Chapter 3

737 17 0
                                    


KRIZZA'S POV

"Hindi kana ba talaga nag-iisip! Nilalagay mo sa kahihiyan 'tong pamilyang 'to!" Galit na sigaw ni Sir Mattias, ang ama ni Sir Jackson.

Kalat na kalat na ngayon ang mga larawan at video na kuha kagabi sa loob ng bar kung saan makikita si Sir Jackson na binubogbog ang bastos na lalaki. Ayon sa report na natanggap namin kanina ay kritikal daw ngayon ang lagay ng lalaki dahil sa dami ng suntok at sipa na natamo nito.

Pasimple kong tinignan si Sir Jackson at napagtanto ko na kanina pa pala ito nakatingin sa akin dahil 'agad na nagsalubong ang aming mga mata. Kita ko ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin– or baka guni-guni ko lang?

Wala sa sarili akong napailing dahil sa naisip. Epekto na siguro to ng kulang sa tulog, kung ano-ano na naiimagine ko. Tsk.

Ako na mismo ang unang nag-iwas ng tingin.

"Baka nakakalimutan mo, you are a public figure and so it is important to maintain your good image as the governor." Mariing wika ni Sir Mattias habang nakaduro kay Sir Jackson na nuon ay prenteng naka upo lang at tila walang pakialam sa lahat ng sinasabi ng kaniyang ama.

"Nalalapit na ang eleksyon at gusto kong ayusin mo kaagad itong gulong pinasok mo dahil maaari itong maka-apekto sa ating pangangampanya." Ang huling sabi ni Sir Mattias bago ito lumabas ng office room ni Sir Jackson.

Bago tuluyang umalis, ay tinapunan pa ako nito ng tingin na agad ko namang ikinayuko. I know that he's blaming me kung bakit nasangkot ngayon sa gulo ang kanyang anak. Hindi niya lang ako magawang pagsalitaan sa kadahilanang pinagbantaan siya ni Sir Jackson na magkakaroon ng gulo oras na pagalitan ako nito.

Nakakatakot na talaga si Sir Jackson, miski sarili niyang ama ay nagagawa niyang pagbantaan dahil lamang sa akin.

"Come here, Krizza."

Agad akong napatingin kay Sir Jackson matapos ako nitong tawagin. He motioned me to go to him, pero nagdadalawang isip ako. Magpa hanggang ngayon kasi ay sariwa pa sa isipan ko ang mga huli niyang sinabi sa akin kagabi na nagbigay kilabot sa buo kong sistema.

"Krizza Denise."

I slightly flinched upon hearing his deep, baritone voice. Ni hindi ko magawang tumingin sa kanya ngayon ng diretso dahil sa kakaibang tibok ng puso ko. Totoong natatakot ako.

"You know I hate waiting, right?" He coldly said kaya agad-agad ay humakbang na ako palapit sa kanya at nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

He grab my arm and made me sit on his lap. D-mn!

"T-teka lang po Sir-" akma na sana akong tatayo ngunit mabilis niya akong napigilan. Ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa aking noo kahit na naka on naman ang aircon.

Sinimulan niyang amuyin ang leeg ko pataas sa aking tenga at agad na nagsitaasan lahat ng mga balahibo ko matapos maramdaman ang mainit niyang hininga.

"Damn. I really love your smell, baby. It makes me calm." He said through husky tone. I tried to get away from him but he's not letting me.

"Sir.."

"Always remember that you are mine and I couldn't wait to marry you, love."

Bigla akong natuod dahil sa narinig ko mula sa kanya.

Mga ilang segundo rin akong hindi nakaimik sa kadahilanang pino-proseso ko pa sa utak ko ang mga salitang malinaw kong narinig mula sa kanya.

"Kriz-" he was cut off by a sudden phone call na mula mismo sa kanyang cell phone. I heard him 'tsked' in annoyance bago kinuha ang phone niya na nasa ibabaw ng mesa. Dali-dali naman akong tumayo at dumistansya to give him privacy.

"D-duon lang po muna ako sa baba." Paalam ko at kaagad na tumalikod at akma na sanang bubuksan ang pinto– nang muli itong magsalita na syang ikinatigil ko.

"I'll give you some time to think, but remember.. I won't take no for an answer. Papakasalan kita sa ayaw mo man o sa gusto."

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko kasabay ng paghigpit ng hawak ko sa doorknob.

Walang sali-salitang lumabas ako ng kanyang office room at kaagad na dumiretso sa aking kwarto. I immediately locked the door the moment I entered.

That damn governor was really out his mind! May balak siyang pakasalan ako? Ako na isang simpleng babae lag at kung tutuusin ay wala pa nga ako sa kalingkingan ng mga babaeng patay na patay sa kanya, na yung iba pa ay galing sa mayaman at kilalang pamilya.

So, bakit ako? Bakit kailangang ako pa? Out of all those girls whose more willing to throw themselves to him– why it has to be me?

D-mn you, Gov! Binabaliw mo na ako!

"Krizza? Halikana't bumaba, kakain na tayo."

I heard a few knocks outside my door at boses ni yaya Meling ang aking narinig. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na busog pa ako at mamaya nalang ako kakain– ang kaso ay bigla namang tumunog 'tong tyan ko hudyat na gutom na at nagtatawag na ng pagkain.

Napa buntong hininga na lamang ako. "Sige po, Ya, susunod na po ako."

"Sige iha. Hihintayin ka namin dun sa baba."

Nang marinig ko ang mga yabag ni yaya Meling paalis, ay saka pa lamang ako tumayo at inayos ang aking sarili. Maayos kong itinali ang aking buhok saka nag lagay ng kaunting pulbos sa mukha. Nang makontento na ako sa ayos ko ay kaagad na rin akong bumaba at nagtungo sa may kusina kung saan naghihintay sa akin sina yaya Meling.

"Alam nyo ba ang chismis? Ikakasal na raw si sir Jackson at si ma'am Fayrah."

"Si ma'am Fayrah, yung anak ni Congressman Antonio?"

"Siya nga! Bagay naman sila 'di ba?"

Bigla akong natigilan matapos marinig ang pag-uusap ng ilang mga kasambahay dito sa mansion. Ramdam ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko sa hindi malamang kadahilanan.

Ikakasal na si Sir Jackson?

The Governor's Obsession Where stories live. Discover now