CHEATER

8 2 0
                                    

[ CHEATER ]

“Love, bakit kailangang maghintay pa tayo ng ilang months kung pwede naman gawing next month ang kasal?”

Hindi ko alam kung bakit nagbago ang isip nito at biglang minamadali ang kasal namin.

“That’s our special day, kailangan paghandaan. Gusto kong ibigay sa’yo yung dream wedding mo.”

Buong pagmamahal ko itong pinag masdan at hinaplos ang kanyang pisngi.

“Masisisi mo ba ’ko kung gustong gusto ko nang maikasal sa’yo?” malambing na aniya dahilan nang pagngiti ko.

Matagal ko na rin namang gustong maikasal kami pero kaya ko pa namang maghintay ng tatlong buwan basta maibigay lang sa kan’ya ang pangarap n’yang kasal.

Hindi doon natapos ang pamimilit nitong agahan ang kasal namin pero gaya ng mga naunang pag-uusap namin, sinasabi ko lang na gusto kong paghandaan ang lahat.

Habang abala sa pag-aasikaso ng kasal namin, I received a link of a video from unknown person na sana ay hindi ko nalang binuksan.

Sa isang iglap, parang gumuho ang mundo ko.

Yung pangarap kong makasama s’ya habang buhay ay biglang nabura sa isip ko.

Paano n’ya nagawa sa’kin yon habang ang ginagawa ko lang naman ay mahalin at irespeto s’ya.

“Love! Nasabi ko na sa wedding organizer ang gusto kong motif ng kasa—” mabilis itong napahawak sa kan’yang puso matapos kong itapon ang basong hawak, dahilan ng pagkabasag nito.

Nanginginig ang buo kong katawan at walang nagawa kung ’di mapaluhod at humagulgol.

“Bakit mo ’to nagawa sa’kin!? Wala akong ginawa kundi irespeto ka pagkatapos ay bababuyin mo lang ang sarili mo!?” sigaw ko sa kanya, sa gitna nang pag-iyak.

Tinapon ko sa paanan n’ya ang cellphone kung nasaan ang s*x video nito kasama ang ibang lalaki.

Tanging iyak at sunod-sunod na paghingi ng tawad nito ang narinig ko matapos n’yang tingnan kung ano ’yon.

Labis na pandidiri ang naramdaman ko at kahit tingnan ito ay hindi ko magawa.

Niloko n’ya ako.

Kapag naaalala ko ang itsura nito sa video na parang gustong gusto n’ya ang ginagawa ng hayop na lalaking yun sa kan’ya ay gusto ko na lang tumigil sa paghinga.

“L-Love, ple-please let me explain . . .” umiiyak ito habang pilit akong sinusubukang hawakan pero hindi ko ito hinayaan.

“Leave! Kalimutan mo na ang kasal!” sigaw ko, wala sa kan’ya ang paningin bago tumayo.

“No . . . please, ’wag ganito. Mag-usap tayo . . .” lumuhod ito sa harap ko, bakas ang pagsusumamo.

Marahas kong tinapik ang kamay nitong pilit humahawak sa’kin.

“Umalis ka na!” i yeld before grabbing her arms at pilit itong kinaladkad.

“No! Please, I love you– please don’t do this to me . . .”

Kung mahal n’ya ’ko, bakit n’ya 'yun ginawa?

Sinubukan n’ya ’kong yakapin kaya agad ko s’yang naitulak dahilan nang malakas n’yang pagbagsak sa sahig.

“Ahh!”

Sigaw nito na s’yang agarang paghawak sa tiyan dahilan upang matigilan ako.

Mula sa floral white dress nito ay unti-unting bumakas ang kulay ng dugo.

“N-No . . .” wala sa sariling sabi ko habang umiiling.

“P-Please, don’t tell me you’re pregnat . . .”

Mas lalo akong napaiyak ng hindi ito agad naka sagot.

Mula sa mukha nito ay nalaman ko ang sagot.

“I’m s-sorry . . .” pilit nitong sabi, bakas ang sakit sa kan’yang mukha.

Napasigaw na lang ako at paulit-ulit na nagmura bago s’ya mabilisang buhatin at dalhin sa pinaka malapit na hospital.

After the doctor informed me that she is four months pregnat and the baby is safe, I went to her room with a tears flowing.

Tulad ko, bakas rin ang pamamaga ng mata nito dahil sa pag-iyak.

Hindi ako makapaniwalang aabot kami sa ganito sa kabila ng akala kong perpekto naming relasyon.

“I’m leaving. Darating na ang Mama mo,” pinilit kong buuin ang boses sa kabila ng panghihina.

Muli itong napa hagulgol.

“I’m so sorry . . .”

Tumalikod na ako bago paman n’ya masabi ’yon.

Mahal na mahal ko s’ya pero hindi kaya ng puso kong tanggapin ang ginawa n’yang ’yon sa’kin.

Niloko n’ya ako na s’yang kahit kailan ay hindi ko naisip na magagawa n’ya sa’kin.

At ang mas masakit. Nagbunga pa ang panlolokong ’yon.

Yung batang dinadala niya ay sigurado kong hindi akin dahil ni minsan ay wala pang nangyare sa’min.

Before leaving her room, realisation hit me.

Meron talagang tao na pipiliin parin tayong lokohin kahit pa sobra-sobra na ang ibinibigay nating pagmamahal.


visit my timeline for more stories!
@Kwinpen Stories
Plagiarism is a crime.

 ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now