1 YEAR LATER...KRIZZA'S POV
Madaling araw ay nagising ako dahil sa lakas ng iyak ng anak ko. Kahit pagod at inaantok pa, ay pinilit ko ang aking sarili na bumangon at nagtungo sa crib kung saan nakalagay si Jacob, my two months old son.
"Hey, love. Mama's here na..."
Buong ingat ko itong kinarga at saka masuyong hinalikan ang matambok nitong pisngi.
"Are you hungry na ba, hmm?.." I softly whispered. He wiggled his small feet na animo'y naiintindihan ang sinasabi ko. 'Di ko naman maiwasang mapangite habang pinagmamasdan ang mala-anghel na mukha ng anak ko na habang lumalaki ay nagiging kamukha ng kaniyang ama. Pinagdarasal ko lang na sana ay huwag nitong mamana ang masamang pag-uugali ng lalaking yun.
Isang taon na rin ang nakalipas magmula nung dukutin ako ni Jackson at ikinulong dito sa lugar na kung saan siya lang ang nakakaalam. Isang beses ko lang tinangkang tumakas at magmula nun ay hindi na ako kailanman sumubok pa. Masyado akong na-trauma sa parusang iginawad nito sa akin na ngayon nga ay nagbunga. Noong una'y hirap akong tanggapin na magkaka-anak ako sa isang demonyo. I admit na marami akong ginawa para lang maalis sa sinapupunan ko si Jacob, and every time na ginagawa ko yun ay nagagalit sa akin si Jackson na umabot pa sa puntong pinagbantaan niya ako na papatayin niya ang pamilya ko sa oras na may hindi magandang mangyari sa anak niya na noon ay pinagbubuntis ko palang.
But everything changed nung nakita at nahawakan ko na ang anak ko. The first time I saw him, I fell in love instantly. Dahil sa anak ko kaya ako nagkaroon muli ng lakas ng loob para lumaban at magpakatatag. He's my strength and my everything.
"Where's my son?"
Abala ako sa pagpapatulog kay Jacob nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto kung nasaan kami at pumasok mula ruon si Jackson. He looks so stressed and tired.
"Hey there, my little man.." his face lit up the moment he saw his son na noon ay mahimbing na natutulog sa aking bisig. He gently kissed his forehead saka ito tumingin sa akin.
"Continue your sleep, ako na ang bahala sa kanya," anya sa mahinang boses.
Walang kaemo-emosyon na ipinasa ko sa kanya si Jacob tsaka ako lumakad pabalik ng higaan.
I hear him sighed. "Kriz-"
"Matutulog na 'ko." Malamig kong turan sabay talukbong ng kumot.
Nito ko lang napagtanto na kahit ano pang gawin ni Jackson, na kahit pakitaan niya man ako ng kabutihan- ay hindi kailanman mahuhulog ang aking loob sa kanya.
Habang-buhay ko siyang kamumuhian.
----------------
KINABUKASAN ay maaga akong nagising at ang una kong hinanap ay si Jacob. Una kong tiningnan ang crib nito at nakitang wala ito ruon. I instantly get panicked at kaagad na lumabas ng kuwarto. Halos tumakbo na ako habang pababa ng hagdan sa sobrang taranta at pagmamadali.
"Manang, nakita n'yo ho ba si Jacob?" I asked manang Nelsa matapos ko itong makasalubong sa may salas.
"Nasa garden at pinapaarawan ni Sir Jackson."
Nagpasalamat lang ako rito at pagkuwan ay dali-daling nagtungo sa may garden kung saan duon ay naabutan ko si Jackson na masayang nilalaro ang anak ko.
Parang may kung anong humaplos sa aking puso habang pinagmamasdan ang tagpong yun– na 'agad ko ring ipinagsawalang bahala. Hindi, hindi dapat ako magpakita ng ano mang kahinaan dahil paniguradong gagamitin uli yun ni Jackson laban sa akin.
I'm just protecting myself from that demon.
"I think he's hungry,"
Agad na napadapo ang mga mata ko kay Jackson na ngayon ay nasa harapan ko na pala. Hindi ko namalayan ang paglapit nito sa akin dala ng pag-iisip.
Wala pang isang segundo magmula nung nagtagpo ang aming mga mata- ay agaran na akong nagbawi ng tingin at mas piniling pagtuunan ng pansin ang noo'y umiiyak na si Jacob. Tahimik ko lang itong kinuha mula sa kanya at saka dumiretso papasok ng kabahayan.
Umakyat ako at nagtungo sa aming kuwarto. Pagkapasok, ay buong ingat kong inilapag si Jacob sa ibabaw ng kama tsaka chineck ang diaper nito. He pooped.
"Wait lang anak, lilinisan ka muna ni Mama bago padedehin, hm?" Ani ko sa malambing na boses. Lumalakas na kasi ang iyak nito, halatang nagugutom na rin.
I cleaned his butt using his baby wipes at pagtapos ay muli itong sinuutan ng diaper. Pinalitan ko na rin ito ng damit at nilagyan ng baby powder.
"Ayan, mabango na ulit ang baby ko! Pa-kiss nga si Mama,"
Puno ng gigil na pinudpod ko ito ng halik. Rinig ko ang mumunting pagtawa nito na animo musika sa aking pandinig.
My little angel...
"You look so happy."
Mula sa pakikipag-kulitan kay Jacob, ay agad na nabaling ang aking atensyon sa lalaking ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa aming mag-ina.
Magmula nung ipinanganak ko si Jacob, ay halos araw-araw ko nang nakikita ang mga ngiti ni Jackson, malayong-malayo sa dating cold and strict aura nito. Oo, inaamin ko na mas lalo siyang guma-gwapo kapag nakangiti. Hindi ko siya pinupuri. I'm just stating the obvious. Period.
"Lumabas kana muna, padededehin ko lang 'tong anak ko-" he cut me off.
"Really, Krizza? Anak MO lang?" bakas sa kanyang boses ang pagka-inis.
Palihim ko siyang inirapan. "Oo, anak KO lang dahil ako lang naman ang nagdala sa kanya ng siyam ba buwan."
Bigla ay ngumise ito kaya agad ko siyang tinaasan ng kilay. "What?"
Dahan-dahan itong humakbang palapit sa akin na agaran kong ikinaatras. D-mn! Ano ba'ng trip ng mokong na 'to?!
"D-don't you dare come near me." May pagbabantang saad ko, pero imbes na makinig ay mas lalo pa itong humakbang papalapit sa akin. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko mula sa aking likuran ang pader. Shit!
He cornered me. "Ipapaalala ko lang sa'yo, na hindi mabubuo si Jacob kung wala ako so technically, he is also my son. Anak natin siya, Krizza." He said using his deep, baritone voice.
YOU ARE READING
The Governor's Obsession
Художественная проза"He was in the grip of an obsession he was powerless to resist"