Hindi mapigil ang pag agos ng mga luha dahil sa halo-halong emosyon habang dahan-dahang naglalakad sa altar papunta sa lalaking maarteng nag pupunas ng luha na s'yang nasa harapan. Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang nakaraan.
_"Ang gwapo talaga ni Marvin!" tili ko ng dumaan ang lalaking hinahangaan.
"Sus, hindi ka mapapansin n'yan! 'Yung may malaki ang s*so lang ang mga tipo ng isang 'yan!" sabi ng kaibigan kong bakla at inis na sinulyapan si Marvin.
"Mag hintay ka, sisiguraduhin kong sa susunod na buwan s'ya na ang lagi kong kasabay at hindi na ikaw!" biro ko na s'yang dahilan ng pag simangot n'ya.
"Napaka walang kwenta mong bestfriend talaga!" malakas na halakhak ang pinakawan ko dahil sa mukha n'ya.
Tulad ng sabi ko, ang naging goal ko sa mga sumunod na araw ay kung paano ako mapapansin ni Marvin. Hindi naman ako nabigo dahil sa loob lang ng dalawang linggo naging girlfriend na ako nito. Sa unang buwan namin bilang magkasintahan ay naging mabait ito sa'kin hanggang sa napansin ko na unti-unti itong nag iiba. Madalas ako nitong pilitin na mutulog sa boarding house n'ya na s'yang lagi ko namang tinatanggihan. Akala ko'y hanggang doon lang 'yon pero nagkamali ako dahil dumating ang araw na s'yang hindi ko inaasahan.
"G-Gali? A-anong nangyare sa'yo?!" boses ng nag aalala kong kaibigan ang narinig ko matapos nitong buksan ang pinto n'ya. Agad ko s'yang niyakap at hinayaan ang sariling humagulhol sa balikat n'ya.
"Si...M-Marvin. He r-raped me." pilit kong pag susumbong sa gitna ng walang tigil na pag iyak. Akala ko'y panunumbat ang aabutin ko mula sa kanya dahil nung una palang ay binalaan na n'ya ako pero sa kabila ng galit n'ya ay wala s'yang ginawa kundi patahanin ako at iparamdam sa'kin na hindi ako nag iisa. Nanatili ako sa Apartment nito dahil hindi ko kayang bumalik sa boarding house kung saan ako tumutuloy. Natatakot akong balikan ako ni Marvin ano mang oras.
Nag sumbong kami sa pulis. Mahabang proseso ang nangyare bago ito nakulong dahil ipinipilit n'yang ginusto ko din. Sa huli ay pinaniwaan ako ng batas dahil may mabuting loob na tumestigo. Nangyare lahat ng 'yon ng walang kaalam alam ang pamilya ko sa probinsya.
"M-Migs..." iyak ko isang araw matapos malaman na nag bunga ang kahayupang ginawa ng ex boyfriend ko. "A-no na ang gagawin ko ngayon..." walang pag asang sabi ko.
"Hush... Nand'yan na 'yan, wala tayong magagawa kundi panindigan nalang. Wala naman 'yang kasalanan sa nangyare sa'yo."
Hindi ako nito iniwan at hinayaang mag isa. Pinatira n'ya ako sa apartment n'ya at ginabayan sa bawat araw na lumilipas. Habang lumalaki ang tiyan ko ay lalo itong hindi makapag hintay na makita ang anak ko na para bang s'ya ang ama nito. Hindi ko alam kung paano mag papasalamat sa kanya sa lahat-lahat ng nagawa n'ya para sa'min.
"M-Marvin?" gulat ako ng isang araw ay bumungad ito sa'kin sa pintuan ng apartment kung saan kami ni Migs. Lumuhod ito sa harap ko. Paulit ulit na humingi ng tawad dahil sa nagawa n'ya. Sinabi n'yang paninindigan n'ya kami ng anak ko at bubuo kami ng sariling pamilya.
_"You may now kiss the bride." nabalik ako sa reyalidad ng marinig 'yong ianunsyo ng pari. Tilian ng kinikilig na mga tao sa loob ng simbahan ang narinig ko ng tuluyang mabuksan ng lalaki sa harap ko ang belo na s'yang naka harang sa aking mukha. Ngumiti ako at marahang pumikit, sinalubong ang papalapit nitong mukha. Malambot nitong labi ang s'yang naramdaman ko bago ito humiwalay.
"Yey!" napalingon kami sa walong taong gulang na batang babae habang patakbo itong lumapit sa'min at pareho kaming niyakap.
Maluha luha akong lumingon sa lalaking nasa tabi ko. Sa loob ng ilang taon, natutunan naming mahalin ang isa't isa. Nag pakahirap pa akong humanap ng iba noon samantalang sa simula palang ay s'ya na ang nasa tabi ko.
"I love you." anito dahilan upang matamis akong mapangiti.
"I love you, Migs." sabi ko bago ko ito niyakap ng mahigpit. Naki sali rin ang anak namin. Oo. Inako n'ya ang anak ko sa kabila ng katayuan n'ya bilang isang tao. Hindi kahit kailan naging hadlang ang pagiging kilos babae nito upang gampanan ang pagiging isang ama.
Sa harap ng diyos. Pinapangako kong ang lalaking ito ay handa kong ipagtanggol sa mga taong mapanghusga. Handa akong samahan s'ya sa kahit ano mang pag subok sa buhay. Kasama ang anak namin ay mabubuhay kaming masaya at magkakasama.
@Kwinpen Stories
Plagiarism is a crime
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES
FanfictionCOMPILATION OF MY ONE SHOT STORIES. ENJOY READING KWINS! © All Rights Reserved