REFLECTION

6 1 0
                                    

REFLECTION

" Ana! Hindi ba ay sinabi ko na sa iyo na 'wag kang mananalamin dito sa labas kapag ganitong hapon at papalubog ang araw! "

Bulyaw ni Mama ng makita akong nananalamin sa labas ng bahay namin.

" Ma, ano bang pamahiin 'yan? Hello, 2022  na po ngayon! "

" Naku. Huwag mong ku-kwestyonin ang paniniwala ng mga matatanda at baka magsisi ka! "

" As if namang may katotohanan ang mga 'yan. "  bulong ko ng umalis na ito.

Hindi talaga ako naniniwala sa mga pamahiin. Like, hello? Napaka makaluma na ng mga ganon para sa generation ngayon.

Dahil nga gusto ko ay laging maayos ang mukha ko, lagi akong may dalang compact mirror.

" Jusko naman, Ana! Mag ba-volleyball ka lang naman bakit kailangan pang mag paganda? "  sita sa akin ng teacher kong bakla sa P.E namin.

" Nandito daw po kasi ang crush n'ya! "

"Woii. Wala akong crush dito. Kailangan lang talaga na lagi akong maganda 'no! "

Hindi ako naniwala kay Mama. Kapag gusto kong manalamin, kahit anong oras ay nananalamin ako.

Hindi ko nga din alam kung bakit pinag babawal ni Mama na manalamin kapag papalubog ang araw. Basta daw ay bawal dahil 'yun ang paniniwala ng mga ninuno n'ya.

Hapon ng mag brownout. Dahil mainit sa loob ng bahay, naisip kong lumabas at sa likod bahay mag-aral, kung saan may maliit na lamesa at upuan na gawa ni Papa.

Papalubog ang araw at napaka ganda ng kulay orange na sinag nito. Naisip kong kuhanan ang sarili ng litrato at humarap pa mismo sa papalubog na araw.

Kinuha ko ang salamin at itinapat sa mukha ko para ayusin ang mga nalaglag na buhok sa noo ko.

Ang paningin ko ay nasa salamin ng bigla itong kumislap. Masakit iyon sa mata kaya biglaan akong napa pikit.

Nang dumilat ako at tingnan itong muli, ganon parin naman 'yun. Ngumiti ako at itinuloy ang pag aayos. Baka sinag lang ng araw. Matapos 'yun ay paulit-ulit akong nagpa picture.

" Oh. Bakit naka higa ka parin d'yan? "  si Mama ng madatnan ako sa kwarto.

" Ang sama ng pakiramdam ko, Ma. Hindi ko po 'ata kayang pumasok ngayon. "

'Yun nga ang nangyare. Buong araw ay halos naka higa lang ako. Mabuti nalang at sa sumunod na araw ay bumuti na ang pakiramdam ko.

" Uy, Ana. Pakopya ako sa assignment natin. "

" Ha? "  naguguluhang tanong ko sa kaibigan.

" 'yung kahapon. Hindi kasi ako naka gawa. "

" Hindi ako pumasok kahapon... "

" Anong hinde? Nagka amnesia ka, teh? "  natatawang tanong nito.

" Nilagnat ako kahapon kaya hindi ako pumasok. " pag lilinaw ko sakanya.

" Anong trip mo? Naka drugs kaba? " may pagtataka sa mga mata nito.

" Seryoso ka? Nandito ako kahapon? "
hindi maka paniwalang tanong ko.

" Oo nga! Ang tamlay mo pa nga e. Hindi mo ako kinikibo. May problema kaba? "
bakas ang kaseryosohan sa mukha nito.

Bigla akong kinilabutan. Paanong nandito ako kahapon e, nasa bahay lang naman ako buong araw? Sino 'yung nakasama n'ya?

Hanggang sa maka uwi ako ay 'yun lang ang laman ng isip ko. Maya't maya rin akong napapa lingon dahil feeling ko mayroong sumusunod at naka tingin sa akin.

Sa kalagitnaan ng pag iisip ko ay bigla kong naalala 'yung nangyare sa likod ng bahay namin.

" Ma, bakit po bawal manalamin kapag papalubog ang araw? " agad kong tinanong si Mama, ng maka uwi ako sa bahay.

" Bakit mo tinatanong? Hindi ba ay hindi ka naman naniniwala sa mga pamahiin? "

" Gusto ko lang pong malaman. "

Lumapit si Mama at umupo sa harap ko.

" Sabi ng Lola ko dati...  kapag daw papalubog ang araw ay nag lalabasan ang mga masasamang elemento. Bawal daw mag labas ng salamin o manalamin dahil 'yun daw ang lagusan nila dito sa mundo natin. Maaaring may  kakaibang mangyare sa kung sino man ang gumamit ng salamin."

Mas lalo akong kinilabutan. Naalala ko yung nangyare sa likod ng bahay. Hindi kaya 'yun ang dahilan kung bakit sinasabi ng kaibigan ko na nasa school daw ako kahapon?

Papunta ako ng hagdanan upang umakyat na sana ng madaanan ko ang nakasabit na salamin namin sa pader. May nakita ako mula doon kaya umatras ako upang siguraduhin kung ano iyon. Nagsi tayuan ang balahibo ko sa katawan ng makita ko ang repleksyon kong nakangiti mula doon samantalang hindi naman ako ngumingiti.

Parang tinambol ang puso ko at natigil ako sa paghinga ng marinig ko itong mag salita.

" Ako si Ana. Ikaw, sino ka? "

@Kwinpen Stories
Work of fiction
Plagiarism is a crime

 ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now