KRIZZA'S POV"Ate!"
Papalapit palang ako sa aming bahay nang salubungin ako ng bunso kong kapatid na si Krizzel. Kaagad itong yumakap sa akin at kalaunan ay nagsimula nang umiyak hanggang sa humagulgol na.
"Tita Zel, why r'u crying?" Ang inosenteng tanong ng anak ko na ngayon ay karga-karga ng kaniyang ama. Oo, kasama namin si Jackson nang umuwi kami rito sa probinsya. Ayoko sana siyang isama dahil hindi pa ako handa sa kung ano mang sasabihin sa kaniya ng pamilya ko, lalo pa ngayon na magulo pa.
But, masyado siyang mapilit at binigyan niya pa talaga ako ng kondisyon- its either hindi niya kami papayagan ni Jacob na umuwi or... Aalis kami na kasama siya, kaya, wala akong choice kun'di ang hayaan nalang siyang sumama sa amin ng anak ko. Natatakot yata siya na baka hindi na kami bumalik pa dun sa maynila kaya hayan.
"Si Tatay, nasa'n siya?" Ang agad na tanong ko kay Zel nang medyo kumalma na ito.
Pinapasok ko muna sa loob ang mag-ama habang kami naman ng kapatid ko ay nagpa-iwan rito sa labas.
"N-nasa hospital ngayon si Tatay. Kritikal ang lagay niya dahil sa dami ng mga pasa na natamo niya sa kamay ng gag-ong Cedrick na yun!" Kitang-kita ko ang pagdaan ng matinding galit sa mga mata nito matapos banggitin ang pangalan ni Cedrick, ang taong akala ko ay totoong kaibigan. Ang taong naging sandigan ko rin sa loob ng tatlong taon, ang taong akala ko ay magpo-protekta sa amin- ngunit mali ako dahil siya pa pala gagawa nito sa amin. Wala siyang puso!
"M-matagal na palang may gusto sa 'yo ang psychopath na yun kung kaya't nagalit siya nung nalaman niyang nagpunta kayo ng maynila kasama ang kambal ni kuya Jackson." Ang muli ay turan ni Krizzel. Halos hindi ako makapaniwala sa narinig. Si Cedrick? May gusto sa'kin? Bakit hindi man lang siya umamin, ni hindi niya rin naman pinapakita sa mga kilos niya na may malalim siyang pagkakagusto sa akin? Or baka naman kasi naging manhid lang talaga ako.
Mariin akong napapikit. Kahit ano pa man yun, ay mali parin na sinaktan niya ang ama ko, at dahil dun ay hinding-hindi ko siya mapapatawad.
"Pumunta tayo ngayon sa ospital. Gusto kong makita si Tatay." Ani ko at saka tumayo. Sumunod naman agad sa akin si Krizzel.
"Mommy, Tita Zel, Where are you going po?"
Paalis na sana kami ni Krizzel– nang bigla naming marinig ang boses ng anak ko. Naruon ito sa may pinto ng aming bahay, nakatayo habang nasa likuran nito ang ama na ngayon ay salubong ang mga kilay na nakatitig sa akin. Mariin na lamang akong napakagat labi at pagkuwan ay bumuntong hininga.
Hindi pa talaga ako handa na iharap si Jackson sa mga magulang ko. Ano na lamang kaya ang magiging reaksyon ng mga ito oras na malaman nila na ang dati kong boss-slash governor ay siya palang ama ng anak ko?
"Krizza?"
Akma ko palang sanang lalapitan ang mag-ama ko– nang bigla akong matigilan matapos marinig ang boses na tumawag sa aking pangalan. Dahan-dahan ko itong hinarap at tumambad sa akin ang nakangising mukha ni Cedrick. Ngising nagbibigay kilabot sa aking sistema.
"Mabuti naman at nagbalik kana, mahal ko..." Humakbang ito palapit sa akin– na agad kong ikinaatras. Nakakatakot siyang pagmasdan ngayon. Ang layo niya sa dating Cedrick, yung Cedrick na mabait, masayahin at palaging positive sa buhay. What happened to him?
"Ang lakas ng loob mong magpakita rito, dem-nyo ka!" Galit na sinugod ni Krizzel si Cedrick at pinaghahampas ito sa dibdib- na agad namang pinigilan ng lalaki sa pamamagitan ng paghawak nito sa mga kamay ng kapatid ko at walang kahirap-hirap niya itong itinulak na syang labis kong kinagulat. Dali-dali kong dinaluhan si Krizzel at matalim na tinignan si Cedrick.
"Manahimik kang babae ka! Kita mo 'tong mga pasa ko, ha?! Kakagagawan 'to ng gago mong asawa! Ang walang hiyang doctor na yun, may araw rin yun sa'kin!" Puno ng galit na sigaw ni Cedrick habang nakaturo sa kanyang mukha na puro pasa. Ni hindi man lang nito alintana ang matatalim kong tingin sa kanya.
But, wait? Anong asawa? Si Krizzel? May asawa? Doctor? Baliw na talaga ang lalaking 'to! Kung ano-ano nang mga pinagsasasabi!
Hindi na ako nakatiis at nilapitan ko ito at malakas na sinampal. "Umalis kana bago ko pa maisipang ipakaladkad ka sa mga pulis!"
Imbes na matakot, ay ngumise lamang ito. "Really, Krizza? Bakit antapang mo naman ata ngayon-" akma niya na sana akong hahawakan– nang pigilan siya ng isang matangkad na lalaki na ngayon ay nasa likuran niya na.
"Try to touch my wife and I will fucking kill you, asshole."
Kulang nalang ay magtaasan lahat ng mga balahibo ko sa katawan dahil sa lamig ng boses ni Jackson.
"Kaya pala ang lakas ng loob mo dahil nandito pala ang gag-ng ama ng anak mo. Wow, just wow, Krizza! Ano, magpapakatanga kana naman ba sa lalaking 'to, ha?! Baka nakakalimutan mo ang ginawa niya nun sa-"
Hindi na natapos pa ni Cedrick ang kaniyang mga sasabihin– nang bigla siyang suntukin ni Jackson dahilan para bumagsak ito sa sahig. Sa lakas ng suntok sa kaniya, ay halos pumutok na ang labi nito pero tila balewala lamang yun sa kaniya dahil ang hudyo ay nagawa pang ngisihan si Jackson, ngising tila ba nang-aasar.
"Is that all you got? Tsk. Parehas lang kayo ng gag-ng doctor na yun, ang hihina nyo sumuntok!"
Kita ko ang pag-igting ng panga ni Jackson at akma na sanang susugurin muli si Cedrick ngunit, sa hindi inaasahan ay biglang may pumagitna rito na isang batang lalaki. Ang anak namin, si Jacob.
"Don't hurt my daddy Cedrick!"
In just a blink of an eye, I found my son hugging his 'daddy Cedrick' na para bang pino-protektahan niya ito mula kay Jackson. Basi sa inosenteng mukha ng paslit, ay para na itong maiiyak.
"Bad ka, daddy. Sinaktan mo ang unang daddy ko." At duon na ito tuluyang napaiyak kaya dali-dali ko itong dinaluhan. Sinubukan ko siyang kuhanin mula kay Cedrick pero mas lalo lang itong nagsumiksik sa lalaki na parang walang balak bumitiw.
Nilingon ko si Jackson at kita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito habang nakatingin sa anak namin. Harap-harapan lang namang ipinamukha sa kaniya ng anak niya na hindi lang siya ang nag-iisang daddy nito dahil para kay Jacob, ay daddy rin nito si Cedrick. Hindi ko naman masisisi ang anak ko dahil for three years ay si Cedrick na ang kinagisnan niyang ama. Noong mga time na nagpapaka-busy ako sa negosyo ko ay tanging si Cedrick lang ang naging kasa-kasama nito.
Kung tutuusin ay mas close pa nga silang dalawa keysa sa aming mag-ina and I knew that it was my fault at inaamin ko yun. Malaki rin ang nagiging pagkukulang ko sa anak ko kaya ngayon ay ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para makabawi sa kaniya by giving him a complete family. Ako, siya at si Jackson. Kaming tatlo.
"He almost k-lled me, buddy, so you should be mad at him."
Agad naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabing yun ni Cedrick. Tinuturan niya ang anak ko na magalit sa sarili nitong ama! Anong karapatan niya?!
"Dalhin mo muna ang anak ko sa loob ng bahay at huwag mo siyang palalabasin hanggat hindi ko sinasabi." Ang walang kaemo-emosyon na utos ni Jackson kay Krizzel. Agad namang tumalima ang kapatid ko at nilapitan nito si Jacob na ngayon ay humihikbi na.
"Come ka muna kay Tita Zel, okay? Maraming biniling toys sa'yo si Tito Liam mo, gusto mo makita?" Kausap nito kay Jacob sa mahinahong tinig.
Agad tumango ang anak ko. "B-but, I don't want to leave daddy Cedrick. Baka i-hurt siya ni daddy..."
"He won't. So, tara?"
May pag-aalangan man sa mukha ng anak ko, ay wala na rin itong nagawa kun'di sumama kay Tita Krizzel niya. 'Gaya ng inutos ni Jackson ay dinala nga ni Krizzel si Jacob sa loob ng bahay at nang tuluyang makapasok ang dalawa, ay duon muling hinarap ni Jackson si Cedrick na ngayon ay parang baliw habang nakangisi.
Hindi ba napapagod ang lalaking 'to kaka-ngisi? Kanina pa 'to, a!
"See? Mas mahal ako ng anak mo keysa-"
Hindi niya na naman natapos ang dapat sanay sasabihin nang muli siyang suntukin ni Jackson and this time ay sunod-sunod na. Sinubukan kong awatin si Jackson dahil natatakot ako na baka mapatay niya pa si Cedrick– ngunit tila wala itong balak magpa-awat.
"te voy a matar, pedazo de mierda!" Galit na sigaw ni Jackson na hindi ko naman maintindihan.
YOU ARE READING
The Governor's Obsession
General Fiction"He was in the grip of an obsession he was powerless to resist"