na umiiling at sinabing.. "Hi-hindi ko po siya mahal."
"Then, its better for you to leave bago pa man makagawa si Jackson ng hakbang para mapa-sakanya ka. He's really obsessed with you and I know kayang-kaya niyang gumawa ng mga bagay na hindi mo kailanman nanaisin."
-----------------
MALALIM na ang gabi at nakahanda na ako para sa balak na pag-alis dito sa mansion.
Ilang oras ko ring pinag-isipan ang naging pag-uusap namin kanina nila Mr. And Mrs. Salcedo at ngayon ay napagtanto ko na tama nga sila. Hindi na maganda lahat ng mga pinapakita at ginagawa ni Sir Jackson. Kagabi lang ay kamuntik niya ng patayin si Ivan. Walang-awa niya itong binugbog sa harapan mismo ng mga tao na kanyang mga bisita. I don't know what's gotten into him, all I know was, hindi na tama yun. I can no longer tolerate his d-mn possessive and aggressive side.
Hindi na maatim pa ng konsensya ko na may iba pang lalaki ang masasaktan at magdudusa ng dahil lamang sa akin.
"Umalis na si Jackson. It's time for you to go." Ani Ma'am Veronica matapos niya akong sunduin sa silid ko.
Nagpatulong siya sa mga maids na dalhin ang mga gamit ko at saka kami lumabas ng mansion at nagtungo sa isang sasakyan na syang maghahatid sa akin papunta sa lugar na pagdadalhan sa akin.
"Your family's were waiting for you there. Take care, Krizza."
Matapos naming magyakapan ni Ma'am Veronica, ay kaagad na rin akong pumasok sa loob ng kotse at pagkuwan ay bumiyahe na kasama ang tatlo sa mga bodyguards ni Sir Mattias.
Hindi pa man kami tuluyang nakakalayo, ay bigla na lamang may humarang sa amin. Isang itim na kotse na pamilyar sa akin.
Lumabas mula ruon ang lalaking akala ko ay hindi ko na muling makikita pa.
"Sa tingin mo ba ay matatakasan mo 'ko, hm, Krizza?" He said dangerously na agad nagbigay kilabot sa aking buong sistema.
Hindi ko inasahan na duon na pala magsisimula ang kalbaryo ng aking buhay.
-----------------
"N-NASAAN po tayo? Bakit n'yo ako dinala rito?"
Abot-abot ang kaba ko ngayon habang pinagmamasdan ang lugar na siyang pinagdalhan sa akin ni Sir Jackson. Sobrang tahimik at halos mga punong kahoy lang ang nakikita ko. Wala ni isa mang bahay akong nakita na nakatayo sa lugar na 'to, kaya hindi ko alam kung kanino ba ako lalapit at hihingi ng tulong.
Kanina, matapos akong mahuli ni Sir Jackson ay sapilitan niya akong pinapasok sa loob ng kanyang sasakyan at mabilis iyung pinaharurot. Sinubukan ko namang manlaban ngunit balewala lang rin. Sa dami ng mga bodyguards niya ay paniguradong maabutan lang rin nila ako kung sakali mang tangkain kong tumakbo palayo.
I felt so helpless.
"Dito sa lugar na 'to, dito tayo magsisimula ng panibago, Krizza. Ikaw at ako lang." Mariing wika niya sabay hapit sa aking bewang.
Sunod-sunod akong napailing habang pilit na lumalayo mula sa kanya. I also didn't help but to cry dahil sa sarit-saring emosyon na nararamdaman ko ngayon.
"P-please Sir, iuwi nyo na po ako sa amin... A-ayaw ko po dito," pagsusumamo ko ngunit parang wala itong naririnig.
Marahas niya akong hinila palapit sa kanya at saka sinimulang amoy-amoyin ang aking leeg. Mas lalo akong napaiyak habang paulit-ulit parin na nakikiusap sa kanya pero binabalewala niya lang.
"Ikaw na mismo ang nagtulak sa akin para gawin 'to sayo, Krizza." Mariing aniya. "Hindi mo lang alam kung anong klasing pagpipigil ang ginagawa ko para lang huwag tayong umabot sa ganito but fuck!"
Bahagya akong napapikit dahil sa lakas ng sigaw niya. Puno ng galit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Binalak mong umalis, para ano, para makatakas sa akin, ha Krizza!"
Galit na galit na siya at hindi ko alam kung papaano siya pakakalmahin. Sa loob ng tatlong taon na pagtatrabaho ko bilang PA niya, ay never ko pa siyang nakitang ganito. Oo at makailang beses ko na siyang nakitang magalit, lalo pa kapag may kausap akong lalaki– but now, iba ang galit na pinapakita niya. Hindi ko maipaliwanag kung ano, basta nakakatakot siya.
"You are mine, Krizza. Nakahanda akong patayin ang sino mang susubok na ilayo ka mula sa akin." He dangerously said. "Kahit sariling mga magulang ko pa ay hindi ko sasantuhin." His jaw clenched.
Duon ay tuluyan na akong kinilabutan dahil sa kanyang mga huling sinabi.
I don't know what to do. Sobrang natatakot na ako sa kanya.
Paano ko ba siya matatakasan?
YOU ARE READING
The Governor's Obsession
Художественная проза"He was in the grip of an obsession he was powerless to resist"