WHISPER (part1)

4 2 0
                                    

WHISPER

“Truth or Dare!?”

“Mag-dare ka na, Kelly!”

“Ahh, wala! Mahina. Ayaw mag-dare!”

“E, ’di sana dare lang ang nilaro natin kung hindi naman pala ako pwedeng mag truth!”

“Dare na kasi!”

“Osige. Dare!”

Pa-uwi kami noon isang gabi galing sa galaan nang magkatuwaan kaming apat na magkakaibigan, habang naglalakad sa med’yo madilim at tahimik na kalsada ng barangay namin.

“We dare you na bumulong doon sa namatay na anak ni Aling Tina!”

“Gaga! ’wag n’yo ngang idamay ang patay!”

“Kj mo! Bubulong lang naman. Sabihin mo lang na, crush kita, crush back mo naman ako. Tapos alis na tayo agad!”

Matapos nila akong pilitin ay pumunta nga kami kung nasaan ang lamay. Pinag titinginan pa kami ng mga nandoon nang lumapit kaming apat sa kabaong.

Matagal ko ng nakikita si Ethan sa barangay namin pero sa unang pagkakataon, doon ko lang ito malapitang natitigan. Para lang itong natutulog. Masasabi kong tama ang naririnig ko sa mga kababaihan ng  barangay namin. Gwapo nga ito.

“Crush kita, Ethan, crush back mo naman ako . . .”

Pagka bulong ko ng mga salitang iyon ay bigla na lang may kakaibang hangin na humaplos sa balat ko dahilan ng agarang pananayo ng balahibo ko.

Tilian ng mga kaibigan ko ang tanging narinig ko nang maka layo kami sa lugar.

“Sayang si Ethan, ’no? Namatay ng hindi man lang nalahian!” biro ni Soni.

“Hoy, Kelly! Bumulong ka ba talaga? Baka wala, ah!”

“Oo, malamang!”

Pakiramdam ko pagkatapos ng gabing iyon ay lagi na lang may nakatingin at sumusunod sa akin. Ikinwento ko iyon sa mga kaibigan pero pinag tawanan lang ako ng mga ito. Masyado ko lang daw sineryoso ang ginawa namin sa lamay kaya kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at natagpuan ko na lang ang sarili sa facebook account ni Ethan. Noon ko lang din nalaman na friends pala kami. Nandoon parin ang mga picture n’ya. Nakita ko rin ang tags ng mga kaibigan n’yang nalungkot sa pagkawala n’ya. Kahit ako’y nakakaramdam ng lungkot sa biglaan nitong pagka wala.

“Narinig mo ba yung binulong ko sayo?” wala sa sariling napindot ko ang send matapos i type iyon.

Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko nang makita sa screen ang seen. Maya-maya pa ay lumabas ang tatlong gumagalaw na tuldok, tanda na magre-reply na ito.  Parang tinambol ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito.

“Seryoso, Mira! Sineen n’ya ang message ko!” kwento ko.

“Naku, Kelly, nitong mga nakaraan bigla na lang ang dali mo magulat. Tapos ngayon ikukwento mong nag-chat ka sa facebook ng patay at sineen ka. Konti na lang iisipin ko ng nagsa-shabu ka!”

“Baka may gumagamit ng account. Nag-reply ba?”

“Wala.” parang bigo ko pang sagot.

“Subukan mo kayang i-chat ulit baka mag-reply. Tapos itanong mo kung sino s’ya. Baka girlfriend pala n’yang pinag bigyan ng password!”

Tulad ng sabi ni Mira. Kinikilabutan at kinakabahan man ay sinubukan ko ulit mag-chat sa facebook nito. Ilang oras akong naghintay ng reply pero wala. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagka bigo. Kinumbinsi ko na lang ang sarili na, patay na yung tao kaya paano pa makakapag reply?

 ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now