Chapter 2

752 19 0
                                    


KRIZZA'S POV

"What if, obsessed na pala sayo yung Gov na yun?"

"Seriously, Keilee? Huwag ka ngang patawa," I lowly chuckle sabay tungga ng beer na kanina ko pa hawak.

Narito kami ngayon sa isang bar to celebrate one of our friend's birthday at sakto dahil day-off ko rin naman kinabukasan kaya malaya akong mag enjoy ngayong gabi na walang iniisip na trabaho.

"Base sa mga kwento mo, ay masasabi ko rin na baka obsessed nga sayo si Gov." Segunda naman ni Jessa, the birthday girl.

"See? Kahit sino pang pag-kwentohan mo, ay paniguradong ganun din ang sasabihin." Keilee scoffed. "Isa sa pinaka hot at pinaka gwapo na gobernor ay obsess sa best fri-" I immediately shut her off by covering her mouth. Apaka daldal kasi, mahirap na't baka may makarinig pa dito sa amin, specially yung mga fan girls ni Sir Jackson na baliw na baliw sa kanya. Baka bigla pa kaming dumugin dahil sa mga pinagsasabi nitong dalawa kong kaibigan.

"Masyado mo namang kina-career 'yang pagihing manhid mo teh!" Ang natatawang usal ni Yuan, the only gay in our group.

I just rolled my eyes on them at hindi na muling nagsalita pa. Nag fucosed na lamang ako sa pag-inom, hoping na makalimutan ko, kahit ngayong gabi lang si Sir Jackson. Magmula kasi nung narinig ko siya sa may banyo, na tinatawag niya yung pangalan ko habang ginagawa yung alam nyo na– ay hindi na muling natahimik pa itong isipan ko.

I did try to distance myself from him pero nagagalit siya.

Damn. I don't know what to do anymore!

"CR lang muna ako." Paalam ko sa mga kaibigan ko at kaagad na tumayo. Kamuntikan pa nga akong ma-out of balance, pero mabuti nalang at naging maagap si Yuan at agad niya akong nasalo bago pa man ako tuluyang matumba.

"Jusq naman, ateng! Ingat-ingat naman 'pag may time." Eksahaderang tili nito na may kasamang pag-irap.

Napailing na lamang ako at saka lumakad na papuntang banyo.

"Samahan na-"

"I can manage, Kei." Pigil ko kay Keilee na akma na sanang tatayo para samahan ako.

Dahil nga medyo nakainom na ako, ay pasuray-suray na ako habang naglalakad pero kaya ko pa naman.

Sa gitna ng dancefloor kung saan maraming nagsasayawan ay pilit akong nakipagsiksikan para lang makadaan.

"Oh, you look so hot." Ang malanding turan ng lalaking nadaanan ko. Basing from his appearance ay masasabi kong may lahi ito. Tsk. Alam ko na mga galawan nito e.

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad– pero agad rin akong napatigil matapos maramdaman ang kamay nito na ngayon ay nasa may pwetan ko.

"Hey!" I tried pushing him pero hindi man lang natinag ang pisting 'to, bagkus ay marahas niya pa akong hinila at idiniin sa kanya and that's when I felt his hard 'thing' down there. Damn this horny guy!

He started kissing my neck like a hungry lion whilst his hand was travelling all over my body. Nakakadiri!

Bago ko pa man ito muling maitulak– ay bigla na lamang itong bumulagta sa sahig na syang ikinagulat ko- pero mas nagulat ako matapos makita si Sir Jackson.

"Sir!"

"I will fucking kill you for touching what's mine!" Galit na sigaw nito at saka walang awang pinagsusuntok ang lalaki na kanina lang ay nangha-harassed sa'kin.

Dahil dun ay nakahatak na kami ng atensyon at mas lalo pang dumami ang mga taong naki-usyoso matapos malamang nandirito si Gov and worst ay may binubogbog ito.

Andaming mga na intrega habang yung iba ay kanya-kanyang kuha na ng kanilang mga selpon at nag video. Yung iba ay mga babae na tila kinikilig pa habang tinitignan si Sir na may binubogbog. Damn them! Akala bila ay nasa action drama sila? Tsk!

"S-sir please, t-tama na po yan." Pakiusap ko pero parang wala itong naririnig, bagkus ay malakas niya pang sinipa iyung lalaki na ngayon ay naliligo na sa sarili nitong dugo habang naghahabol ng hininga.

Baka makapatay pa siya ng dahil sa akin, natatakot ako.

Laking pasasalamat ko matapos mamataan ang ilan sa mga bodyguards ni Sir Jackson na ngayon ay palapit sa aming gawi. Agad nila kaming pinalibutan at pagkuwan  ay inalalayan sa pag labas.

"Akin ka lang, Krizza. Papatayin ko ang sino mang lalaking magtatangkang kunin ka mula sa akin. Remember that." Mariing bulong sa akin ni Sir Jackson nang makapasok kami sa loob ng kanyang sasakyan at saka mabilis na pinaharurot.

Hindi agad ako nakaimik pero ramdam ko ang takot na unti-unting bumabalot sa aking sistema.

"What if, obsessed na pala sayo yung Gov na yun?"

Muli kong naalala ang mga sinabi kanina ni Keilee na siyang mas lalong nagpadagdag ng takot ko.

Hindi na 'to tama.

The Governor's Obsession Where stories live. Discover now