I AM HER FIRST AND LAST
My life was perfect. I'd loving parents and lovely girlfriend named, Vien. She's 22 years old.
My name is Angelo, mas matanda ako kay Vien ng tatlong taon. Wala talaga akong planong mag girlfriend noon, pero dahil makulit si Vien, napa sagot n'ya ako. Yea, she courted me for 7months. Ganon s'ya ka porsigidong maging boyfriend ako. She was jolly, a happy go lucky type of person back then, not untill one day. Nalaman namin na may dinadala s'yang sakit. Bone canser. It was supposed to be a happy day kasi graduation day ko pero sa hospital kami nauwi dahil na himatay sya.
Doon nag simulang mag bago ang buhay namin.
"Babe, kumain kana, please?" Pamimilit ko at aktong susubuan s'ya.
"Mamaya na, wala akong gana." tanggi n'ya.
"Angelo, ako na baka malate ka sa interview mo, ngayon 'yon diba?" Ani tita.
"Ay, oo nga po pala. Babe, aalis muna ako, babalik ako agad," tumango lang s'ya tapos ay hinalikan ko sa noo. Nag paalam ako sa kanila bago umalis.
Sa sobrang inis ko ay buong lakas kong sinipa ang basurahan sa gilid. Nalate ako at hindi ako natanggap. Bago ako bumalik sa hospital ay dumaan muna ako sa bahay namin.
"Todo alaga ka sa girlfriend mo tapos sarili mo pinapabayaan mo! Paano pag gumaling s'ya at ikaw naman ang magka sakit, ha?" 'Yan lagi ang linya ni mommy sa t'wing nagagawi ako sa bahay. Naiintindihan ko naman s'ya pero sana intindihin din n'ya ako.
Tahimik sa kwarto ni Vien ng dumating ako. May kakaiba sa tingin nila sakin pero hinayaan ko lang hanggang sa mag salita si Vien.
"Binenta mo daw yung kotse mo?" Alam kong naiinis s'ya dahil hindi n'ya ako matingnan.
"B-babe, kasi..."
"Diba sabi ko kaya na nila mama at papa?" Naiinis na anito.
"Babe, i just want to..."
"Ano nalang ang sasabihin ng parents mo?" Kita ko ang namumoong luha sa mga mata n'ya. "H-halos lahat ng oras mo d-dito mo na inuubos... t-tapos malalaman nalang nila na nag bebenta ka ng gamit mo para..." Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil tuluyan na s'yang naiyak, agad ko naman itong niyakap at inalo.
"Don't worry about it, pwede pa naman mabalik yun e... ikaw, hindi pwedeng kulangin ang mga gamot mo," pag papaliwanag ko.
Nag susumikap akong makahanap ng trabaho pero tama bang hilingin ko na 'di ako matanggap? Kasi pag nagka trabaho ako makukulangan na ang oras ko sa hospital.
Hapon na ng dumating ako sa hospital. Nag kakagulo sa kwarto n'ya kaya agad akong pumasok. Nadatnan ko s'yang pasigaw na umiiyak habang inaasikaso ng mga doktor n'ya. Sumasakit na naman daw ang katawan n'ya sabi ni tita. Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko habang nakikita s'yang nahihirapan. Sa bawat sigaw n'ya, parang dinudurog ang puso ko. Kung kaya ko lang ilipat 'yung sakit na nararamdaman n'ya sa'kin ay ginawa ko na. Hindi n'ya deserve 'to. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagawa s'yang patulugin ng mga doktor.
Nagising ako ng maramdamang may humahaplos sa buhok ko. Tumigil 'yon ng maramdamang gumalaw ako.
"U-umuwi kana muna Angelo..." malamig na sabi nya.
"Hmm... ayos lang ako dito babe, tsaka kailangan mo ako," sabi ko.
"Nandito naman sila mama... k-kaya na nila." pamimilit n'ya.
"It's okay, wala rin naman akong gagawin sa bahay e," I insist. Biglang nag bago ang expression ng mukha nito.
"H-hindi kaba talaga maka intindi o sadyang 'di mo lang iniintindi?" Nanginginig ang boses na sabi n'ya "Look, hindi kaba nag sasawa na pag gising at bago matulog ako lang nakikita mo? K-kasi ako, sawang sawa na e..."
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES
FanfictionCOMPILATION OF MY ONE SHOT STORIES. ENJOY READING KWINS! © All Rights Reserved