KRIZZA'S POVHalos hindi na makilala ang mukha ni Cedrick matapos itong bugbogin ni Jackson.
Ilang mga suntok rin ang natamo nito bago tuluyang nawalan ng malay. Chineck ko kung may pulso pa ba ito at laking pasasalamat ko na meron pa naman. That means, buhay pa ito.
Hinila ko papasok sa loob ng aming bahay si Jackson upang duon ito pakalmahin. Iniwanan muna namin duon si Cedrick sa labas kung saan ito nakahundusay. Ang balak ko ay tumawag ng ambulansya ngunit nung paglabas ko ng bahay ay wala na ito duon. Wala na rin miski ang sasakyang ginamit nito. Sa isip ko'y baka agad rin itong nagkamalay at dali-daling umalis.
Kanina ay tinawagan ko si Nanay para ipa-alam sa kaniya na nakabalik na kami ni Jacob at bukas na bukas rin ay pupunta ako ng hospital para dalawin si Tatay. Si Nanay nga pala ang nagbabantay ngayon kay Tatay duon sa hospital kaya wala ito ngayon sa bahay. Kaming apat lang ang narito ngayon. Ako, si Krizzel, si Jacob at Jackson.
Nasa kusina ngayon si Krizzel at kasalukuyang naghahanda ng kakainin namin para sa hapunan habang ang mag-ama naman ay nasa taas, duon sa aking kuwarto. Nakatulog kasi si Jacob kaya ang sabi ko kay Jackson ay tabihan niya muna ang anak niya at gigisingin ko nalang ito 'pag handa na ang pagkain.
At ako, kakatapos ko lang mag half-bath at balak kong tulungan si Krizzel sa pagluluto ng uulamin namin.
Papunta na sana ako duon sa may kusina namin– nang bigla akong makarinig ng pagkatok mula sa labas ng pinto kaya naman dali-dali akong nagtungo sa may bintana, yung malapit sa may pinto para silipin kung sino ang kumakatok. Baka kasi si Cedrick na naman ito– malaking gulo na naman kung sakali.
"Where's my wife?"
Halos malaglag ang aking panga pagkakita ko sa lalaking ngayon ay nakatayo sa aking harapan. Matapos kong siguruhin na hindi ito si Cedrick ay saka ko lang binuksan ang pinto– at h-ck! Isang guwapo, matangkad at may matikas na pangangatawan lang naman ang bumungad sa akin!
The man's just wearing a black long-sleeve polo at kulay itim rin na slacks.
But, wait... Sinong wife ba ang tinutukoy nito?
"Excuse me po pero baka po wrong addressed kayo?" Magalang kong saad rito at kung titignan ay halatang may lahi ang lalaking 'to- half German yata. Mestizo at ang tangos pa ng ilong. Parang si Jackson lang din.
"You kinda look like her. Are you her sister?" His voice was deep and baritone kaya medyo nakaka-intimidate. Dagdag pa ang cold aura nito na katulad na katulad rin kay Jackson– 'di kaya'y magkapatid sila?
"Direct to the point, puwede? Ano bang pangalan ng 'wife' mo para-"
"Krizzel. She's my wife. Nakarating sa akin ang balitang nagpunta rito ang gag-ng lalaking yun, kaya gusto kong makasiguro na hindi niya sinaktan ang asawa ko."
Kulang nalang ay lumuwa ang aking mga mata dahil sa narinig. Si Krizzel?! Yung kapatid ko ang asawa niya?!
"Ako mismo ang papatay sa lalaking yun oras na malaman kong sinaktan niya ang asawa ko. I don't care if that crazy man is your boyfriend." Malamig pa sa yelo na dagdag nito kasabay ng pag-igting ng kaniyang perpektong panga.
Ni hindi ko magawang magsalita dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako lubos na makapaniwala sa aking nalaman. Asawa ba talaga ng kapatid ko ang lalaking 'to? How come?
Twenty-one palang itong kapatid ko habang ang lalaking 'to ay mukhang kaedad na ni Jackson. Nasa mga 30's na yata 'to.
"Krizza."
Napasinghap ako sa gulat nang biglang may humapit ng bewang ko. Naamoy ko agad kung sino ito– walang iba kundi si Jackson. Ni hindi ko man lang agad namalayan ang pagbaba nito.
"Who's he?" Salubong ang mga kilay na tanong nito habang nakatingin dun sa lalaki na nasa harapan namin.
"Liam!"
Bago pa man ako makasagot, ay naunahan na ako ng kapatid ko na ngayon ay patakbong lumapit sa aming gawi. Kita ko ang pamumutla nito at halos hindi magawang tumingin sa akin.
My ghad! Ni hindi pa nga ako tuluyang nakaka-recover sa nangyaring gulo kanina ay ngayon ito na naman?!
YOU ARE READING
The Governor's Obsession
General Fiction"He was in the grip of an obsession he was powerless to resist"