MY UNDYING LOVE (part2)

5 2 0
                                    

My undying love
     (Ethan 'n Kelly)

"Uy, Ethan! Tara na!"

"Mauna na kayo, pre!"

"Ano, hihintayin mo na naman 'yung short hair mong kabarangay?" pang aasar ni Miko.

"Hayaan mo na! Tinamaan talaga 'tong kaibigan natin, eh!" ani Billy, bago sila nag tawanan.

Tulad ng sabi nila ay hinintay ko nga si Kelly. 'Yung tinutukoy nilang kabarangay ko. Hindi naman na bago sa kanila 'yon dahil lagi ko naman talaga itong hinihintay. Nauuna kasi ang uwian namin kumpara sa uwian nilang 5: 30. Medyo madilim sa kalsadang papasok sa'min kaya mahirap na, baka mapano pa ito.

"G*go, pre! Nakita ko 'yung crush mo doon sa liga ng barangay namin noong sabado!"

"Oh. Talaga?"

"Oo. Kasama 'yung hambog na captain ball ng kalaban naming team. 'Di kaya shota n'ya 'yun?"

"Baka kaibigan lang..."

Paulit-ulit kong kinumbinsi ang sarili na baka kaibigan n'ya lang talaga 'yun. Wala akong naririnig na karelasyon nito. Kung meron man ay siguradong pag uusapan iyon ng mga chismosa sa barangay namin.

"Paload po!"

Gulat akong napatingin sa babaeng tumabi sa'kin habang hinihintay ang binili kong softdrink, sa tindahang malapit sa amin.

"Napapadalas 'ata ang pag load mo, kelly? Mukhang lagi kang may ka text, ah!"

"Kayo talaga Aling Agnes, pasimple kayong sumasagap ng balita! Kung meron man po ay 'di na ako mag papaload dito sa inyo. Doon nalang ako hihingi lagi!"

Hindi ko maiwasang mapa ngiti. Kahit hindi man ito nag abalang lingunin ako ay ganoon nalang ang tuwa ko. Bihira lang talaga ang ganoong pagkakataon. 'Yung matitigan s'ya ng malapitan ay sobrang kuntento na ako.

"Ligawan mo nalang kaya, pre. Hindi 'yung para kang ewan na sunod ng sunod sa kanya. Baka mamaya pag nalaman n'ya matakot pa 'yun sayo..."

"Darating naman talaga tayo d'yan."

"Kailan pa? Kapag naunahan kana?" pang aasar ni Billy.

Maganda si Kelly, at alam kong mabait din ito kaya hindi imposible 'yung sinabi ni Billy. May posibilidad na baka mahuli ako. Wala lang talaga akong lakas ng loob lumapit at kausapin s'ya. Nandoon 'yung takot na baka ayawan n'ya ako. Na kapag nalaman n'ya ay iwasan n'ya ako. Mabuti na iyong malaya ko s'yang natatanaw sa malayo kesa magka ilangan kami.

"Opo, Ma... kakalabas ko lang po. Pauwi na'ko..."

Dinig kong sabi nito sa kausap sa cellphone, habang pasimple akong nag lalakad kasunod n'ya. Marami kaming kasabay na estudyante kaya imposibleng mahalata n'ya ako.

"Mag kano po lahat 'yan, Lola?" tanong ko sa matandang nadaanan namin na nag bebenta ng sampaguita.

"Singkwenta lang ito lahat, Ijo..."

Binigyan ko ito ng isang daan. Kawawa naman. Hapon na pero hindi parin nakakauwi. Isasabit ko nalang sa altar ni mama ang sampaguita.

"Kainis! Bakit ngayon pa?"

Napangiti ako ng makita ang inis na mukha ni Kelly. Biglang umambon. Buti naka alis na si Lola.

Araw-araw. Walang mintis. Lagi kong binibisita ang facebook account ni Kelly. Naaaliw akong panoorin ang mga short videos nito kasama ang mga kaibigan n'ya.

"Hoy, Ethan! Ano 'to, ha?"

"Ma! Sinabi ko naman pong ako na ang mag liligpit ng mga gamit ko!"

"Aba... Bakit ka may picture ng anak ni Kori?"

 ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now