Chapter 9

28.7K 699 8
                                    

KINABUKASAN ay maagang nagising si Vincent nakasuot na ito ng office suit. Bitbit niya ang ilang gamit habang palabas siya ng kanyang kwarto. Siya namang paglabas nila Oliver at Lezlie mula sa silid ng kapatid. Napakamot ng ulo si Oliver samantalang si Lezlie ay hindi makatingin kay Vincent.

"Kuya Oliver baba na daw kayo dahil handa na ang breakfast." Ani Khloe na nakangisi.

Agad naman inakay ni Oliver si Lezlie pababa habang nakasunod sa kanila si Vincent. Sa dinning area agad sila dumulog. Pagdating nila sa hapagkainan ay nakaupo na doon ang magulang nila. Magkatabing naupo sina Oliver at Lezlie samantalang si Vincent ay natatawa ng lihim.

"Oliver."

Agad na napaangat ng tingin si Oliver ng tawagin siya ng ama. "Yes Dad?" Anito sa ama.

"Kailangan mong magpaliwanag sa ninong Leandro mo. Kung bakit magkasama kayo ni Lezlie magdamag." Seryosong turan ng ama nila kay Oliver. "Okay Dad." Tugon nito sa ama.

"Mahal niyo ba ang isa't isa?" Maya ay tanong ng ina nila Oliver.

"Opo."

Halos magkapanabay pa ang dalawa sa pagsagot sa tanong ng ginang na napangiti. "Mabuti kung ganun, hala sige na kumain na kayo." Utos ng ina nilang napapangiti.

Matapos mag-almusal ni Vincent ay agad itong nagpaalam sa kanyang magulang na siya ay papasok na sa trabaho.

SAMANTALA hindi naman magkandaugaga si Cathlyn kung ano ang isusuot niyang damit. Kaya napapakamot ito ng ulo hanggang sa mapili niyang isuot ang purple wrapped V-neck na lampas tuhod ang haba. Pinarisan niya ito ng black collar platform sandals.

Habang sinisipat niya ang sarili sa harap ng salamin ay biglang nagring ang tawagan niya. Dali-dali niyang sinagot ito ng makitang si Vincent ang tumatawag. "Hello." Bungad niya dito.

"Baby, I'm on my way now. Susunduin kita diyan." Ani Vincent. "Okay. Mag-iingat ka sa pagmamaneho." Anang dalaga bago nawala sa linya si Vincent. Kaya muling itinuloy ni Cathlyn ang pag-aayos niya ng sarili.

Makalipas ang ilang minuto ay muling tumawag si Vincent. "Baby, nandito na ako sa parking lot." Ani Vincent. Kaya naman agad na binitbit ni Cathlyn ang mga gamit niya at lumabas ng apartment niya.

Hindi naman nagtagal ng matanaw ni Vincent si Cathlyn kaya dali-dali siyang lumabas ng kotse niya. Nakangiti namang lumapit si Cathlyn kay Vincent habang naghihintay ito sa labas ng kotse nito.

"Good morning baby." Bati ni Vincent dito na agad inabot ang kamay ni Cathlyn at hinalikan.

"Good morning too my handsome boss." Sagot naman nito sa binata na agad siyang pinagbuksan ng pinto ng sasakyan. Nang makapasok sa loob ng sasakyan si Cathlyn ay saka gumawi sa driver side si Vincent.

"Flower for you." Nakangiting inabot ni Vincent ang bouquet ng bulaklak kay Cathlyn bago niya binuhay ang makina ng sasakyan. "Thanks." Tipid na ani Cathlyn habang inaamoy nito ang buklaklak na hawak.

Nang marating nila ang Vergara Int. ay sabay na naglakad ang dalawa patungo sa main office ni Vincent. "Good Morning Sir, Ma'am." Bati ng mga nakakasalubong nilang mga empilyado ng Vergara Int.

Isang ngiti naman ang sinusukli nila sa mga ito. Agad na hinapit ni Vincent sa baywang si Cathlyn ng may makasabayan sila sa loob ng lift. Tahimik naman ang mga nakasabayan nila hanggang sa magbukas ang lift.

Pagdating nila ng opisina ni Vincent ay agad na tiningnan ni Cathlyn ang mga schedule ni Vincent. "Sir, you have a lunch meeting with Mr Dela Cruz." Seryosong ani Cathlyn na nakatutok ang mga mata sa mga papel na hawak niya.

Vincent Met His Seductive Secretary(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon