UNTIL WE MEET AGAIN
-"Woi, Bia. Crush mo, oh."
"Saan?"
"Ayan na. Padaan!"
Sumilip ako sa bintana ng class room namin. And then I saw, Liam, with his co- SSG officers. My heart suddenly beat so fast the moment my eyes darted on him. With his neat uniform, he look more expensive as usual.
"Hi, Liam. Goodmorning!" with a wide smile in my face, I greeted him.
Gaya ng naka sanayan. Dinaanan lang ako nito ng tingin. Hindi manlang nag abalang suklian ang ngiti ko. Tuloy ay hindi ako naka iwas sa panunukso ng mga kaklase ko.
"Bia, papansin."
"Bia, malandi."
"Bia, desperada."Ilan lang 'yan sa mga ibinansag nila sa akin. Hindi na ako nasasaktan. Nasanay narin siguro ako. This is my way of showing admiration to him at wala silang magagawa. If I know, patay na patay din sila kay Liam, pero wala silang lakas ng loob tulad ko.
"Kung mang-away kaya ako para mapa tawag sa SSG office?"
"Tanga. E 'di mas lalong turn off 'yun dahil iisipin masama ugali mo."
My friend was right. Marami pa namang way para mapansin n'ya. Ang sungit kasi ng isang 'yun. Sa halos dalawang taon kong pag papapansin hanggang ngayon walang effect.
Sa sobrang pagka gusto ko sakanya, halos lahat ng bagay tungkol sa kanya alam ko. Naka follow din ako sa lahat ng social media accounts n'ya kaso ay hindi s'ya mahilig mag- update.
"Kuya, nakita n'yo na po bang lumabas si Liam?"
"Wala pa, Ms. Bia, hihintayin n'yo po ulit?"
"Opo, Kuya Guard. Dito po muna ako sa gilid."
Naka sanayan ko ng hintayin ito sa gate, bago ako umuwi. Kapag lalabas na s'ya ay susunod na ako. Hindi ako lumalapit. Tamang distansya lang tapos kunyare nagkasabay kami. Pareho kasi kaming naghihintay sa waiting shed. S'ya ay sa sundo n'ya. Ako naman, naghihintay ng jeep. Hindi ko alam kung napapansin ba n'ya ang ginagawa ko at hinahayaan lang ako o sadyang hindi lang ako kapansin-pansin.
Minsan narin akong nag pakilala sa Mama n'ya. Sabi ko ay mag kaibigan kami. Ang kapal ng mukha ko buti nalang hindi s'ya tumutol kundi pahiya ako.
"Liam!" Naabutan ko s'ya papasok ng gate isang umaga. "Gusto mo pan de coco?"
"No. Thanks."
"E 'diba paburito mo 'to?"
Wala itong nagawa kundi tanggapin ang bigay ko. Walang mapag lagyan ang tuwa ko sa araw na 'yun. That was the first time he accepted something from me.
"Pre, si Bia. Nandyan na naman..."
"Bakit hindi mo pa patulan? Chick narin 'yan!"
"Oo nga naman, Liam. Maganda naman si Bia, ah. Maganda din ang kataw-"
"Tumigil na kayo, pwede ba?" bulyaw nito sa mga kaibigan.
"Hi, Liam!" I greeted him for uncounted times.
"Will you just stay away from me? Look, Ms. I am not interested on you. So, leave."
Hindi 'yun ang unang beses na magsungit s'ya pero 'yun ang unang beses na napahiya ako. Dinamdam ko 'yung sinabi n'ya pero hindi ko s'ya pinaniwalaan. Ganon nga siguro talaga kapag totoo ang nararamdaman mo sa isang tao. Hindi ka basta-basta mapapatigil.
"Baka kasi kulang ka sa talino kaya ayaw n'ya sayo."
Yea. Baka nga tama ang kaibigan ko. Kaya ang ginawa ko. Nag aral ako ng mabuti para mapa bilang sa top. Pero hindi parin siguro 'yun sapat dahil wala paring pagbabago. Hindi parin n'ya ako napapansin.
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES
FanfictionCOMPILATION OF MY ONE SHOT STORIES. ENJOY READING KWINS! © All Rights Reserved