Chapter 11

549 11 2
                                    


3 YEARS LATER...

KRIZZA'S POV

"Nagpapaka-busy kana naman."

Kaagad na nalipat ang atensyon ko kay Cedrick na ngayon ay nasa harapan ko na pala. As usual ay may dala na naman itong isang box ng donut na syang paboritong kainin ni Jacob.

"Matamis na naman. 'Di ba sabi ko  huwag mo nang dadalhan si Jacob nyan? Tignan mo yung ngipin no'n, may sira na." Mataray na saad ko habang naka cross-arms.

He just chuckle. "Pag-bigyan mo na. 'Yan lang naman kasi ang palaging nire-request sa akin ng anak mo."

I rolled my eyes on him at hindi na muling nagsalita pa. Gano'n parin naman, kahit ilang beses ko pa siyang pagsabihan ay hindi naman siya nakikinig dahil sadyang malambot ang puso nito pagdating kay Jacob. Isang request lang ng bata sa kanya ay agad-agad binibigay niya.

"And hey, why are you changing the topic?" Bahagyang tumaas ang kilay nito habang diretsong nakatingin sa akin. "Imbes na makipag-bonding ka sa anak mo dahil linggo ngayon- ay heto't narito ka sa loob ng opisina mo at nagpapaka-busy." Mahabang lintanya nito.

I just sighed. "Uuwi rin naman ako mamaya. Kailangan ko lang i-monitor 'tong coffee shop."

Napailing-iling na lamang ito atsaka kinuha ang inilapag niyang isang box ng donut. "Kung gano'n ay mauuna na ako sayo. Ako nalang muna ang makikipag-bonding kay Jacob habang narito ka at nagpapaka-busy." He said, a little bit disappointed.

Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto, hudyat na nakalabas na ito. Saglit akong napatitig sa pinaglabasan nitong pinto. Hindi man diretsahang sinabi sa akin ni Cedrick, ay alam ko na ang gusto niyang iparating.

Tatlong taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay narito parin yung sakit na iniwan sa akin ni Jackson. Sariwang-sariwa pa.

Matapos niya akong kidnapp-in at buntisin, ay basta niya nalang akong pinagtabuyan. Kung kelan tanggap ko na, na mahal ko siya ay saka niya sinabi sa akin na pinapalaya niya na ako?

Galit na galit ako sa kanya. Gusto kong ibalik sa kanya lahat ng sakit na idinulot niya sa akin– pero sa huli ay napag isip-isip ko na mas maiging mag pukos nalang ako sa anak namin.

Gamit ang perang naipon ko sa pagtatrabaho noon kay Jackson bilang kanyang PA, ay nakapagpatayo ako ng karinderya at nang lumago ay sunod ko namang itinayo itong coffee shop at panghuli ay ang pizza house. Oo, naipatayo ko lahat ng 'yan sa loob lamang ng tatlong taon. Sobrang hirap sa umpisa, pero dahil may pamilya ako naka-suporta sa akin ay nakayanan ko.

"Mommy!"

I was pulled back from my deep thoughts when I hear my son's voice. Kita ko ang pagkislap ng mga mata nito nang makita ako at pagkuwan ay patakbong lumapit sa akin. He then hugged me.

"I missed you po, 'my! That's why I asked daddy Cedrick to bring me here." Bagaman nakangiti, ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagdaan ng lungkot sa maamo nitong mukha.

Nag-angat ako ng tingin kay Cedrick, na agad namang nag-iwas ng tingin. Bumuntong hininga na lamang ako tsaka kinarga si Jacob at pinaupo sa aking kadungan.

"Sorry... Sobrang busy lang ni Mommy."

"It's okay po, Mommy. I understand." Anya at malapad na ngumite sa akin. Totoong ngite na.

Isang mapait na ngite ang sumupil sa aking mga labi.

Ang totoong rason kung bakit hindi ako naglalaan ng oras sakanya, ay dahil nasasaktan ako every time na nakikita ko siya. Dahil kahit saang anggulo tignan ay kamukhang-kamukha niya talaga ang daddy niya. Naaalala at naaalala ko lahat ng mga pasakit na dinanas ko sa mga kamay ni Jackson and I hate it.

"Habang bata pa si Jacob, ay mas maganda na maglaan ka ng oras para sa kanya." Puno ng ka-seryosohan na turan sa akin ni Cedrick.

What he said is true naman and so I didn't dare to argue.

"Gusto mo bang mamasyal?" Ang masuyong tanong ko sa aking anak.

Agad na kumislap ang mga mata nito, halatang nasiyahan sa kanyang narinig. "I want, 'my! Let's go na po!"

Parang may kung anong humaplos sa puso ko nang makita kung gaano ito kasaya at ka-excited.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad na rin akong tumayo at sinukbit ang aking sling bag. Ipinaubaya ko nalang muna sa mga staffs ko ang pag-aasikaso sa coffee shop.

"You heard that, Daddy? Mamamasyal po kami ni Mommy!" Ang tila'y proud na ani Jacob kay Cedrick habang papalabas kami. From my peripheral view, ay kita ko naman ang pag-ngiti ni Cedrick at saka nito bahagyang ginulo ang buhok ng anak ko.

"Just enjoy, m'kay? Huwag mong papasakitin ang ulo ng Mommy mo." Habilin nito sabay sulyap ng tingin sa akin. Tiningnan ko rin naman siya pabalik at nginitian. I mouthed 'thank you' to him and he just nod.

"Good boy po ako always." Ang tugon ni Jacob.

Dahil dala ko naman ang aking kotse, ay hindi na ako nag-abala pa na magpahatid kay Cedrick. Knowing him, sobrang busy rin ng taong yun but still manage to spend time with Jacob.

------------------

SA ARCADE ko unang dinala si Jacob. Bakas sa mga mata nito ang tuwa at saya habang naglalaro ruon. Hinayaan ko lang siya na mag-enjoy pero paminsan-minsan ay sinasabayan ko rin ito hanggang sa napunta na kami sa isang claw machine. Nasa loob niyon ang pabirito niyang stuffed toy na si stitch and so, we did everything para makuha yun mula sa loob ng machine.

"Go mommy!" Pangchi-cheer sa akin ng anak ko and after so many attempts ay finally, nakuha ko na rin.

Nakangiti ko itong iniabot sa kanya. "Here,"

"Yehey! Thank you and I love you, 'my!"

My heart melt upon hearing those words from him.

Niyakap ko siya. "I love you more, anak."

Higit isang oras rin kami ruon sa arcade at pagkatapos ay dumiretso naman kami sa toy store. Hinayaan ko siyang mamili ng mga gusto niya at nang okay na ay binayaran ko agad ito.

"Saan mo pa gustong pumunta?" Nakangiting tanong ko rito.

Saglit muna itong nag-isip hanggang sa pareho naming marinig ang pagkulo ng t'yan nito. Oh, my baby's hungry...

"Hmn, parang alam ko na kung saan, a.."

He shyly scratched his cheek. "I'm hungry.."

"Jollibee?"

And that's it. We went to Jollibee and ordered his favorite chicken joy and sundae. Sinamahan ko na rin yun ng rice and fries.

Bitbit ko na ang order namin at akma na sanang uupo duon sa inakupa naming pwesto– nang bigla ay may nahagip ang aking mga mata.

Isang lalaki na nakatayo sa labas. Madungis at mukhang.. palaboy?

Parang biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko matapos itong mamukhaan.

"Ja-jackson?..."

The Governor's Obsession Where stories live. Discover now