A NIGHT TO REMEMBER

12 1 0
                                    

A NIGHT TO REMEMBER
[trigger warning: violence]

Araw ng linggo ng mapag desisyonan naming mag pipinsan na dalawin ang aming Lolo at Lola, sa probinsya kung saan sila namamalagi.

Matagal-tagal narin ng huli namin silang binisita dahil nga may kanya-kanya narin kaming trabaho.

Kasama ang apat kong pinsan ay binyahe namin ang lugar nila. Umaga ng umalis kami pero dahil nga sa hirap ng daan ay inabot na kami ng hapon.

Halos lahat na ng posisyon ay nagawa ko na sa loob ng pick up na sinakyan namin. Naubos narin namin ang reklamo dahil sa matirik at lubak na daan. Sa natatandaan ko noong huling punta namin ay hindi naman ganon kalala ang daan.

Ilang beses na naming pinakiusapan ang mag asawa na lumipat na sa maynila pero ayaw daw nilang iwan ang lugar nila. Naiintindihan naman namin 'yon dahil sino ba naman ang gugustuhing umalis sa ganong katahimik na lugar.

Sa kalagitnaan ng byahe namin ay bigla nalang namatay ang sasakyan namin at ng subukan itong paandarin ni Roland, isa sa'ming mag pipinsan na s'yang nag mamaneho, ay ayaw na nitong umandar.

"Kainis naman! Mukhang gagabihin pa tayo sa daan." ani Roland, bago bumaba kasunod si Niko.

Papalubog na ang araw. Nanatili kaming tatlong babae sa loob ng sasakyan habang inaayos ng dalawa ang sasakyan.

"Nakakatakot naman ang lugar na 'to..." saad ko matapos ilibot ang paningin sa paligid.

"Hay nako, Thea. Kakanood mo 'yan ng horror films!" tumatawang ani Glen, bago ipag patuloy ang pag reretouch.

Ang lugar na kinaroroonan namin ay para talagang 'yung sa horror movies na napapanood ko. Idagdag pa ang papadilim na paligid. Malalaking puno sa tabi ng daan. Tahimik at tanging huni ng mga insekto ang naririnig namin.

Hinintay naming maayos nila Roland at Niko ang pick up hanggang sa nag dilim na.

"Naiihi ako. Pasama naman, oh."

Sinamahan ako ng dalawa di kalayuan sa kinaroroonan ng sasakyan namin. Tanging flashlight ng aming mga cellphone ang ginamit naming pang ilaw. Pabalik na sana kami matapos akong umihi ng may maka salubong kaming Ale. Muntik pa kaming magsi-tilian dahil sa gulat. Tinanong nito kung saan kami galing at kung saan kami papunta.

"Alam n'yo bang delikado sa lugar na 'to lalo na pag ganitong gabi?"

Nakaramdam ako ng takot dahil sa sinabi n'yang 'yon. Halata naman talagang nakakatakot sa lugar na 'yun pero hindi namin naisip na meron palang tao roon.

"Mabuti pa ay sa bahay na kayo mag palipas ng gabi..." alok ng Ale samin.

"Nakakahiya naman po. May kasama pa po kasi kami." Si Rita.

"Isama n'yo narin ang mga kasama n'yo at baka mapa'no pa kayo dito. Gabi na. Bukas n'yo nalang ituloy ang byahe n'yo."

Mukha namang harmless ang Ale, pero nakakatakot lang talaga itong tingnan dahil sa soot nitong itim na lumang palda at blouse pati narin ang belo nito na naka patong sa balikat.
Tumanggi pa si Glen, pero pinilit namin s'ya ni Rita. Nakakatakot sa labas kaya mabuti narin 'yung may matutuluyan kami. Bukas ng maaga nalang namin ipag papatuloy ang byahe, tutal ay inaayos pa naman ang sasakyan.

"Wala po bang kuryente dito?" Sinuyod ni Glen ng tingin ang loob ng bahay ng Ale.

Pansin ko nga ang maka lumang paraan ng pag iilaw nila. Kakaiba rin ang amoy sa loob ng bahay. Pasimple nalang akong nag tatakip ng ilong. Susunod daw samin sina Roland. Malapit narin daw matapos ang inaayos nila.

"Ano po ba 'yang kakaibang amoy na naaamoy-" siniko ko si Rita, bago pa nito matapos ang sasabihin.

"Ang tahimik naman po dito sa inyo..." pag iiba ko ng usapan.

 ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now