KRIZZA'S POVHabang kumakain kami ng aming hapunan ay biglang tumawag si Nanay at pinaalam sa amin na nagising na si Tatay kaya naman dali-dali kaming nagtungo sa hospital ni Jackson kung saan ito naka-confine.
Tulog parin si Jacob nang umalis kami kaya hinabilin ko muna ito kay Krizzel. Kasama nitong naiwan sa bahay ang lalaking kanina lang ay nagpakilalang 'asawa' niya raw.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na may asawa na pala ang nag-iisang kapatid ko na yun. Marami akong mga katanungan sa kanilang dalawa 'gaya ng kung paano sila nagkakilala? At kung bakit sila agad-agad na nagpakasal gayong ang bata pa ng kapatid ko. Siguro nagmamahalan talaga silang dalawa pero kasi, alam ko kung gaano kataas ang pangarap ng kapatid ko at never-ever niyang nabanggit sa akin ang tungkol sa pag-aasawa. These whole thing shocked me pero wala naman akong magawa kundi ang intindihin nalang ang kapatid ko.
"Sir Jackson?! Ano po'ng ginagawa nyo rito?"
Gulat na gulat si Nanay matapos makitang kasama ko si Jackson. Kilala na kasi nito noon pa man ang lalaki dahil nga naging boss ko ito. Alam ng pamilya ko na nagta-trabaho ako bilang PA ng isang gobernador dun sa maynila. Sikat na sikat noon si Jackson kaya madalas itong lumalabas sa telebisyon kahit hindi naman ito artista.
"Akala ko ba ay matagal kanang hindi nagta-trabaho sa kanya, anak?" Biglang naging mahinahon ang boses ni Nanay, marahil ay nakabawi na ito mula sa pagkagulat.
Lihim naman akong napakagat labi tsaka pasimpleng tinapunan ng tingin si Jackson na ngayon ay prenteng nakatayo sa may pinto nitong hospital room ni Tatay. Halata sa kaniyang mukha na hindi niya alam ang gagawin- either papasok ba siya rito sa loob para harapin si nanay, o kung hihintayin niya nalang ba ako sa labas.
Lihim na lamang akong napabuntong hininga bago muling hinarap si Nanay.
"S-sasabihin ko po sa inyo ang lahat, pero hindi 'ho muna sa ngayon dahil hindi pa tuluyang magaling si Itay." Kagat-labing turan ko sabay napa-iwas ng tingin.
"Hindi ko alam kung saang parte kami nagkulang ng ama n'yo. Bakit n'yo kami kailangang paglihiman na parang ibang tao kami sa inyo ng kapatid mo." Bakas sa tono ng boses ni Inay ang pagka-dismaya na may bahid nang pagtatampo, tsaka ako nito tinalikuran para lapitan ang natutulog na si Itay.
Yes, I admit. Guilty ako dahil hindi ko man lang magawang i-kwento sa kanila ang tungkol sa mga nangyayari sa akin noon.
Higit isang taon rin akong walang paramdam noon sa kanila at yun yung mga panahong ikinulong ako ni Jackson sa lugar na hindi ko naman alam kung saan. Walang cell phone kaya hindi alam kung papaano sila kokontakin. Basta na lamang akong naglaho na parang bula atsaka biglang lumitaw rin after kong magpakita sa kanila bitbit ang noo'y dalawang buwan pa lamang na si Jacob.
Ni wala akong narinig na ano mang mga panghuhusga mula sa pamilya ko, bagkus ay malugod nila akong tinanggap at tinulungang maka-ahon. Though, minsan ay ramdam ko na gustong-gusto na nila akong tanungin at alamin lahat ng mga nangyari sa akin pero, mas pinili nilang intindihin ako at hintayin kung kelan ako magiging handa para ipaalam sa kanila lahat-lahat nang mga pangyayari sa aking buhay.
"I'm sorry..."
Mula sa malalim na pag-iisip, ay bigla akong napatingin kay Jackson. Tama ba ang narinig ko? Nag-so-sorry siya?
Dahil mas matangkad siya sa akin ay kailangan ko pa tuloy siyang tingalain para lang makita ang mukha nito. Ang kaniyang mga mata ay puno ng mga emosyon, mga matang noon ay walang kaemo-emosyon bukod sa palaging seryoso.
"Alam kong sobrang laki ng mga naging kasalanan ko sa'yo, that's why I felt sorry for everything..." Aniya sa paos na boses at saka masuyong hinaplos ang aking pisngi. Natulala na lamang ako at hindi agad nakaimik.
Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin. "Pangako, babawi ako. Babawi ako sa'yo at sa anak natin. Hindi ko sasayangin itong pagkakataon na binibigay mo sa akin. I love you, Krizza."
Ramdam ko ang senseridad sa bawat salitang binibigkas niya. Tunay na nakakataba ng puso na marinig yun mula sa kaniya. Si Jackson na kilala bilang 'man of few words', ay ngayon heto't halos araw-araw akong binubusog ng mga salita na alam kong mula sa kaniyang puso.
Teary-eyed na yinakap ko siya ngunit, sa hindi inaasahan ay bigla ko nalang namataan ang pigura ng isang lalaki na noon ay nakatayo ilang metro lang ang layo mula sa amin ni Jackson. Ang tuwang nararamdaman ko sa mga oras na ito- ay agad naglaho at napalitan ng kaba at takot nang bigla itong ngumisi. A creepy smirked.
"C-cedrick..."
YOU ARE READING
The Governor's Obsession
General Fiction"He was in the grip of an obsession he was powerless to resist"