Chapter 23

725 17 7
                                    


KRIZZA'S POV

"Nasaan siya?"

"H-hindi ko alam, basta nakita ko siya at sigurado ako dun. Si Cedrick talaga yung nahagip ng mga mata ko."

Kita ko kung paano umigting ang panga ni Jackson habang ako naman ay halos hindi na mapakali dahil sa takot na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Natatakot ako para sa seguridad ng pamilya ko. Kung yung Tatay ko nga ay nagawang saktan ng gagong Cedrick na yun– paano nalang kaya sina Nanay at Krizzel? Baka sila naman ang sunod na mapahamak at yun ang hindi ko hahayaang mangyari.

Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa akin ang biglaang pagbabago ni Cedrick. Nakilala ko siya bilang isang mabait, mapagmahal at higit sa lahat ay may respeto hindi lamang sa akin kundi pati na rin sa pamilya ko. Sa loob ng ilang taon ay alam kong itinuring niya na rin na parang sarili niyang mga magulang ang magulang ko at ganoon rin naman ang mga ito sa kanya. I witnessed how my parents treated him, like their own son. Minahal at tinanggap namin si Cedrick sa pamilya namin ngunit heto lang ang igaganti niya? How dare him!

"Don't worry, I will do everything para protektahan kayo mula sa gagong lalaking yun. Bukas na bukas rin ay mag-ha-hire ako ng mga tauhan na magbabantay sa Itay mo habang narito pa siya sa hospital. Sisiguraduhin ko rin na hinding-hindi kana kailanman malalapitan pa ng gagong yun." Seryosong turan ni Jackson tsaka niya ako hinila para yakapin and there, I feel safe. Kahit papaano ay naibsan ang takot na kanina'y naramdaman ko dahil lamang sa simpleng yakap ni Jackson.

Bandang alas-otso ng gabi ay nagpaalam na kami kay Nanay na uuwi na dahil baka hinahanap na rin kami ni Jacob. Nangako naman ako na babalik kami rito kinabukasan para muling dalawin si Itay.

Bago umalis ay hinabilin ko kay Nanay na tawagan agad kami oras na may mangyaring hindi maganda habang narito sila sa hospital.

"Where have you been po?" Ang paunang bungad ni Jacob nang makauwi kami ni Jackson sa bahay.

Hindi nga pala nito alam na umalis kami ng ama niya dahil nga tulog ito noong umalis kami kanina.

"We just visited your Papa-Lo sa hospital." Ako na ang sumagot.

"What happened po ba kay Papa-Lo, is he sick?" Ramdam ko ang pag-aalala sa boses ng anak ko kaya naman agad ko siyang nginitian to show him na everything is fine. Na magiging okay lang ang Papa-Lo niya.

"Your Papa-Lo is a fighter. I'm sure na gagaling din siya kaagad so you don't have to worry, okay?" Pang-a-assure ni Jackson sa anak tsaka ito lumuhod upang magpantay silang dalawa. Kahit papaano ay napangiti naman si Jacob at agad na nagpabuhat sa kanyang ama. Mahina namang natawa si Jackson at mabilis na binuhat ang anak.

"Wait, nasaan pala ang Tita Krizzel mo?" Tanong ko matapos mapansing wala dito sa may salas ang kapatid kong yun. Baka tulog na?

"She's in her room po with Tito Liam. Magkasama po kaming tatlo dun kanina and we watched cartoons." Ang nakangiting tugon ng anak ko.

"Pero bakit nandito ka sa salas?"

"I went down po kasi narinig ko yung boses nyo ni daddy."

Napatango-tango na lamang ako at hindi na muling nagtanong pa. Sabay na kaming tatlo na umakyat sa taas at dumiretso sa aking kuwarto para duon magpahinga. Sakto't nakaramdam na rin ako ng pagod at antok.

Mabuti nalang at napag half-bath at napakain na ni Krizzel si Jacob kaya wala na akong dapat pang isipin. Kailangan ko nalang ay magpalit ng damit na pantulog nang sa ganon ay makapag-pahinga na ako.

"Goodnight, hun. I love you." Ang rinig kong bulong sa akin ni Jackson. I am not sure kung totoo ba talagang narinig ko yun sa kanya o baka guni-guni ko lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Governor's Obsession Where stories live. Discover now